Sa pagdating ng sasakyan ni Agatha sa K electronics ay nagkatinginan na lamang sila ng kaniyang mga lady guards nang makitang puno ang parking lot. “Ma’am Agatha, sa tingin ko po ay delikadong lumabas ka sa nga—” “Ma’am Agatha!” sigaw ni Ar nang mabilis na lumabas ng sasakyan si Agatha at patakbong nagtungo sa entrance ng building. “Good morning, Ma'am Agatha.” Agatha bod her head kahit na hindi siya kampante sa paraan ng pagkakangiti ng guard sa entrance door. Agad na siyang pumasok sa loob, at mas nagtaka na lang nang pinagtitinginan siya ng ibang mga empleyado na nasa first floor sa mga oras na ’yon. ‘This doesn't feels right.’ Nangungunot ang noo ni Agatha. Gumagawa ng matinis na tunog ang bawat hakbang ng kaniyang mumurahin na stelletos bunga ng mas bumibilis pa niyang mga hakban

