Part 1: When Joy Madrid Still Thinks Of James

2275 Words
JAMES SALGADO was the most beautiful man I have ever met. Matangkad, maganda ang pangangatawan at magaling magdala ng sarili. Hanggang batok ang haba ng buhok niya, palaging magulo na maganda pa ring tingnan. Para bang kababangon lamang niya sa kama o kaya ay nagulo sa pananabunot ng kung sinong babaeng katatapos lamang niyang paligayahin. He has a chiseled handsome face made for billboards, glossy magazines and fashion runways. Pero mas pinili niyang magtrabaho sa likod ng maningning na mundo ng runway bilang isang fashion show director. Paminsan-minsan na lang siya tumatanggap ng modeling gig sa print-ad. Palagi siyang makikitang kupas na pantalon ang suot at simpleng t-shirt. Madalas rin, lalo na kung malapit na ang isang show at nagpupuyat na ang lahat para masigurong perpekto na ang lahat ng detalye ay makikita siyang balbas sarado. Subalit hindi nakabawas ang madalas ay rugged na pananamit sa karismang taglay niya. Katunayan ay lalo pa nga iyong nakaakit sa mga babae. Bagay na sinasamantala at ikinasisiya niya dahil pinapatulan naman niya ang halos lahat ng babaeng may interes sa kaniya. Isa siyang pamosong playboy at lady killer. Napapabalita na lahat ng mga babaeng modelo na dumaan sa show na hawak niya ay naikama niya. Hindi niya ikinakaila ang mga balitang iyon. Katunayan, sa tuwing may reporter na nagtatanong sa kaniya ng tungkol doon ay ngingiti lamang siya. Iyong ngiti na makalaglag panty, ikanga. Iyong ngiti na kahit sinong babaeng makakita ay halos maglumuhod para lamang maikama niya. Iyong ngiti na kahit pinakamasungit na babae, mapamatanda man o mapabata ay lalambot ang puso. Mula nang una ko siyang makita, naging laman na siya ng mga pantasya ko. Hindi dahil sa perpektong facial features niya o sa matikas na katawan o kahit sa karisma niya kaya nahulog ang loob ko sa kaniya. Naakit ako ng kanyang mga mata na kahit isang beses at sandali ko lang nasalubong ng tingin ay hindi na nawala sa isip ko. Dumikit na sa memorya ko na para bang isang awiting paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko kahit sa pagtulog. Sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataong makita siya ng personal, palaging napupunta ang tingin ko sa kanyang mga mata. Sa tuwing nakikita ko ang sensuwal na pagtitig niya sa isang babae, palagi kong nahihiling na sana sa akin niya itutok ang tingin niyang iyon. Bawat haplos niya, gusto ko sa balat ko dumapo, ang mga labi niya, gusto kong sa mga labi ko lumapat. Gusto kong ako ang maging sentro ng kanyang atensiyon. I want him to f**k me so bad I dream of him every night. Buong buhay ko ay hindi ko naisip ang ganoon sa kahit na sinong lalaki. Hindi ko inasam ng ganoong kasidhi ang kahit na sino sa buong buhay ko maliban sa kaniya. Kahit isang beses lang. Iyon lang ang sinasabi ko noon. Isang gabi lang na maramdaman kong halikan, yakapin, haplusin, angkinin ni James Salgado, magiging maligaya na ako. Babaunin ko ang karanasang iyon hanggang sa aking pagtanda. Akala ko noon ay imposibleng mapansin niya ako. I am way out of his league. Twenty six years old ako, sales manager ng boutique ng isang sikat na fashion designer. Habang siya ay thirty three years old, nasa tugatog ng kanyang buhay, matagumpay sa career, pantasya ng kababaihan, kabungguang balikat ang mga sikat na modelo at socialites hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Nakukuha ang lahat ng maibigan. Naikakama ang mga pinakamagandang babae sa mundo. Malabong mapansin niya ang isang babaeng katulad ko. And yet, he did. Hinding hindi ko malilimutan ang unang beses na hindi na aksidente ang pagtatama ng aming mga paningin. Nang unang beses na talagang nakita niya ako at hindi nilubayan ng tingin. He has an unwavering and intense gaze. Nakakapaso at nakakaakit. Na kapag may nakakuha ng interes niya ay doon na lang talaga siya nakatingin, nawawalan ng pakielam sa ibang nasa paligid. Dagdagan pa ng misteryosong ngiti sa gilid ng kanyang mga labi na para bang palaging may pinaplanong kung anong kapilyuhan pero nakikinig naman at may sense kausap. In the dim light of the club where we talked for the first time, he looked like a handsome devil tempting me to sin. Walang pag-aalinlangan akong nagpaakit sa kaniya. Dala rin marahil ng nainom kong martini, mas naging matapang ako, mas naging mapaglaro. Ang titig niya, ginantihan ko ng titig. Ang kanyang misteryosong ngiti, ginantihan ko ng mapang-akit na ngiti. Ang atraksiyong nararamdaman ko para sa kaniya na pilit kong itinago sa mahabang panahon ay hinayaan kong lumabas. Sa likod ng isip ko, naniniwala akong ang gabing iyon ay isang pagkakataong hindi na mauulit pa. Na kung hindi ko aalisin ang inhibisyon, hindi na ako magkakaroon pa ng tiyansang makapiling kahit isang gabi lang si James Salgado. Hindi lamang isang gabi ang nakuha ko. Hindi lamang isang halik o simpleng haplos, o isang beses na pagtatalik ang nangyari sa pagitan naming dalawa. James claimed me, in every sense of that word. Inangkin niya ang aking katawan, ang aking puso, ang aking kaluluwa. Sa simula man ay nagkaroon ako ng alinlangan, ng pagdududa kung kaya ko bang panindigan ang relasyon ko sa kaniya, buong puso ko pa ring ibinigay sa kaniya ang aking sarili. Ipinaranas niya sa akin ang mga bagay na ni hindi ko alam noon. Binuksan niya ang mga mata ko sa isang sensuwal na mundo, kung saan ang kanyang ligaya ay kaligayahan ko rin, kung saan ang manipis na linya sa pagitan ng sarap at sakit ay nawawala, kung saan ang dalawang iyon ay nagsasanib. The combination of the two creates a pleasure so intense it always makes me scream in ecstasy. Hanggang ngayon, nakapagkit pa rin sa utak ko ang lahat ng mga ginawa namin. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin sa balat ko ang titig niyang puno ng pagnanasa sa tuwing gusto lang niyang pasadahan ng titig ang hubad kong katawan hanggang sa magmakaawa na ako sa kaniyang lumapit sa akin at angkinin ako. Nararamdaman ko pa rin ang mainit niyang mga labi na dumadausdos sa aking leeg, nanatili roon, pinaglalaro ang dila saka ako kakagatin hanggang mapaungol ako. Then his lips goes down to my breasts, claiming my n*****s, one after the other, sucking on them, nipping them, biting them until I squirm. Nararamdaman ko pa rin ang mga labi niyang hinahalikan ako pababa sa tiyan ko, pababa pa sa pagitan ng aking mga hita kung saan siya nagtatagal, nilalaro ng kanyang mga labi at dila ang pinakasensitibong bahagi ng aking katawan hanggang sa magmakaawa na akong tumigil na siya dahil hindi ko na kinakaya ang sensasyong dulot ng ginagawa niya. Pero siyempre, hindi siya tumitigil kahit na magmakaawa ako. Katunayan ay ikinatutuwa pa niya iyon at lalo pang pag-iigihin ang ginagawa sa pagitan ng mga hita ko, gagamitan ng ngipin. Then he f***s me with his tongue like the expert he is, until I sob as I reach my orgasm. Nararamdaman ko pa rin ang mga kamay niya sa katawan ko. Ang sensuwal na haplos, mapang-akit at mapanudyo. Na madalas ay mariin at may intensidad na nag-iiwan ng pasa sa balat ko kinabukasan. Ang mga kamay na palaging hinuhulma ang kurba ng aking mga dibdib. Ang mga kamay na bumababa sa pagitan ng aking mga hita at nanatili roon hanggang sa mapaungol na ako. I can still remember the fingers that love to pinch on my n*****s until they ache. I can still remember those hands grabbing my ass when he thrust hard inside me. Sa totoo lang, maisip ko pa lang ang mga kamay ni James ay umiinit na ang pakiramdam ko. Para na akong sinisilaban. Kusa nang gumagalaw ang mga kamay ko patungo sa aking mga dibdib, pilit ginagaya ang ginagawa ng mga kamay niya roon. At kahit na hindi sapat ang sarili kong mga kamay ay napapaungol ako kapag nagkukunwari akong siya ang gumagawa sa akin ng ginagawa ng mga kamay ko. And when I began the fantasy of him touching me I can’t stop. Hinahayaan kong dumausdos ang haplos ko pababa sa tiyan ko, pababa sa pagitan ng mga hita ko. I touch myself the way I remember him touching me. And when I remember his hardness filling me, I cannot resist inserting my fingers, trying to reenact the way he thrust inside me until he hit that spot that drives me insane. But my fingers inside me weren’t enough. I need something more intense. Months of having s*x with James made me crave for more. Pinaraan ko ang malaya kong kamay sa balat ko, humahaplos, pinag-aalab ang init na nararamdaman ko. Suddenly, it made my climax closer. I pleasured myself with my fingers while dragging my nails on my skin, then pinching my n****e so hard until the pain made the pleasure so intense that I nearly cried. All along, mukha ni James ang nasa isip ko. Ang mukha niya kapag nagtatalik kami, iyong ekspresyon na puno ng intensidad, ang mga matang may kislap ng matinding pagnanasa. The memory of his passionate, almost violent eyes brought me over the edge. I stifled a moan as my body shook with orgasm. Pagkatapos ay isinubsob ko ang mukha ko sa unan, habol ang paghinga. Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa bumalik sa normal ang t***k ng aking puso. Hanggang sa gawin ko ang isang malaking pagkakamali. Nagmulat ako ng aking mga mata. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. Nasa loob ako ng aking silid at nag-iisa. Bumalik ang reyalidad. Reyalidad na tatlong linggo ang nakalilipas ay pormal na tinapos ni James ang ugnayan naming dalawa. Reyalidad na ipinagpalit niya ako agad sa iba hindi pa man niya ako tuluyang hinihiwalayan. Na binalewala ng lalaking pinakamamahal ko ang tatlong buwan naming relasyon. Na itinapon lang niya akong parang basahan nang magsawa na siya. Bakit? Dahil hindi na ako ang inosenteng babaeng nakilala niya? Because I’m no longer the little obedient virgin with love in her eyes that he trained to give him pleasure? Ang malinaw lang sa akin ay kaya niya ako itinapon ay dahil hindi naman niya ako minahal. Na ang totoo ay kinasusuklaman niya ako. Uminit ang mga mata ko hanggang tuluyang bumalong ang aking mga luha. Inalis ko ang kamay ko sa pagitan ng aking mga hita. It was wet with my essence. Ang braso at dibdib ko, nang makita ko’y namumula at halos magdugo sa pagkakadiin ng mga kuko ko kanina. Ang kaninang sarap ay napalitan ng matinding guilt at kahihiyan. Ng pandidiri. Uminit ang mukha ko at nangasim ang sikmura ko. Bago ko makilala si James ay hindi sumagi sa isip ko na magiging ganito ako. I never thought I will be the type of woman who touches herself to find relief. Tingnan mo James, ito ako ngayon. Paano mo ako nagawang iwan pagkatapos ng lahat? Paano na ako ngayong iniwan mo akong hinahanap-hanap ang mga gabing pinagsaluhan natin? You ruined me, do you know that? Alam ko na alam niya iyon. At minsan, naiisip ko na sinadya niya ang lahat. Na sinadya niyang saktan ako nang araw na tapusin niya ang relasyon namin. Isa na naman ba ito sa mga laro niya? He used to ignore me as a prank before. Nawawala siya minsan, nangingibang bansa na hindi ako kinokontak. At kapag pakiramdam ko hindi na niya ako babalikan ay bigla siyang sumusulpot ulit. Ni walang paliwanag. Halik niya lang, napapatawad ko na siya. Tatawagan niya ba ako katulad ng dati? Will he kiss me again, drag me against the wall and f**k me as if he didn’t leave me? Kung ganoon, sana tawagan na niya ako. Sana sabihin niyang laro lang ang lahat at hindi siya seryoso nang makipaghiwalay siya sa akin. Niyakap ko ang sarili ko at namaluktot sa kama. Humikbi ako, hanggang naging hagulgol. Umiyak ako ng umiyak. Hindi ako tumigil kahit na narinig ko ang pagtunog ng telepono sa living room ng apartment ko. Umiyak ako kahit na tumunog iyon nang mapunta sa answering machine ang tawag. “Joy? Si Lizzy ito. Ilang linggo ka na raw hindi pumapasok sa boutique. Hindi ka rin sumasagot sa tawag ko. Patay ba ang cellphone mo? Call me, okay? I need to talk to you, babe.” Boses iyon ng pinakamalapit kong kaibigan na sa totoo lang ay hindi ko rin gustong makausap sa mga sandaling iyon. Alam ko na nag-aalala siya para sa akin. Halos tatlong linggo na akong hindi lumalabas ng kuwarto ko. Kahit ang kumain ay wala akong ganang gawin. Huminto akong makaramdam ng gutom mula nang makita kong may iba nang babae si James. “Joy? Call me, please,” patuloy ng boses ni Lizzy sa answering machine bago iyon tumunog at tumigil sa pag-record ng boses. Joy. Nakakatawa ang irony ng pangalan ko sa nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Wala akong nararamdaman ni katiting na saya. Miserable. Iyon ang nararamdaman ko. Parang huminto ang oras. Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Paano ko gagawin iyon kung alam ko sa sarili ko na hindi na ako ang dating Joy? Paano ako aakto na tulad noon kung sa loob ko ay hindi na ako normal? Paano ako matatanggap ng iba? Paano ako magkakaroon ng panibagong relasyon? Ni hindi ko alam kung handa na ba akong mag move-on. Hindi ko alam kung kaya kong kalimutan si James o kung gusto ko ba siyang kalimutan. Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay. Lalong lumakas ang iyak ko. Nagtalukbong ng kumot. Ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto kong matulog na lang. Matulog ng matulog. Tumakas sa reyalidad. At umasa na sa panaginip ko ay kasama ko pa si James.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD