TUMAAS ang kilay ni Riri nang lagpasan lang siya ni Stranger. Sumosobra na talaga ang lalaking 'to! Tatlong araw na siya nitong hindi pinapansin! Ang mas malala pa, naging trouble-maker na si Stranger bigla. Parati nitong binabastos si Sir Indigo sa klase. O di kaya naman, vina-vandalize nito ang mga pader sa school nila at pinipintahan ng mga bastos na bagay kung saan nakasulat pa ang pangalan ng teacher. Harapan din kung maghamon ito ng away sa matanda. At ngayon naman, pinilit pa nito ang buong klase nila na i-boycott ang art class ng guro. Sila lang tuloy ni Ryder ang naiwan. Kahit gano'n, nagturo pa rin ito. Pagkatapos ng klase, tinulungan nila ni Ryder si Sir Indigo na buhatin ang mga gamit nito. May dala pa kasi itong projector. Si Ryder ang nagbuhat niyon. Samantalang siya naman

