Nang makatapos nang mag-impake at mag-ayos nang mga gamit sina Stephanie, ganoon din sina Daniel ay agad na silang lumabas sa loob ng condo at nag-mamadaling pumunta sa parking lot kung saan nandodoon ang sasakyan ni Daniel. Nang makarating sila roon, “Ronald, tulungan mo si Joshua na ipasok ang mga gamit sa likod, check ko lang ang water tsaka makina ng sasakyan,” utos ni Daniel kay Ronald. “Sige po sir,” tugon agad ni Ronald at nag-tungo nadin kaagad kay Joshua at tinulungan niya itong mag-lagay nang mag gamit sa likod ng sasakyan habang ang mga babae naman ay sumakay na kaagad sa loob ng sasakyan. Nang matingnan n ani Daniel lahat ng sa sasakyan, ay sumakay nadin kaagad ito at binuhay na niya ang makina ng sasakyan at agad na umalis. Habang nag-mamaneho si Daniel at lumingon sa lik

