Nang nakapasok na sina Valine at Creon sa loob ay agad na tumambad kay Valine ang isang mid Russian royalty dining table set up. Hindi lamang ang kainan kundi ang buong silid mismo. Nakikita rin niya na mula sa mamahaling kahoy na kainan, upuan, at mga kubyertos ay maaari ng pagkaguluhan sa isang auction house ang lahat ng kaniyang nakikita. Idagdag pa ang Chandelier sa ibabaw ng kainan na maaari ng tirahan ng isang tao sa sobrang laki. Maging ang mga painting na nasa dingding ay nakatitiyak siyang tumataginting din ang halaga. ‘Ninong’s family manages to secure these treasures?’ Nakilala ni Valine ang iilan sa mga paintings dahil nga ay mahilig siyang magdesinyo ng mga muwebles at iba pang kakaibang kagamitan sa bahay na yari sa kahoy. At noon pa man ay fascinated na siya sa mga kagamitan

