Hindi agad nakaimik si Daniel sa itinanong sa kaniya ng kaniyang ina, “Ahm, Anak? Okay ka lang ba? Napaisip ka ata?” pag-tataka ni Mrs. Carter “Ah, wala ma,” tugon naman agad ni Daniel, “Ano nga po ulit yun?” tanong muli ni Daniel, “Kung nasan ang mga magulang ni Stephanie, kasi hindi ba the last time na mag-kakasama tayo nabanggit niya na parang wala na siyang magulang kaya gusto ko lang maging sure,” saad muli ni Mrs. Carter sa kaniyang anak. Kahit nag-dadalawang isip si Daniel na sabihin ang lahat tungkol kay Stephanie sa kaniyang ina ay mas pinili niyang sabihin na lamang dahil malapit ang mag-ina sa isa’t-isa, “Actually mom, that’s true. Wala na pong magulang si Stephanie at sa bahay ampunan po siya nakatira with Chloe and Joshua. Kahit sila mom, wala na silang magulan, pero mom an

