┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Umayos silang lahat sa pagkaka-upo at tumingin kay Trisha na hawak ang bote na walang laman. Pinaikot naman ni Trisha ang empty bottle at huminto ang pinaka nguso ng bote sa tapat ni Hazel. Tuwang-tuwa ang dalaga dahil siya ang unang tinapatan ng bote sabay tanong ni Trisha sa kanya. "Woohoo! Truth or dare!" Malakas na ani ni Trisha. Lasing na talaga ang magkakaibigan. Ngumisi naman si Hazel, itinapat ang hintuturo niya sa kanyang sintido, pagkatapos ay sumagot ng malakas. "Dare!" Tuwang-tuwa naman si Trisha at nag-isip ng ipapagawa kay Hazel. Mayamaya ay ngising kalabaw na ang dalaga na nakatitig kay Hazel. "Sumayaw ka duon. Duon sa stage na may pole dance ng seksi at nakaka-akit. Biliiiiiis! Gusto naming makita kung gaano ka kagaling sumayaw," utos nito kaya tumayong bigl

