Kabanata 2

2120 Words
Maingay na pier ang sumalubong sa ‘min nang makarating kami. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid habang binababa ni Kuya Nolan ang mga gamit ko mula sa sasakyan. Malamig ang ihip ng hangin at naririnig ko ang banayad na tunog ng tubig-dagat. Alas-singko ng hapon ang huling byahe ng barko ngayong araw. Hindi ako makapaniwalang nandito na ako at nakahanda nang umalis, at iwan ang lahat sa lugar na ‘to. “Bakit hindi ka na lang ho nag-eroplano, Ma’am Isla?” nag-aalalang tanong ni Kuya Nolan habang tinitingnan ang paligid. “Delikadong bumyahe sa barko lalo na kung mag-isa kayo. Marami pong masasamang-loob ngayon, Ma’am.” Napahinga ako nang malalim at matamang ngumiti. Nilingon ko ang malaking barko at mula sa dulo ng malawak na dagat ay natatanaw ang papalubog na araw. Matingkad na kahel ang kulay ng langit dahil sa nag-aagaw na liwanag at dilim. Napangiti ako sa tanawin. I think leaving Manila isn’t really that bad... Halo-halo ang nararamdaman ko pero desidido na akong umalis, at tingin ko’y wala nang makakapigil sa ‘kin. “Kahit nasaang lugar tayo, Kuya Nolan, delikado. It’s too dangerous for me to leave alone, but it’s more dangerous to stay in this place and get my life ruined,” makahulugang sabi ko. Isang malalim na buntonghininga ang narinig ko rito. Alam kong naiintindihan niya ang pinupunto ko at hindi ko na kailangan pang ipaliwanag. “Bakit hindi ninyo isama si Hera? O kaya kahit sinong kaibigan ninyo, Ma’am Isla... nakakapag-alala talaga ang gagawin ninyo.” Kinuha ko ang bag ko at sinukbit sa balikat. “I can’t drag Hera in this, Kuya Nolan. Alam ninyo ang mangyayari kung malaman nina Papa na alam n’yo ang tungkol sa pag-alis ko at hinayaan n’yo ako, kaya mas lalong hindi ko pwedeng isama si Hera.” Tinulungan niya ako sa pagkuha sa aking maleta mula sa likod ng sasakyan. Napatigil lang ako nang mag-ring ang cellphone ko at makitang tumatawag si Mommy. Halos kumabog ang dibdib ko sa kaba at mabilis na pinatay ang tawag. Hindi ko alam kung may ideya na siyang wala na ako sa mansion at nasa pier pero in-off ko pa rin ang cellphone ko dahil baka ma-trace nila kung nasaan ako. Agad ko ‘yong binulsa at nagmadali na sa pagkuha ng mga gamit ko. “Kailangan ko na pong umalis. Kayo na po ang bahala sa mansion. Hihintayin ko po ang sasakyan,” paalala ko, tinutukoy ang luma kong sasakyan na ipadadala niya sa cargo ship. “Naipuslit ko na ang kotse sa kaibigan kong si Louisiana. Alam niya na rin po ang tungkol doon.” “Naiintindihan ko, Ma’am... mag-iingat po kayo,” saad nito at tumango. Mukhang naintindihan niyang hindi na ako mapipigilan pa. Nakita ko ang phone niya nang mag-ring ito at si Mommy ang tumatawag. “Mukhang kailangan n’yo na po talagang umalis, Ma’am Isla. Babalik na po ako sa mansyon.” Sunod-sunod akong tumango at hinila na ang maleta ko. Muli kong hinarap si Kuya Nolan na nakatayo sa labas ng pinto ng kotse at nakatanaw sa ‘kin. “Kailangan ko na pong umalis. Salamat po sa tulong n’yo ngayon at sa lahat, Kuya Nolan. I owe this one to you and to Hera. Tatawag ako agad at babalitaan kayo.” I know this isn’t the last time I’m going to see them, pero kung makikita ko man sila ulit, siguro matatagalan pa ‘yon mula sa mga sandaling ‘to. Malungkot na ngumiti at tumango si Kuya Nolan. He was watching me in line ‘til I boarded inside the ship safely. Mabilis lang iyon at agad akong nakasampa sa barko. “Dito po, Ma’am,” ani ng isang staff sabay senyas sa kaliwang hallway. I settled my luggage and went to the cabin. Maliit lang ‘yon at mayroong dalawang single bed. Walang masiyadong kagamitan at sakto lang para sa halos isang araw na byahe sa barko. Hinawi ko ang kurtina sa maliit na bintana at tumambad ang malawak na dagat. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang sunset sa labas at ang unti-unting pag-andar paalis ng barko mula sa daungan. Nang makuntento ay humilata ako sa higaan at basta na lang binagsak doon ang sarili. Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod sa pag-iisip. Kusa na lang ding sumuko ang utak ko. Paggising ko ay madilim na ang paligid. Bumungad sa akin ang maraming missed calls at unread messages nang i-on ko ang cellphone paggising. Lagpas alas-otso na. Kumakalam ang sikmura ko at hindi nakatulong ang 10 missed calls mula kay Mommy. Meron na ring missed calls mula kay Louisiana, my bestfriend from highschool. She will totally freak out kapag nalaman niya ang ginawa kong ito. Walang signal sa cabin kaya nagpasya akong lumabas. Gutom na rin ako at kumakalam ang sikmura. Humugot na lang ako ng manipis na jacket at pinatong sa suot ko. Marami pa ring mga pasahero ang nasa labas. Narating ko ang kainan ilang minuto lang. Sakto lang ang kinain ko para kahit papaano ay hindi ako gambalain ng tiyan sa pagtulog. Matapos kumain ay naisipan kong umakyat sa upper deck para magpahangin. May mga pasaherong naroon. Maganda ang panahon at maraming bituin sa langit. Pinatong ko ang mga kamay sa railings. Pati ‘yon ay malamig. I watched the sea water as the ship sails. Sa paglayag ng barko ay gumuguhit ang nadaraanan nitong tubig sa dagat. Ilang minuto lang at lumayo na ako sa railings. Medyo magalaw ang barko dahil sa mga alon at nahihilo ako. “Sorry,” malalim na sabi ng isang lalaki nang mabunggo ito sa ‘kin. Nakasuot ito ng itim at nakasumbrerong itim din habang nakayuko. Kumunot ang noo ko at hinayaan na lang ‘yon. Bumaba na ako pabalik sa cabin dahil nahilo ako sa deck. Naramdaman ko roon ang alon. Napihit ko na ang doorknob ng pinto nang makapa ang bulsa ng jacket at hindi ko natagpuan ang phone ko. “Huh? Nandito lang ‘yon, ah,” bulong ko sa sarili at chineck ang kabilang bulsa. Nasaan na iyon? Dinala ko ‘yon sa upper deck para maghanap ng signal at sigurado akong nilagay ko sa bulsa nitong jacket! “Stupid, Isla,” bulong ko at bumalik sa upper deck. Luminga-linga ako sa paligid. Baka nahulog ko lang iyon dito! Biglang may kumalabit sa ‘kin at nang humarap ako ay nakita ko ulit ‘yong lalaking nakaitim na t-shirt at may suot na sumbrero. “Cellphone ba ang hinahanap mo, Miss?” tanong nito. Mabilis akong tumango at napatingin sa kamay niyang hawak ang cellphone ko. “Sa ‘yo yata ito, Miss. Nahulog mo kanina,” dagdag nito sabay abot sa cellphone. Tinanggap ko ‘yon at chineck. Wala namang nagbago at maayos pa rin ang lagay nito. “Ah, nahulog ko nga... thank you,” pasalamat ko. Ngumiti lang ‘yong lalaki. Mas matangkad ito sa ‘kin pero dahil nakayuko at nakasumbrero ay hindi ko makita nang buo ang mukha nito. Tumalikod din agad at umalis na nang hindi nagsasalita. Pinagkibit-balikat ko na lang ‘yon. Pagbalik sa cabin ay halos pagbali-baliktarin ko ang phone para i-check, pero wala talagang kakaiba. Hinayaan ko na lang din iyon at natulog. Na-receive ko ang text mula kay Kuya Nolan na naihatid niya na sa port ang sasakyan ko. Sa makalawa ay makakarating na raw ‘yon at pwede ko nang ma-pick-up. Hindi ko mai-off ang cellphone dahil kausap ko si Louise tungkol sa sinasabi niyang kakilala niya sa probinsiyang ‘to. Pwede raw na roon muna ako tumuloy. Pagdaong ng barko, naging mabilis ang lahat. Namalayan ko na lang na nakababa na ako dala ang bagahe ko. Gaya kahapon pagsakay, palubog din ang araw pagbaba. Nagdagsaan na ang mga tao at pababang pasahero. I booked a hotel. Doon ako pansamantalang tutuloy hanggang sa makuha ko ang sasakyan ko at saka bibyahe patungo sa tutuluyan kong kakilala ni Louise. Two days went by quickly. Na-receive ko agad ang notice tungkol sa kotse ko. Nakarating na ‘yon sa port at pwede ko nang makuha. Wala tuloy mapaglagyan ang tuwa ko dahil sa wakas ay makakabiyahe na ako at makakarating sa kakilala ni Louise. Bumalik ako sa hotel at nilagay lahat ng gamit ko sa sasakyan. After I settled everything, nagsimula na agad akong bumyahe. Malayo sa siyudad ang address na sinabi ni Louisiana. It will take 6 hours from the city kaya naman kailangan kong mag-stop over. Mabilis ang patakbo ko at hindi agad nagtagal ay nakalayo ako sa syudad. Maayos ang panahon sa unang kalahati ng byahe nang biglang umambon, mahina pero paminsan-minsan ay bumubuhos. “Goodness, Isla Laurena! Sasabunutan talaga kita kapag nagkita tayo!” sigaw ni Louisiana nang sagutin ko ang kaniyang tawag. “Saka ko na ipapaliwanag lahat kapag nakarating na ako roon,” sabi ko at tumingin sa oras. “Tatlong oras na akong bumabyahe. I have to reach the hotel.” Buntonghininga ang sinagot niya sa ‘kin. “Nag-aalala ako sa ‘yo. Sira ka kasi, sana sinama mo na lang ako!” “Don’t worry, Louise, I’ll be fine. Mukhang maayos naman ang probinsiyang ‘to.” Alam kong irap lang ang sinagot niya roon. “Anyway, pinuntahan ako ni Tita Ruella kahapon. Mabuti na lang at naipadala na namin ni Kuya Nolan ang kotse mo sa port.” Bumuntonghininga na lang ako. “Kalmado siya pero galit na galit. Narinig kong may kausap siya sa telepono at talagang pinapahanap ka sa mga tauhan n’yo kahapon pa. Mag-iingat ka. Nakipag-chismisan pa ako kay Hera para balitaan ako sa nangyayari sa mansion n’yo. Galit na galit ang daddy mo at muntik nang atakehin noong umagang hindi ka umuwi. Ang sabi ni Hera... mukhang hindi biro ang pamilya ng lalaking ipapakasal sa ‘yo. They’re mad you’re gone...” Nakaramdam ako ng takot at kaba. “B-Bakit naman daw? A-Ang dami pang ibang babae riyan... bakit ako?” “I hate to say this... pero ginawa kang pambayad-utang ng Tito Frank, Isla. Bukod doon ay may makukuha siya sa oras na ikasal kayo ng lalaking ‘yon. May mga business daw kasi sa Manila na hindi naha-handle dahil marami ring hawak sa lugar nila.” “H-Huh? A-Anong ibig mong sabihin? Hindi taga-Maynila?” kunot-noong tanong ko. “Mukhang hindi... kung saang lupalop, hindi inabot ng radar ko. Babalitaan kita agad kapag may nalaman ulit ako. Sagutin mo ang tawag at huwag mong i-off ang phone mo!” Matapos ang pag-uusap namin ni Louise ay binuhos ko ang sama ng loob sa pagda-drive. Tila nakikisama pa ang panahon. Bumuhos ang ulan nang sumapit ang gabi. Napilitan tuloy akong huminto. Mabuti at may nahanap akong maliit na hotel. Tumuloy ako roon para magpalipas ng gabi. It was raining ‘til dawn. Balak kong umalis nang maaga pero ayon sa nakausap kong staff ay delikado raw kung aalis nang madilim pa at hindi pa sumisikat ang araw. Pagsapit ng tanghali ay medyo naging maaliwalas ang panahon pero may kaunti pa ring ulan at hindi pa rin sumisikat ang araw. Mukhang may bagyo. Hapon na nang mapagpasyahan kong tumuloy na sa byahe. Sa pagkakatantiya ko sa oras, wala pang gabi ay makakarating na ako roon at hapon kung walang aberya. Lumagpas akong ligtas sa mountain road at mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan dahil unti-unti na namang bumabagsak ang ulan. “Weird,” usal ko habang tumitingin sa rear mirror ng sasakyan ko. May itim na kotse na parang kanina ko pa nakikita magmula nang umalis ako sa hotel. Hindi ko alam kung iyon ba ‘yon. I’m not good at cars, so I can’t determine if its the same car. Basta’y itim ang nakikita ko. Hindi ko inaasahan ang mabigat na traffic sa isang lugar. Bumagal ang takbo ng mga sasakyan dahil sa lakas ng ulang biglang bumuhos. The windshield wiper couldn’t do its job properly. Ilang beses akong muntik madisgrasya dahil sa labo ng salamin. Tumingin ako sa rear at side mirror, at halos mapalunok nang makita ang pamilyar na kotse na nasa mga sasakyang nasa likod ko. Huminto kami sa traffic dahil may nagbanggaang sasakyan sa unahan. “This is crazy... alas-otso na,” bulalas ko. Dapat ay ganitong oras, parating na ako! Panay na ang busina ng mga sasakyan. Iisang daan na lang galing sa iba’t ibang highways pero dito pa nagkaaberya. Matapos makalagpas sa traffic ay naging maluwag ulit ang byahe, pero mas naging masukal ang daang tinatahak ko. Bumagal nang kaunti ang takbo ko nang matanaw ulit sa rear view ang itim na kotse. Sa pagkakataong ‘yon ay nasiguro kong iisang kotse lang ‘yon sa nakikita ko kanina pa. This is bad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD