Hindi mapakali si Cristina nang siya’y kasama ni Hilda sa isang kwarto kung saan madaming kagamitan na tila gamit ng isang mang-kukulam. Nang dahil sa mga nakita niya ay hindi niya maiwasan ang kaniyang sarili na mag-tanong ng kung ano-ano kay Hilda. “Ma-matrona bakit po ang dami niyong gamit dito? H-hindi po ba parang sa mang-kukulam yan?” pag-tataka ni Cristina sa kaniyang matrona na si Hilda. Napatigil si Hilda sa kaniyang ginagawa, “Anong ibig mong sabihin? Ako isang mang-kukulam? Hindi ako mang-kukulam Cristina, ngunit masasabi kong kaya kong gawin lahat ng gusto kong gawiin kung akoy iyong tatraydorin,” tugon ni Hilda sa sinabi sa kaniya ni Cristina. Napalagok naman si Cristina nang marinig iyon sa kaniyang matrona na si Hilda at tila biglang natakot, at hindi na lamang nakaimik n

