Nakabalik na si Daniel sa mga kasama niyang sina Stephanie kung saan sila kumain at dala-dala na niya ang isang mas malaking sasakyan kung saan ay hindi na sila mahihirapan sa kung ano man ang dala nila. Ng makababa ang binata sa sasakyan ay napatingin sa labas si Joshua at nagulat, “Hu-huy! Huy! Si Daniel nandiyan na,” gulat na pagkakasabi ni Joshua sa dalawa nina Stephanie at Chloe. At agad namang napalingon ang dalawa, “Woaaaah, ang ganda,” manghang-manghang pag-kakasabi ni Chloe At napatayo naman agad sila at lumapit si Stephanie kay Daniel, “Ang laki naman ata niyang dala-dala mong sasakyan, sayo ba talaga yan?” tanong ni Stephanie kay Daniel “Ahm, Y-yes?” tugon ni Daniel “H-hindi halata Daniel, seryoso ka?” tanong naman ni Chloe sa kaibigan habang hinahawakan ang sasakyan ni Da

