10th Lie

2343 Words

YAKAP ni Riri ang mga binti niya habang nag-iisip siya. Kaalis lang ng Ate Rita niya sa kuwarto niya. Humingi muna siya ng sapat na oras para mapag-isa. Ngayong alam na nina Stranger ang sekreto niya, nakaramdam siya ng takot. Kahit naman pinilit niyang maging cold at indifferent pagkatapos siyang ma-bully sa dati niyang school dahil sa special ability, nakakaramdam pa rin siya ng sakit at takot. Bata pa lang siya, alam naman niyang hindi siya normal. Pero iba pa rin 'yong pagtawanan ka at sabihang "weirdo" o "freak" ng mga tao sa paligid mo na hindi ka naman personal na kakilala. Lalo na kung nanggaling pa ang mga 'yon sa taong pinagkatiwalaan mo. Nakabaon pa rin sa puso niya ang masasakit na mga salitang binitawan sa kanya ni Abigail noon. Kahit na sinasabi niya sa sarili niya na okay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD