NAPAPAYAG ni Riri si Stranger sa plano niya, pero ngayon naman, nahihirapan siyang kumbinsihin si Thunder sa gagawin niya. Tuwing weekend, bumibisita sa kanya si Thunder. Ng Sabado na 'yon, buong araw silang namasyal sa mall. Nanood sila ng sine at do'n na rin sila nananghalian. Pinapaganda niya ang mood nito habang naghahanap siya ng tamang "timing" para hingin dito ang pabor na kailangan niya. Kinagabihan naman, nag-stay pa rin si Thunder para sa dinner. Nang oras na para mag-himagas, nag-aya siya sa kuwarto niya. Pumayag naman ang Ate Rita niya na nagsabi lang na huwag nilang i-la-lock ang pinto at minu-minuto raw itong sisilip sa kanila para masigurong wala silang ginagawang milagro ng binata. Pareho silang nag-blush. Nang nasa kuwarto na sila ni Thunder, saka niya sinabi sa binata

