Chapter 19 : Request

1667 Words
Hindi pa tapos ang klase ni Joshua at Chloe, ngunit tapos na ang kayna Daniel at Stephanie. At dahil mag-katabi lang naman ang classroom nina Chloe at Joshua, napag-planuhan ng dalawa na mag-tungo na muna doon at doon na lamang nila hintayin ang dalawa. “Ano tara na? hintayin na lamang natin sila sa tapat ng pintuan ng classroom nila,” pahayag ni Stephanie. “Okay, okay. Let’s go.” Pag-aaya ni Daniel sa kaibigang si Stephanie Ng lumabas na ang dalawa ng classroom ay nakamasid si Sydney sa may hagdan galing 3rd floor kasama ang mga kaibigan. “Mukhang close na close na sila ah?” pahayag ni Sofia habang pinag-mamasdan din sina Daniel at Stephanie na nag-lalakad. “It’s so unfair! Dapat ako yung nandon at kasama niya!” saad naman ni Sydney ng may pag-dabog. “Chill sis, siguro hindi talaga kayo para sa isa’t-isa,” pahayag naman ni Gabriella “Alam mo manahimik ka nalang okay? Akala siguro niya hahayaan ko silang masaya? Let’s see,” pahayag muli ni Sydney ng tumingin ulit sa dalawa ni Stephanie at Daniel Habang nag-lalakad ang dalawa ay biglang may umakbay kay Daniel, at yun ang kaniyang pinsan na si Raver. “Hi insan! Mukhang may kasama tayo ah?” pahayag ni Raver kay Daniel, “Nakakagulat ka naman, by the way this is Stephanie, Stephanie this is Raver pinsan ko,” pag-papakilala ni Daniel sa kaibigan “Hi sayo, nice to meet you,” pag-bati ni Stephanie kay Raver “Hello,” tugon ni Raver. Ngunit may biglang binulong si Raver kay Daniel na hindi inaasahan, “Girlfriend mo?” At agad namang itinulak ni Daniel si Raver, “Hindi noh! She’s my new friend, pupuntahan pa naming sa kabilang building yung dalawa pa naming kasama,” pahayag ni Daniel kay Raver “Hahahaha! Chill! Binibiro lang eh, so yun I have to go. May next class pa ako, Bye! Enjoy sainyong dalawa!” pag-papaalam ni Raver sa pinsan at kay Stephanie, Ng nakaalis na ang pinsan ni Raver ay kinausap muli ni Daniel si Stephanie, “Pag-pasensyahan mo na yung pinsan ko ah? Ganon talaga yun eh,” At nagtuloy na sa pag-lalakad ang dalawa, “Ano ka ba, okay lang yun,” tugon ni Stephanie. Habang nag-lalakad na patungo ang dalawa sa kabilang building kung saan nandoon ang klase ng dalawang si Chloe at Joshua, ay may napansin si Daniel sa dulong office ng building at may kinakausap. “Stephanie? Hindi ba yun yung matandang nandoon sa inyo sa bahay ampunan?” pahayag ni Daniel habang tinuturo ito “Sino? Si matrona?” tanong ni Stephanie                                                                                       “Matrona ba yun? basta yung nasa bintana na nakasilip sa atin nung hinatid ko kayo last time nina Chloe kasama si Joshua,” tugon ni Daniel sa kaibigan “Hala, oo nga no? ano naman kayang ginagawa niya diyan? Wala naman siyang dapat inaasikaso dito ah?” pag-tataka ni Stephanie “Puntahan natin? You want?” tanong ni Daniel “H-hindi, wag na. puntahan nalang natin sina Chloe at Joshua,” tugon ni Stephanie sa kaibigan “O-okay? Tara na, baka labas na sila anong oras na oh,” pag-aaya ni Daniel Habang nag-lalakad na ang dalawa patungo sa 2nd floor ay napapaisip pa rin si Stephanie sa nakita niya, para sa kaniya ay hindi malabong may kilala ang kanilang matrona sa kanilang paaralan. “Ahm, Stephanie? Are you okay?” tanong ni Daniel sa kaibigan na si Stephanie habang naglalakad patungo sa classroom nina Chloe “Ha? O-okay lang ako, nag-tataka lang ako kung bakit nandoon ang matrona, sa pag-kakaalam ko ay hindi pa yan napunta dito,” tugon ni Stephanie sa kaibigan “Baka may inasikaso lang? paper works? Or baka may kakilala na binisita niya?” pahayag naman ni Daniel “Ahm.. Baka nga? Hayaan mo na, wag mo na rin pakaisipin,” saad naman muli ni Stephanie Ng nag-lalakad sila habang nag-uusap ay nakita ni Chloe ang dalawa, “Steph! Daniel!” Pag-tawag ni Chloe sa dalawang kaibigan, Agad naman nag-punta ang dalawa kay Chloe, “Huy! Tapos na kayo? Si Joshua?” tanong naman ni Daniel, “Hindi ko alam eh, hindi ko pa nakikita pag-labas ko ng classroom namin,” tugon ni Chloe “Nga pala Chloe, alam mo ba? nakita ko ang matrona sa may guidance office ata yun sa dulo ng building,” pahayag ni Stephanie sa kaibigang si Chloe “Nakita din namain kanina ni Joshua e, habang papataas kami dito sa 2nd floor, nakaka-pagtaka nga e, hindi naman yun napunta dito. At sino naman kaya ang pupuntahan noon dito diba?” pag-tataka ni Chloe habang kinakausap si Stephanie. Habang nag-uusap ang dalawa ni Chloe at Stephanie, ay napansin na ni Daniel na lumabas ng kanilang classroom. “Huy, yan na si Daniel,” pahayag ni Daniel sa dalawang kaibigan, Napatingin ang dalawa ni Stephanie at Chloe, “Naks naman, nangangamoy perfect sa quiz ah?” tanong ni Chloe. “Ngiting-ngiti tayo ah?” pag-tataka ni Stephanie sa kaibigan “Oo! Hahahaha, hindi ako nag-aral pero naging perfect,” pahayag ni Joshua sa mga kasama, “So saan niyo gusto kumain?” tanong ni Daniel sa mga kasama. “Tanda mo yung nakita mo kami tapos galing ka doon sa kinakainan mo, nakita ka ni Chloe? doon tayo kumain, masarap doon e,” tugon ni Joshua “Oo nga doon tayo, pwede bang mamaya na tayo mangolekta ng donasyon Stephanie? Kung okay lang sayo,” tanong ni Chloe sa kaibigan, “Oo naman, lunch muna tayo, para deretso nalang mamaya,” tugon ni Stephanie At umalis na ang mag-kakaibigan patungo sa baba, at habang naglalakad ang mga ito, sa hindi inaasahan ay nakasalubong nina Chloe at Stephanie ang matrona na si Hilda at nag-katinginan ang mga ito. “M-matrona?” pahayag ni Chloe “Bakit po kayo nandito?” tanong ni Stephanie Hindi alam kung anong isasagot ng matrona, “W-wala, bawal ba? may kinausap lamang kami ni Cristina na kaibigan ko,” tugon ni Hidla sa mga dalaga “Ahm, s-sige po. Una na po kami,” pag-papaalam ni Chloe “Sige,” tugon ni Hilda sa dalawa. Habang nag-uusap sila ay nasa hallway sina Sydney kasama ang mga kaibigan at napapaisip kung sino ang kausap ng mga ito, kaya’t pinagmasdan nalang muna ni Sydney ang mga ito. At ng napansin nila na papaalis na sina Stephanie kasama ang mga kaibigan, sinundan ni Sydney ang matrona na si Hilda. “Maam? Miss!” pag-tawag ni Sydney sa matrona habang kasama si Cristina, at napalingon naman ang mga ito, “Bakit ija?” tanong ni Hilda kay Sydney, “Okay lang po bang magtanong? Napansin ko po kasi na nag-uusap kayo nina Stephanie at Chloe, pwede po bang malaman ang pangalan niyo?” tanong ni Sydney sa matrona na si Hilda “Hilda ang pangalan ko ija at ito naman si Cristina, a-ano kaba nina Stephanie?” tanong naman ni Hilda, “K-kaibigan po, pero hindi ko po sila palagi nakakasama,” tugon ni Sydney sa matrona “Pwede bang humiling sayo? Okay lang bang tingnan mo ang kinikilos nina Stephanie at Chloe kabilang nadin si Joshua? Tapos sabihina mo ako, kung okay lamang sayo? Baka may ginagawa na silang hindi maganda, na hindi ko alam,” tanong ni Hilda sa dalagang si Sydney “O-opo naman po,” mabilis na tugon ni Sydney kay Hilda “Cristina, kunin mo ang kaniyang numero at ibigay mo rin ang numero mo para kung sakaling may balita ay matatawagan niya tayo.” Utos ng matrona kay Cristina. Habang sinusulat ni Cristina ang numero ni Sydney at numer niya na ibibigay kay Sydney, ay napapaisip na si Sydney ng paraan para masira sila nina Stephanie. At ng nag-kabigayan na ay nagpaalam na sila, “Mauna na kami ija, salamat,” pahayan ni Hilda sa dalagang si Sydney “Salamat din po, nice to meet you po,” tugon naman ni Sydney At ng makaalis na ang matrona na si Hilda kasama si Cristina ay tumakbo na pabalik si Sydney sa kaniyang mga kaibigan habang tuwang-tuwa ito. “Sydney, saan ka ba galing? Kanina ka pa naming hinahanap,” inis na pag-katanong ni Sofia sa kaibigang si Sydney, “Ano ka ba, kumuha ng paraan malamang,” tugon ni Sydney sa kaibigan “Paraan na?” tanong naman ni Gabriella “Paraan para masira si Stephanie at ng mapalayo si Daniel sa kanila, hahaha,” tugon ni Sydney sa mga kaibigan. Nagulat naman ang mga kaibigan ng mga ito, “Saan ka naman nakakuha ng paraan na sinasabi mo?” tanong muli ni Sofia “Nakita ko kasing may kausap kanina sina Stephanie at Chloe na matanda, kaya naisipan kong sundan noong natapos na silang mag-usap,” pahayag ni Sydney “Magaling, magaling ah. Tapos ano nangyari?” tanong muli ni Gabriella “Edi ayun, nag-kabigayan kami ng number. Kasi humiling sa akin yung matrona ba nila siguro sa bahay ampunan, na sabihin ko daw sa kaniya lahat ng ginagawa nina Stephanie at Chloe,” pahayag muli ni Sydney sa mga kaibigan. “Hoy! Ayos yan ah, nice one girl!” tugon naman ni Sofia sa kaibigan habang humahanga “Thank you sis, minsan kailangan natin gumawa ng way. This time, ako naman ang aangat hahahaha!” tugon ni Sydney sa kaibigan, Nag-lakad na patungo sina Sydney kasama ang mga kaibigan sa canteen upang pag-planuhan ang kanilang gagawin sa mag-kakaibigang sina Stephanie at Chloe. Habang sina Stephanie naman ay nakarating na sa kainan kung saan masarap ang tapsilogan “Huy! Hindi pa madaming tao!” pahayag ni Chloe sa mga kaibigan, Dali-daling pumunta ang mag-kakaibigan sa loob ng kainan at isa-isa na agad na nag-order. Habang na-order ang dalawa nina Joshua at Daniel, ay kinausap ni Chloe si Stephanie, “Alam mo, kakaiba ang kutob ko kanina sa matrona,” pahayag ni Chloe “Ako din,” tugon ni Stephanie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD