KAPANSIN-PANSIN ang pamumula ng pisngi ni Valine habang sa siya ay pababa ng sasakyan. Kararating lamang nila ni Creon sa stone house, isang oras mahigit ang pagitan nang paalisin nila ang kanilang mga tauhan. “Sir Creon, Miss Valine,” bati ni Igor nang buksan nito ang pinto ng sasakyan. Tipid na ngumiti si Valine sabay bitbit ng kaniyang bag. Hindi na niya nilingon pa si Creon. “Kanina pa ba ninyo kami inaabangan dito?” alanganin na tanong ni Valine. “An hour ago po, Ma'am.” Nilingon ni Valine ang side kung saan ay naglalakad si Creon palapit sa kaniya. Sa tabi naman nito ay si Silas. “You okay, love?” tanong ni Creon sabay hapit sa bewang ni Valine. Bahagyang siniko ni Valine ang gilid ni Creon. Inis din na nirolyo ni Valine ang kaniyang mga mata. ‘Ang loko. Kung maka ngiti ay aakal

