“Tinatawag ako ng mga tao sa ospital sa pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit o kailan nagsimula. Pero nasanay na ako lalo at lahat ng mga pasyente ko iyon na rin ang naitawag sa akin.” Umangat ang gilid ng mga labi niya at sinalubong ng tingin ang mga mata ko. “So actually, you’ve been calling me by my name since the first time we met. Kaya hindi ba patas lang kung tatawagin kita sa pangalan mo, Joy?” Kumibot ang mga labi ko hanggang sa bahagya na akong matawa. Sinabayan ko ng pagbuga ng hangin sa relief. Nagpapasalamat ako na pinapagaan din niya ang sitwasyon. “Tama ka. Patas lang na tawagin mo ako sa pangalan ko. Mas gusto ko rin ang ganoon. Sumasakit ang tainga ko sa kaka-miss Madrid mo.” Kumislap ang mga mata ni Martin kaya kahit hindi siya ngumiti ay alam