Thalia: Chapter 7

1700 Words
S A M U E L Because of what happened tonight, hinintay ko mo nang makatulog si Thalia hindi ko pwedeng palampasin kung anong pinagsasabi ng aking ina. Siguradong nasaktan ng husto si Thalia at nawalan pa ng trabaho, inayos ko muna ang aking sarili bago ako lumabas ng aking unit. Balak kong pumunta ngayon sa bahay para makausap ang aking magulang, wala ng makakapigil sa amin doon dahil nasa sariling pamamahay na kami. Pagtapak ko pa lang sa pintuan ng bahay ay sinalubong ako ng mainit na presensya ni Manang Claudina. Ang kanyang mukha ay puno ng pag-usisa, nakarinig ako ng ingay mula sa kwarto nilang mga kasambahay. Dinala ako ng kuryusidad sa lugar na iyon, at nagulat ako nang makita ko ang aking ina na iniipon ang mga gamit ni Thalia sa isang malaking trash bag. “What’s going on, bakit mo pinakialaman ang gamit ni Thalia?” Malamig ko na tanong dahilan para tumingin siya sa akin. Kita ko ang galit sa mga mata, wala akong pakialam kahit magalit pa siya sa akin. “What are you doing here? Pagkatapos mong piliin ang babaeng iyon magpapakita ka pa dito sa bahay! Tinutuwid kita sa tamang landas pero hindi ka nakikinig sa amin, para kang naubusan ng babae Samuel kay Thalia ka pa talaga pumatol, nakakahiya ka! Huwag mo akong pakialaman Samuel, nandito ka sa pamamahay ko! It feels as though all my efforts have been in vain. Ang tanging nais ko lang ay makilala mo ang babaeng tunay na karapat dapat sa iyong puso, ngunit napunta ka sa isang taong nasa ilalim mo! Marami namang mga babae ang humahanga sa iyo, and Cristel would be a wonderful match for you—so why not choose her?” Habang pinapakawalan niya ang kanyang mahabang paliwanag na puno ng pait, nakatayo lang ako, umigting ang panga ko, napagtanto na ang aking ina ay hindi maunawaan kung anong pananaw ko. “Do I really need to say it again? When did the heart ever get to pick who it loves? Maaari mo bang lawakan ang iyong isipan nang kahit kaunti? I’m not a kid anymore, and I’ve made my choice. I’ve found the woman I want to spend my life with, ngunit narito pa rin kayo humahadlang sa aming pagmamahalan. Noong araw, ang ginawa mo lang ay magwaldas ng pera sa babaeng gusto mo para kunin ang atensyon ko, pinalampas ko yun pero this time hindi niyo magawang tanggapin ang babaeng gusto ko! Si Thalia ay hindi basta bastang babae; she's one of a kind. Kaya, kung talagang gusto mo akong maging masaya, bakit hindi mo ako suportahan? Hindi dapat ganoon kahirap. Kayo ni dad ay may edad na, ayaw niyo bang makitang maging masaya ako? Huwag niyo namang ipagdamot sa akin ang pagkakataong ito.” Wala akong ibang pakiusap sa kanya kundi tanggapin na lang kung anong relasyon namin ni Thalia, hindi na ako isang batang paslit para pakialaman nila. Ngayon, kaya ko ng bumuo ng sariling pamilya. Ang hinahangad ko lang ay ang kanilang pampatibay-loob, ngunit nais ko ring huwag makialam at payagan akong gumawa ng sarili kong landas. “Madaling maging mabait Samuel, talagang nabilog ka na ng babaeng yan. Kahit ano pang sabihin mo hindi ko siya matatanggap!” Mariin niyang sagot bago lumabas ng kwarto, sumunod naman ang ibang katulong. Huminga ako ng malalim, para pakalmahin ang aking sarili. Marahil ay kailangan kong umangkop sa kanilang mga paraan; pagkatapos ng lahat, maaari itong maging isang hamon upang maunawaan ang kanilang pananaw, dahil siguro nagkakaedad na silang dalawa ni dad. “Manang Claudina, sabihin mo kay Mang Danny dalhin ang mga gamit ni Thalia sa condo ko.” Bilin ko sa kanya dahil baka ipatapon na ito ng aking ina. “Ako na ang bahala sa mga gamit niya, sana maging maayos ang lahat, kawawa naman si Thalia wala ng trabaho, ikaw lang ang makakatulong sa kanya.” May pag-aalala nitong sabi, muli akong nagpakawala ng hangin. “Wag kang mag-alala Manang, ako na ang bahala sa kanya titiyakin kong hindi siya mahirapan.” “Suportado ko ang relasyon niyong dalawa, isang mabait na bata si Thalia kaya sana kahit anong mangyari ipaglalaban mo siya. Hindi batayan ang estado ng buhay, masaklap lang hindi na marunong lumingon si Samantha sa dati niyang pinanggalingan.” May lungkot sa boses niyang sabi pero agad din itong ngumiti, tinapik ko siya sa balikat dahil kung tutuusin ay mas naging ina pa sa akin si Manang Cloudina kesa sa tunay kong ina. “Ang lagi kong sinasabi sayo, lahat ng iyan ay merong dahilan kaya kahit anong mangyari huwag kang magtatanim ng galit sa iyong ina. Ikaw ang mas nakakaintindi kaya ikaw na ang mag-adjust.” Muli niyang sabi sa akin bago ako niyakap ng mahigpit. Nang maghiwalay ako sa pagkakayakap ay sakto namang pag baba ng aking ama. Nakatungkod na ito dahil nahihirapan siyang maglakad kapag walang baston. "Let's talk Samuel." Malamig niyang sabi bago lumakad papuntang garden. Sumunod naman ako ngayon lang kami maguusap ng ganito. "Anong nakain mo at pumatol ka sa isang katulong?" Seryoso niyang tanong, napangisi ako. "Wala naman tayong pinagkaiba sayo dad. Ang hindi lang magkapareho ay hindi pera yung habol sa akin ni Thalia. Sana irespeto mo kung anong desisyon ko dad, walang magiging problema kung hahayaan niyo ako." Seryoso kong sagot, dumilim ang mukha niya. "Sayo lang lang ako nag-mana dad kaya alam mo kung anong sitwasyon ko ngayon. Dahil ipinaglaban mo noon si mama kahit ayaw nila lolo sa kanya." Muli kong sabi sa kanya, huminga siya ng malalim. "Ayoko lang na magaya ka rin sa akin, pinili ko ang iyong ina dahil sayo. Iniwan ko ang dati kong asawa dahil wala akong nararamdaman para sa kanya. Kinasal lang kami dahil sa magaling kong ama-amahan!" Tukoy nito kay lolo, hindi niya ito tunay na ama dahil maagang namatay ang kanyang ama. "Huwag niyong papakialam si Thalia, dahil kapag ginawa niyo iyon kakalimutan kong pamilya ko kayo!!" Malamig kong sabi bago siya talikuran, hindi kami magkasundong mag-ama dahil ang gusto niya, ayoko kaya lagi kaming nag-aaway. Nagpaalam na rin ako sa kanya dahil baka magising si Thalia wala siyang kasama sa condo ko. Habang nasa byahe ako pabalik sa aking hotel, may nadaanan akong isang maliit na convenience store. Huminto ako para mag groceries ng mga kailangan sa condo, dahil siguradong sira na ang mga pinamili ko noon. Mga importanteng kailangan lang ang pinamili ko good for one week, saka nalang ako binili ng marami kapag kasama si Thalia dahil wala naman akong alam sa ganito. Pagkatapos kong mag groceries, umalis na rin agad ako anong oras na rin kasi maaga pa ang aking alis bukas. Pagpasok ko palang sa maaliwalas kong condo, agad akong nag-ayos ng aking pinamili. Nang matapos na ang lahat, tinahak ko ang daan patungo sa kwarto ni Thalia at hindi ko mapigilang silipin siya, payapa itong natutulog. Tuluyan na akong pumasok sa loob at umupo sa sofa sa tabi ng kama niya. Napatingin ako sa mukha niya; simple lang siya, ngunit kahit sinong lalaki ay maaaring mapatingin sa kanya dahil kung gaano siya ka-simple ay malakas ang karisma niya. Nagpasya akong mag-stay dito sa maaliwalas na silid ng panauhin at naglaan ng ilang sandali upang tingnan ang aking email, sabik na makita kung ang appointment sa pasaporte ni Thalia ay may naka-iskedyul na ba. Nang makita kong mayroon na, tinawagan ko si Mr. Rodolfo at sabihing samahan si Thalia sa pag-aayos ng kanyang mga pangangailangan. “Mr. Rodolfo, bukas ay samahan mo si Thalia na ayusin ang mga requirements niya for passport.” “Okay sir Samuel, walang problema. Nasa email mo na rin pala yung mga kailangang pirmahan” Sagot nito. "Okay titignan ko, maaga kang pumunta rito." "Tumawag pala ang iyong ina kanina, nagagalit dahil hinayaan kitang makipag relasyon kay Thalia. Sinabihan akong gumawa ng paraan para maghiwalay kayo, tignan mo si Thalia baka kung mapano." Mahaba niyang paliwanag, hindi na ako magugulat dahil wala ng bago doon. Hindi na ako sumagot pinatay ko na ang tawag para tingnan yung tinutukoy niyang mga pipirmahan ko. Pinagpi-pirmahan ko na ang lahat ng sinend niya sa akin, dahil sa sobrang busy ko ay inabot na pala ako ng madaling araw. Binasa ko pa kasi ang mga ibang messages nila na hindi nabigyan ng pansin noon. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumabas ng guest room, kailangan ko ng mag order para sa breakfast namin ni Thalia. After kong tumawag ay nagtungo na ako sa aking silid para maligo, para diretso kumpanya na mamaya. Kailangan ko pa kasing ayusin yung dadalhin papuntang Hongkong, mas mabuti na ang lahat para walang maging problema. Tinignan ko ang aking isusuot mabuti na lang meron pa akong maisuot ngayon araw. Nang makapag-ayos, agad akong lumabas dahil merong nag-doorbell. Yung inorder kong pagkain namin, pinasok ito ng crew at inayos sa mesa. Saktong pag bayad ko ay lumabas si Thalia sa guest room. “Go-good morning sir Samuel.” Mahinang boses niyang bati sa akin. Namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. “Let's eat, susunduin ka ni Mr. Rodolfo meron kayong pupuntahan.” Aya ko sa kanya bago naunang maglakad papuntang kusina. Dahil sinabi kong maaga itong pupunta ngayon, mas mabuti na yon para matapos agad. Tahimik siyang umupo at nagdasal bago sinimulang kumain. Pinag masdan ko siya dahil sobrang tahimik niya ngayon. Kasi dati hindi naman, kahit paano ay nakikipag-usap siya sa akin. “Tungkol sa nangyari kagabi, wala ka ng babalikan trabaho at yung mga gamit mo ihahatid dito ni Mang Danny. And please huwag ka ng babalik sa mansyon, pwede kang mag-stay dito walang problema sa akin.” Seryoso kong sabi sa kanya pero nanatili pa rin siyang tahimik. Hindi na rin ako muling nagsalita pa, siguro wag ko muna sabihin ang tungkol sa aking alok. Sariwa pa ang gulong nangyari kagabi, kahit na pinapakita niyang ayos lang siya. Iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara, kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin, huminga ng malalim bago nagsalita. “Tungkol sa alok mo sa akin Sir Samuel, ano pang pwede kong makuha pagkatapos ng dalawang taon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD