Nang matapos bigyan ng pag-kain ng nurse ang ama ni Daniel, at nakalabas na ng kwarto ay muling kinausap ni Mrs. Carter ang kaniyang anak na si Daniel nang siyay papahiga pa lamang sa kama para syang makapagpahinga na. “Son? Ano nga ulit ang itatanong mo sana sa akin kanina?” tanong ni Mrs. Carter Lumingon si Daniel sa kaniyang ina at ngumiti, “Mom, hayaan niyo na. Pag-usapan nalang natin iyon kapag nakapagpahinga na kayo, you need to rest mom. Pagod kana, matulog ka nama kahit kaunti lang po,” tugon naman ni Daniel sa kaniyang ina. “Sige, thank you anak,” saad naman muli ni Mrs. Carter sa kaniyang anak Nginitian na lamang ni Daniel ang kaniyang ina. Habang binabantayan ni Daniel ang kaniyang ama ay napatingin ito sa itsuran ito at iniisip kung bakit niya kailangan gawin lahat ng iyon

