Nakarating sina Hilda sa bahay ampunan kasama si Cristina, at pag-pasok sa kaniyang silid ito ay galit na galit dahil hindi nito naabutan ang dalawang mag-kaibigan na sina Stephanie at Chloe. “AHHHHH! Kung bakit hindi pa natin naabutan napakalapit na!” sigaw ni Hilda habang si Cristina naman ay takot na takot dito. “Matrona, kumalma na po kayo,” pahayag naman ni Cristina kay Hilda Lumingon si Hilda at sinamaan ng tingin si Cristina, “Paano ha?! Paano ako kakalma na ganito ang sitwasyon natin?!” sigaw muli ni Hilda dito “Eh matrona, may bukas pa naman po. Pwede pa po nating puntahan sina Stephanie kung kinakailangan, at lagi naman po sila napasok ng paaralan di po ba,” saad naman muli ni Cristina kay Hilda “Alam mo kung wala kang maganda o mas maganda pang sasabihin o ideya ay lumayas

