Thalia: Chapter 47

1717 Words

Medyo nakaramdam ng inis si Samuel; dahil pagkatapos nilang mag-almusal kanina, nanatiling nakakulong ang dalaga sa kwarto ng kanyang ina. Nakakailang balik na siya, pero parang hindi nakakaramdam si Thalia. “Thalia, nakailang silip na si Samuel sayo hindi ka pa ba babalik sa kwarto niyo?” Tanong ng ginang sa dalaga, tumingin naman ito sa kanya ang ngumiti. “Hayaan mo siyang maghintay mama, ako pa talaga yung binantaan niya bahala siya dyan.” Nakanguso na sagot niya bago binalik ang atensyon sa pinapanood niyang drama. “Napapansin ko nitong nakaraang araw, madalas masama ang pakiramdam mo. May problema ba?” Usisa ng ginang, meron siyang gustong kumpirmahin. “Wala naman po akong problema, hindi ko rin maintindihan ang aking sarili.” Agad na sagot ni Thalia, napataas ang kilay ng ginang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD