Habang byahe sina Daniel kasama sina Stephanie, Joshua at Chloe at masayang nagkekwentuhan, ay may napansin si Daniel sa kaniyang side mirror na tila ba ay halatang-halata na sinusundan sila. “Joshua, look at your back. Hindi ba parang may nasunod sa atin? What do you think?” pahayag ni Daniel kay Joshua, Agad naman tumingin si Joshua sa likod ng sasakyan, at pinagmasdan nito ang sasakyang tinutukoy ni Daniel. “Oo nga no? Try mo ngang lumiko, pag-mamasdan ko pa,” tugon ni Joshua kay Daniel, At agad namang lumiko si Daniel, ngunit patuloy paring sinusundan ng sasakyan na nasa likod sina Daniel. “May problema ba?” tanong ni Chloe, “Tingnan mo ‘tong nasa likod Chloe,” pahayag ni Joshua “Daniel, parang sinusundan nga tayo nitong sasakyang silver, try mo ngang tumigil sa tabi, tingnan

