Pala isipan pa rin sa'kin kung sino ang tumawag. Mag da-dalawang bwan na rin ang lumipas. Malapit lapit ko ng masilayan ang anak ko. Ngayon nga ay prenatal check-up ko at sasamahan ako ni Monica, dahil wala siyang pasok ngayong araw ng Sabado. Excited na nga siya na makita ang gender ng pamangkin niya na biglang laki. Maraming nagsasabi na kambal ang anak ko, pero iba ang pakiramdam ko hindil lang ito kambal sa likot nito parang tatlo ang nasa loob ng tummy ko. Habang naka upo ako sa sala at hini hintay si Monica. Bigla na lang nag ring ang cellphone ko at nang sasagutin ko sana ito ay biglang nawala. Pag check ko ng call registered isa itong roaming number, pero sino naman ang tatawag sa'kin thru overseas call. Baka nang pa-prank lang. Mabuti pa nga i-silent ko muna ang cellphone ko. W

