Nakalabas na ng silid si Stephanie at tumungo kung nasaan ang dalawa ni Chloe at Joshua, ngunit habang naglalakad ito tila ba siya’y natutulala sa kaniyang pilit na iniisip. Pababa na ng hagdan si Stephanie ngunit ito’y tulala parin ng biglang napansin ito ng kaniyang kaibigan na si Chloe “Stephanie? Okay ka lang ba? antok ka pa?” tanong ni Chloe sa kaibigan. Dere-deretso lamang ang pag-lalakad ni Stephanie at hindi niya napansin ang kaniyang kaibigan na si Chloe na nagsalita, kaya’t hinila sa braso ni Chloe si Stephanie. “Huy! Hindi ka na namansin,” pahayag ni Chloe sa kaibigan “P-pasensya na, h-hindi kita narinig,” tugon ni Stephanie. “Ano ba kasing iniisip mo? Napakalalim ng iniisip mo mamaya nabangga kana ng kung sino diyan hindi mo pa alam,” saad muli ni Chloe. “Ano ba kasing p

