Chapter 5

1126 Words
JUSTIN BLAKE AREVALO Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Amber pero nang tingnan ko siya ay mahimbing na itong natutulog napangiti naman ako dahil sa amo ng mukha ng labs ko. Bago ako makipagmomment kay amber ay magpapakilala muna ako sainyo. Ako nga pala si JUSTIN BLAKE AREVALO, bestfriend ako ni Amber mula pa noong mga bata pa ako but to tell you the truth ay mas higit pa sa isang bestfriend ang nararamdaman ko sa kanya kahit noong mga bata pa lamang kami. But siguro nga torpe ako dahil hindi ko masabi sabi sa kanya na mahal ko siya higit pa sa isang bestfriend siguro ay takot lang ako mabestfriend zone and takot akong baka masira ang pagkakaibigan naming once na umamin ako sa kanya kaya sa mga kilos ko na lamang pinapadama na mahal ko siya but he didn’t see it siguro iniisip niya na ganoon talaga ako kaya hindi na niya lamang binibigyang pansin ang mga kasweetan ko sa kanya. Magbestfriend ang mga mama naming kaya nagkakilala rin kami at naging magbestfriend din kami maybe one of this days ay makaakamin din ako sa kanya sa oras na magkaroon na ako ng lakas ng loob and I hope kapag dumating ang time na iyon ay hindi pa huli ang lahat. Lumapit ako sa natutulog niyang mukha at maiging pinagmasdan ang maamo at maganda niyang mukha napapangiti na lamang ako na parang baliw ito ang epekto niya saakin masyadong nakakabaliw. Inalis ko ang konting buhok niya na nakatabing sa mukha niya siguro naman ay hindi pa siya magigising dahil nag eenjoy pa ako sa pagtitig sa mukha niyang di ko pagsasawaang pagmasdan sa buong buhay ko. Nakita ko pa itong gumalaw at umungol akala ko nga ay magigising na siya kaya bumalik na ako sa pwesto ko pero nang nakita kong bumaling lang pala ito sa bintana ay napangiti ulit ako muntik na ako dun ah saad ko sa sarili ko. “kelan ko kaya masasabi sayong mahal na mahal kita higit pa sa isang kaibigan” mahinang saad ko habang nakatingi sa natutulog niyang mukha. Maya maya pa ay napagpasyahan ko nang ibaba sa kotse si Amber para buhatin papasok ng bahay nila dahil parang wala pa itong balak magising. Nang buhatin ko siya ay naramdaman ko na naman ang abnormal na pagtibok ng puso ko ito ang nagiging response ng puso ko tuwing nagkakadikit kaming dalawa at aaminin ko masarap pakinggan ang t***k ng puso kong parang tambol kong magpalpitate. Dumiretso ako sa loob ng bahay nila well welcome na welcome daw ako dito sabi ni tita nakita ko si titang nasa kusina. “tita nandito na po kami ni Amber karga kop o siya ngayon kasi nakatulog sa byahe naming pauwi” saad ko kay tita na agad naman lumabas sa kusina para lapitan kami. Nakangiti itong lumapit saamin “nako talaga ang batang iyan hindi na lamang hinintay na makarating kayo dito sa bahay bago natulog napakarga kapa tuloy” saad ni tita. “okay lang po tita sanay na ako sa kanya” natatawa pa akong magsalita kaya napatawa na lang din si tita. Inakyat ko sa kwarto niya si Amber at maingat na inihiga sa kama niya saka kinumutan hinalikan ko pa ito sa noo bago ako lumabas ng kwarto niya para makapagpaalam na kay tita kasi sasamahan ko pa si mama ngayon sa paggrocery daw niya. Nang makababa ako ay dumiretso ako sa kusina nila “ahmmm tita mauna na po ako kasi magpapasama daw po si mommy maggrocery” saad ko sa kanya kaagad naman itong tumango tanda ng pag sang ayon “okay sige ikamusta muna lamang ako sa mommy mo at sabihan mo na magbonding kami ulit ingat ka sa pagdadrive iho” saad ni tita saakin saka ako tumuloy sa labas at umuwi na ako sa amin. “I'm home!” sigaw ko pagpasok ko pa lang sa loob at nakita ko si mommy na nasa sofa nakaupo lamang habang nagbabasa ng magazine bumeso ako sa kanya “galing ka ba nina kumara?” tanong ni mommy at halatang miss na rin nito si tita “opo my pinapakamusta ka pala ni tita at bonding daw po kayo” saad ko sa kanya at bigla namang nagliwanag ang mukha ni mommy pagkarinig niya ng sinabi ko na pinapasabi ni tita. “Kasabay mo ba di Amber na umuwi?” tanong niya ulit saakin at tumango na lamang ako humarap ito saakin at sumeryoso bigla ang mukha haiiisssstt alam ko na ang eksenang ito hayysss paulit ulit na lang “kelan ka ba aamin ng nararamdaman mo kay Amber anak? Excited na excited na akong maging maniugang ang anak ni kumara para maging magbalae na kami” tanong ni mama at kaagad naman akong napakamot sa batok. “hindi ko pa alam my tsaka manugang agad? Diba pwedeng magkasintahan palang muna kami ni Amber?” tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ito well yes tama ang iniiisip ninyo alam ni mommy ang tungkol sa nararamdaman ko kay amber and she's the one whose pushing me na umamin na kay Amber pero hindi ko magawa gawa dahil nga sa topre ako diba. “ano ka ba naman anak alam mo namang botong boto ako kay Amber…napakabait na bata at napakaganda rin kahit isa siyang lalaki ” saad ni mom habang nakangiti saakin. Well kasi sabi ni mommy ay noong hayskul pa lamang nila ni tita ay napagkasunduan daw nila na ipakasal sa isat isa ang magiging unang anak nila as a sign of their friendship pero nanghinayang sila ng husto dahil ng lumabas kami mula sa sinapupunan nila ay parehas kaming lalaki pero akala nina mama at tita noon ay babae si Amber dahil kuhang kuha niya ang magandang mukha ni tita mas lalo silang nawalan nang pag asa ng parehas na namatay ang mga papa naming ni Amber kaya napagkasunduan daw nila na kami nalang dalawa ang ipagkasundo sa isat isa. Kong saakin lang ay okay lang dahil mahal ko siya pero hindi ko alam kay Amber. “Don’t worry my one of this days ay masasabi ko rin ang nararamdaman ko sa kanya at pangako magiging manugang nyo siya” saad ko kay mama at niyakap naman ako nito saka ginulo ang buhok ko “hayyysssss binata na talaga ang anak ko nagmamahal na eh” saad ni mommy na ikinatawa ko. “tara na nga my mag grocery na tayo” saad ko sa kanya at bahagya naman itong nagulat marahil ay nakalimutan nito na maggogrocery kami. “ay oo nga pala son, tara na” saad niya saka dali daling lumabas at pumunta sa sasakyan. Ako naman ay napatawa na lang ulit dahil sa kakulitan ng mom ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD