Padabog kong inilapag sa mesa ang scrambled egg na niluto ko, Arc just keep on staring at me na ang ngiti sa labi ay hindi maalis alis.
"Ano ba!!", bulyaw ko dito.
"What?", patawa tawa nyang tanong, sumandok sya ng kaunting itlog at inumang sa tapat ng aking bibig. Isinubo ko iyon nang masama pa rin ang tingin sa kanya.
"It's normal Pris, we made love kaya may ganyan.", paliwanag nya. Nakakabwisit dahil hirap na nga akong maglakad nang maayos dahil tatlong beses nya akong inangkin magdamag tapos pagtingin ko sa salamin puro kiss mark ang leeg at itaas ng aking dibdib, as in sobrang dami at sobrang pula.
"Paano ako makakapasok sa trabaho nito?!", sigaw ko sa kanya, pero ang mas nakakainis pa ay parang balewala lang sa kanya ang kalokohang ginawa nya. Tumayo sya at pumuwesto sa aking harapan he snaked his both arms around my waist at pinagdikit ang ibabang bahagi ng aming katawan. My heart pumped hard, sana lang ay hindi nya maramdaman iyon.
"Pag nagtanong sila Rodel, tell the truth. Para hindi ka na nila kulitin pa." nakangiti pa nyang turan, lalo akong nainis at itinulak sya ng malakas.
"Gago kaba?! Sasabihin kong nagsex tayo?! Baliw ka talaga." inis kong saad, titingnan ko sana syang muli nang masama pero parang umurong ang tapang ko dahil sa seryoso nyang mukha. By his look now, alam kong galit sya, eh bakit? Bumalik sya sa pagkakaupo at nagsandok ng pagkain, from happy to angry real quick? Dinaig pa ako nito sa mood swings eh. Nagdadabog pa itong kumukuha ng pagkain, napaangat ang aking balikat sa gulat nang mag-ring ang kanyang cellphone, bumalatay muli ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang nakarehistrong numero, he answered it at inilagay pa sa loudspeaker saka muling inilapag at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Love, are you going to fetch me now? I have a photo shoot at ten.", ganito pala kalandi ang boses nito, nanatili ang ngiti sa mga labi ni Arc and it hurts me. Napahawak ako sa aking dibdib nang makaramdam ng munting kirot sa aking puso, I turned my back dahil hindi ko kayang makitang masaya syang kausap ang babaeng yon. Tumalikod nga, rinig ko naman ang usapan, anong sense Pris? kastigo ko sa aking sarili.
"Ofcourse love, I won't allow you to go there alone, you know that.", buong lambing na wika ni Arc, ang kaninang munting kirot na naramdaman ko ay nadagdagan, muli akong humarap sa mesa at dinampot ang basong may tubig saka inisang tungga yon, nagkatapon tapon pa iyon sa pang itaas ko at nabasa, sinulyapan ako ni Arc pero agad ding nagbawi ng tingin. Tanginang to! matapos magpasarap kagabi, gigil na bulong ng isip ko habang halos patayin na sya sa tingin.
"Okay love, take care. I love you.", wika pa ng malanding dalahira. Napatingin ako nang diretso sa kawalan dahil nag uumpisa nang magtubig ang aking mata at naninikip ang dibdib habang naghihintay ng isasagot ni Arc.
"I love you.", and shoot!! Sabog ang puso ko, sobrang sakit non! Sinulyapan ko syang muli na agad ko ding pinagsisihan dahil nahuli nya ang aking mga mata. Dali dali akong pumasok sa kwarto dahil alam kong kahit anong oras ay papatak na ang nagbabadya kong mga luha.
"Pris! Mag-almusal ka dito!", dinig kong singhal nya.
"Ubusin mo lahat yan!!! Mabulunan ka sana! Mamatay ka nang bwisit ka!!" naisatinig ko pa iyon bago ko naisara ang pinto at saktong paglapat niyon ay saka naman pagtulo ng luha ko. Buti umabot!! He knocked on my door pero hindi ako nag-abalang pagbuksan sya.
"Pris, wag mo kong artehan ha.", napahikbi ako sa tinuran nyang iyon. Hayop talaga, sana hindi na lang pala ako pumayag sa gusto nya. Matapos nya kunin ang virginity ko, ganito sya kung umasta, nasan na yung mga pa-baby baby nya kagabi? Ang kirot sa puso ko ay hindi na nawala, para pa ngang lalong lumalala habang nagbibitaw sya ng salita. Ang hikbi ko ay naging hagulhol, pero pinipilit kong pigilan ang paglakas ng pag iyak ko dahil alam kong nasa likod lamang sya ng pinto. Lalo nya pang nilakasan ang pagkatok at halos magiba na ang pinto.
"Pris ano ba?!! Nabubuwisit na ako sa ugali mo ah." letse to!! Bakit hindi na lang ba to umalis at sunduin yung jowa nya? I cleared my throat upang maayos na makapagsalita, dinaan ko sa maayos ang aking tinig upang tantanan nya ako at umalis na.
"Ano?", malakas na boses kong tanong at sinuguradong hindi ako pipiyok o walang bakas ng paghihirap sa aking tinig.
"Eat your breakfast!! Huwag kang parang bata dyan! Hindi ako natutuwa sayo!", lalong umusli ang pang ibaba kong labi dahil sa mga binitiwan nyang salita, ano bang problema nito. Bakit ba ang sakit sakit naman nito magsalita. Patuloy na nanulay ang masagana kong luha sa aking pisngi. Ganon, ganon na lang pala yon? Tokis pala to.
"Oo, mamaya.", muling pag iingat ko sa aking boses. Isang malakas na lagabog sa pinto ang muling nagpataas ng aking balikat.
"Labas!!!", malakas nyang sigaw.
Pinunasan ko nang mabilis ang aking mukha at sinuri iyon sa salamin upang masiguradong walang bakas ng pag iyak kahit na kaunti. Nang makalapit sa pinto ay dahan dahan ko iyong binuksan, ang malapad nyang dibdib ang bumungad sa akin ngunit hindi na ako nag-abala pang tumingala. Naninikip pa rin ang dibdib ko, at alam kong nasa bungad lang ang luha ko at kahit anong oras ay pwede na namang lumabas.
"Lalabas din pala, napakaarte.", mahina nyang turan saka lumabas ng bahay. Dati na rin naman nya akong sinasabihan ng ganitong bagay pero nuon ay wala lang sa akin, bakit ngayon sobrang sakit naman? I feel like, he just took advantage of me. Parang walang katotohanan lahat ng mga sinabi nya sa akin kagabi, pinanindigan nya lang na sya ang magpupunla sa akin. Hindi ko na namalayan na namamalisbis na pala ang aking luha, dali dali kong pinuntahan ang pinto at ini-lock iyon saka bumalik sa aking kwarto at pinagpatuloy ang paglabas ng sama ng loob.
Ilang sandali pa ay naubos din naman ang luha ko, tumingin ako sa wall clock, mag-aalas dies na ng umaga. Papasok na lang ako, kahit half day dahil wala din naman akong gagawin dito sa bahay, maalala ko lang ang pag-aaway namin.
Mabilis akong kumilos at tiniis ang hapdi ng aking p********e, hindi nila iyon dapat mahalata. Ang mga kiss mark ko ay tinakpan ko ng concealer at foundation, at least to lighten it nalang.
"Good morning.", pinilit kong pasiglahin ang aking boses nang marating ang aking pwesto. Pumayag ang manager na mag-closing sched ako, at ako pa rin ang pinahawak ng kaha. Ilang mga customer na ang napagsilbihan namin nang dumating si Arc but he's not alone, kasama nya ang girlfriend nya. Bumaba ang aking paningin sa magkahawak nilang mga kamay, my heart rapidly beats and ripped off. Sobrang ganda pala ni Dahlia sa personal, at masasabi talagang bagay na bagay sila ni Arc. They look so perfect together, nakakasabay ang babae sa tangkad at kisig ng aking kaibigan. Napakaseksi nito sa suot nitong crop top na talagang kita ang kabuuan ng tyan na tinernuhan pa ng leather pants at stilleto, mala-Catriona Gray ang dating niya. Tangina Pris! Walang wala yang liit mo! Pati sarili ko'y tinraidor na ako. Nagbawi ako ng tingin nang mahuli ni Arc ang paninitig ko sa kanila, inabala ko ang aking sarili pero ang totoo'y nanginginig na ang aking mga kamay at kumakawala sa mga ito ang bawat mahawakan ko. At sa katangahan ay nasagi ko ang isang tray ng wine glass na dapat ay pupunasan ko habang walang ginagawa. Nakuha ng ingay ng pagkabasag ang atensyon ng lahat, maliban kina Arc at Dahlia na parang may sariling mundo. Dati kapag may ganitong disgrasya sa restaurant ay ako agad ang hinahanap ni Arc at sinisiguradong hindi ako nasaktan. Mabilis akong tinulungan nina Rodel at Niña, pero kahit saglit ay hindi ako nag-angat ng tingin, namalayan ko na lang na may dugong dumadaloy sa aking binti.
"Hala!! Pris, ang daming dugo.", bulalas ni Niña. I sneak a glance sa pwesto nila Arc, dahil sa lakas ng boses ni Niña ay siguradong dinig iyon hanggang sa dulo, pero hindi manlang nag-abalang makiusyoso si Arc. And it hurts me more, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha.
"Masakit ba?", tanong ni Rodel.
"Oo, masakit.", paghikbi ko. Natigilan ang dalawa, si Rodel ay napalingon sa pwesto ni Arc at muling bumaling sa kin na ang mukha'y parang naaawa pa. Lalo akong nagdamdam, yeah nakakaawa naman ako dahil iniiyakan ko ang lalaking wala namang pakialam sa akin. Agad akong inakbayan ni Rodel at inalis sa aking pwesto, pinalitan ako ni Niña sa kaha.
"Masakit talaga yon.", ani Rodel habang nililinis ang sugat ko. Tatango tango ako habang sige pa rin ang tulo ng aking luha, bakit ganon? Hinihintay lang ba talaga nya ang pagkakataon na makuha nya ang katawan ko? Tapos parang wala na lang? Ngayon nga parang hindi na sya ang bestfriend ko dahil balewala na ako sa kanya.
"Ikaw kasi.", sabi pa ni Rodel.
"Nuong walang nagmamay-ari, hindi mo pa sinunggaban, ngayon pag-aari na ng iba iiyak iyak ka.", natulala ako sa mukha nya sa tinuran nyang iyon. Masyado na ba akong obvious? Tiningnan ko syang muli at ang sugat na nililinis nya.
"Pris, kahit isang taong gulang hindi iiyak nang ganyan katindi dahil lang sa kapirasong sugat.", nakangiti nyang saad na iiling iling pa.
"Ganyan talaga ang pag-ibig, minsan mapanakit." aniya habang nilalagyan ng band aid ang aking sugat.