Pag-talikod ni Mrs. Carter pabalik sana sa kanilang silid kung saan nandoon ang kaniyang asawa ay nagulat ito nang may makita siyang matandang babae, “S-sino ka?” takot na pag-tatanong nito kay Hilda. “Bakit hindi mo itanong sa magaling mong anak na lalaki kung sino ako?” tugon ni Hilda kay Mrs. Carter. Unti-unti itong lumapit sa nanay ni Daniel at inikutan, “Sumama ka sa akin kung ayaw mong madamay ang anak mo,” saad muli ni Hilda kay Mrs. Carter. Nang dahil sa takot ay walang nagawa si Mrs. Carter kung hindi sumama kay Hilda, “Sige sige, sasama ako, basata’t wag mong sasaktan sina Daniel,” tugon kaagad ni Mrs. Carter kay Hilda habang natatakot. Palabas na sila nang pinto ni Hilda, nang biglang lalabas sana si Chelsie ngunit pag-silip niya ay naaninaw niya si Hilda habang nakasunod doo

