S A M U E L Hindi ko pa sinasabi sa aking ina ang tungkol sa pakikipagkita ni lolo. Mamayang gabi ay magkikita kami, at nag-request siyang isama si Thalia wala naman akong ideya kung bakit dahil importante ang kanyang sasabihin. Nakatitig lang ako kay Thalia na ngayon ay sarap na sarap kumain ng singkamas. Akala mo ay mauubusan dahil kung sumubo ay tatlong piraso agad tuwang-tuwa pa na tila batang napagbigyan sa gusto niyang pagkain. “Darling, dahan-dahan naman mamaya mabulunan ka sa ginagawa mo.” Suway ko sa kanya, tinignan lang niya ako ng masama bago tinalikuran. Aba’t ang sungit tapos lagi pang nagrereklamong mabaho ako. “Darling, meron tayong pupuntahan mamayang gabi hindi pwedeng maiwan ka rito.” Seryoso kong sabi sa kanya dahil mukhang ayaw sumama, sumimangot siya at hindi nags

