"Charlie." malakas na tawag ng isang boses na ikinalingon nilang lahat kumunot pa ang noo ni Charlie ng makita ang isang lalaki na medyo mataba at medyo maitim pero may hitsura naman kahit papano. Hindi n'ya matandaan kung kilala ba n'ya ito pero mukha itong familliar hindi lang n'ya matandaan kung saan n'ya ito nakita. Lalapit na sana ito sa kanya pero ang bilis ng mga bodyguard nila naka harang na agad ang apat na lalaki sa lalaki. "Naku sorry nalimutan ko nga pala na anak ka nga pala ng Presidente ng Pilipinas," wika pa nito na bahagyang umtras na mukhang inakala pang bodyguard n'ya ang asawa at mga kaibigan nito. "It's me William. Charles William Amparo. Remember me." turo pa nito sa sarili, bigla parang gustong mapangiwi ni Charlie ng maalala kung sino ito. Buhay papala ang kurimaw

