Chapter 45: Pag-subok ng dawalang mag-kaibigan

2090 Words
Nasa sa canteen na ang mag-kakaibigan na sina Stephanie kasama si Joshua, Chloe at Daniel. Nang naunang maka-order si Daniel at Chloe, ay naupo na ang dalawang ito sa kanilang pwesto kung saan doon sila kakain. Habang nag-hihintay ang dalawa ni Daniel at Chloe, ay napansin ni Chloe na nakatingin ang kaibigan kay Stephanie. “May tanong ako sayo Daniel,” pahayag nito “Ano yun?” tanong naman ni Daniel sa kaibigan, “Ni minsan ba nag-kagusto ka kay Stephanie?” tanong muli ni Chloe “Honestly, sa atin lang ito ah? Yes nag-kagusto ako kay Stephanie. The first time I saw her, kahit ganiyan siya na walang emotions, napaka-gaan ng loob ko sa kaniya. I never had a Girlfriend before, or never ako naaattract pa. Pero noong nakilala ko si Stephanie, biglang nagabago,” tugon ni Daniel sa kaibigan, Agad namang napangiti si Chloe sa sagot ni Daniel, “Pero ngayon? may gusto ka parin ba kahit mag-kakasama tayo palagi lalo na mag-babarkada tayo?” tanong muli ni Chloe sa kaibigang si Daniel “Ahm, Oo, pero hindi pa siguro ito yung time na umamin sa kaniya. Lalo na ngayon, dami pang problema, dami pang kailangan gawin, gets mo ba ako?” pahayag ni Daniel “Ah oo, may point ka naman,” tugon ni Chloe At biglang dumating ang dalawa ni Stephanie at Joshua, “Huy! Anong pinag-uusapan niyo diyan? Ha? Napaka-seryoso ah,” tanong ni Joshua sa mga ito “Wala, were just talking about my family,” tugon naman agad ni Daniel sa kaibigan, “Oo, hahaha na-amaze kasi ako sa angkan nila, lalo na sa mga kompanya nila,” tugon din naman ni Chloe sa kaibigan, Na-upo na si Stephanie at si Joshua. At nang nag-simula ang pag-kain nila ay kasabay nito ang kanilang pag-uusap-usap. “Alam niyo kanina, napansin ko ang tinginan niyo ni Sydney ah, Stephanie,” pahayag bigla ni Joshua “Parang may magaganap talagang kakaiba no?” saad naman ni Chloe “Ano ba kayo, kailangan lang natin na hindi mag-pahalata na matakot,” tugon naman agad ni Stephanie, “Oo nga pala, what if simulan ko na ulit ilipat sa akin ‘yung mga donation na galing sa iba? Hindi ko pa tapos eh, okay lang ba na puntahan natin mamaya sa inyo Daniel?” tanong ni Stephanie sa kaibigan, “Yes ofcourse, kahit mamaya na lang malay natin diba nandyan na yung saya,” pahayag ni Daniel sa kaibigan, “Oo nga! Excited pa naman ako,” tugon naman ni Chloe “Kahit pag-katapos natin kumain, g agad tayo para hindi tayo gabihin, mahirap na maraming mata sa paligid diba,” saad naman ni Joshua sa mga kaibigan, At biglang binilisan ng mag-kakaibigan ang kanilang pag-kain ng kanilang tanghalian, at hindi na sila nag-kwentuhan pa para makatipid sa oras. Nang matapos silang kumain ay ibinalik nila ang kani-kanilang pinag-kainan at sabay-sabay nang nag-tungo sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ni Daniel, Habang nag-lalakad ang mga ito ay nasa hallway sina Sydney kasama si Sofia at Gabriella na hindi nila alam ay nakatingin sa kanila, nagulat si Sofia nang makita nito ang sasakyan na sinakyan ni Daniel. At yun ay ang malaki niyang sasakyan na iniregalo sa kaniya ng kaniyang magulang, “Hindi ba yun yung sasakyan na gutong-gusto ni Gabriella noong nasa parking lot tayo ng company nila?” tanong ni Sofia sa mga kaibigan “Wait, check muna natin to prove na kaniya nga yun,” pahayag naman ni Sydney sa mga kaibigan, “Gabriella di ba may photo ka katabi yung sasakyan? Can we check na plate number?” pahayag naman nito kay Gabriella “Wala na, deleted ko na,” tugon naman ni Gabriella “Napakadamot naman nito, titingnan lang eh,” saad naman ni Sofia “Hayaan mo na, siguro kagaya lang,” pahayag muli ni Sydney Hindi nila alam ay kahit hindi nakatingin si Gabriella sa tinuturo nilang sasakyan ni Daniel ay nakikinig ito, bago pa siya sabihan ni Sydney na tingnan ang litrato ay naunahan agad nito na tingnan ang litrato kasama ang sasakyang iyon at tugmang-tugma na iyon nga. Kaya idinahilan na lamang nito na nabura na niya ang litrato para hindi makagawa si Sydney ng gulo. “Hindi ba natin susundan?” tanong ni Sofia sa kaibigang si Sydney, “Hindi pa ito yung time,” tugon naman agad ni Sydney dito “Okay ikaw bahala,” saad naman muli ni Sofia. Nakaalis ni sina Daniel gamit ang malaki niyang sasakyan, at habang nasa byahe ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga donasyon, “Gustong-gusto ko ng malaman kung ano ang mga dinonate ng ibang tao sayo Stephanie,” pahayag ni Chleo sa kaibigan, “Kahit ako din Chloe, sana meron na no,” tugon naman ni Stephanie Napatingin naman si Joshua kay Daniel na nag-mamaneho, “Ikaw ba bro? hindi k aba mag-dodonate ka Stephanie? Baka swertihin,” saad ni Joshua sa kaibigan, “Hindi natin alam, pero sige try natin mamaya,” tugon ni Daniel sa kaibigan, Hindi traffic sa dinadaanan nila kaya mabilis lang sila nakarating ng kompanya ng pamilyang Carter. Habang nag-paparada si Daniel, ay nakita nito ang kaniyang ama na papalabas ng kompanya. “Guys wait, wag muna kayo bumaba. Kunware walang tao dito sa sasakyan, wag kayong mag-pahalata na meron,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan, “O-okay Daniel,” tugon naman ni Chloe “Anong meron bro?” tanong naman ni Joshua “Si dad, ayaw ko lang na pansinin niya ako ngayon, wala ako sa mood para makipag-usap sa kaniya,” tugon naman agad ni Daniel, “Okay bro,” saad naman muli ni Joshua Hinintay nilang maka-labas si Mr.Carter ama ni Daniel, bago sila bumaba. At nang maka-labas nan g parking lot ang ama nito, ay isa-isa na silang bumaba ng sasakyan ni Daniel. Sinundan nito si Daniel patungo sa elevator hanggang sa kaniyang kwarto sa kanilang kompanya. At nang nakapasok sila sa kwarto ni Daniel ay humawak agad si Daniel ng telepono at nag-order ng kanilang pag-kain sa baba, at nang maka-order na ay nakisama na sa kaniyang mga kaibigan, “Ready ka na ba Stephanie?” tanong ni Daniel sa kaibigan, “Oo naman, medyo kinakabahan lang,” tugon naman nito “Ano k aba Stephanie, hindi naman masama sumubok ulit. Malay natin di ba?” saad naman ni Joshua sa mga ito “Oo nga, go na Stephanie,” saad naman ni Chloe Nag-simula na si Stephanie ngunit simula pa lamang ay malulungkot na emosyon ang natatanggap niya, bukod doon ay merong galit at hindi maintindihang emosyon. Hanggang sa iisa na lamang ang natira sa kaniyang bagay, ngunit sa kasamaang palad ay hindi parin gumana, “Ano ba naman yan, sa dami ng gamit nating dala, puro lungkot at galit ang dala,” pahayag ni Chloe Nag-iisip si Joshua ng paraan ngunit biglang pumasok sa isip nito si Daniel, “Bro, what if ikaw naman?” pahayag nito sa kaibigan, “Ah—ako?” hindi siguradong pag-sagot ni Daniel “Oo ikaw, go na. kuha ka ng kahit anong gamit,” pahayag ni chloe sa kaibigan, Agad na tumayo si Daniel at nag-hanap ng kahit anong gamit sa kwarto, nang makakita siya ng isang suklay sa lamesa nito ay kinuha agad niya ito. “Okay na ba ito?” tanong ni Daniel sa mga kaibigan, “Oo Daniel, okay na yan,” tugon naman agad ni Stephanie Agad na bumalik si Daniel sa kaniyang mga kaibigan at naupong muli, “Daniel? Handa ka na ba?” tanong ni Stephanie sa kaibigan, “Oo,” tugon ni Daniel Hawka-hawak nito ang kaniyang suklay, sabay pumikit at huminga ng malalim, Hinawakan rin ni Stephanie ang hawak ni Daniel na suklay, at sabay nilang sinabi ang “Nemkivanatos erzelem” Hindi pa namulat ang dalawa ng sabay nilang sinabi iyon, ngunit gumaan ang pakiramdam ni Stephanie, “Ano? anong nangyari? Meron ba?” tanong agad ni Chloe sa kaibigang si Stephanie “Ah eh wala eh,” tugon naman ni Stephanie “Wala naman akong naramdaman eh,” tugon din ni Daniel “Hay, ano ba yan,” saad naman ni Joshua Biglang may nag-doorbell sa kwarto ni Daniel, at agad na tumayo si Daniel ng marinig iyon at binuksan ang kaniyang pinto. Maramig pag-kain ang bungad sa mga kaibigan nito, “Thank you miss,” pahayag ni Daniel sa mga nag-dala ng pagkain “Sige po sir,” tugon naman niyon Isa-isa agad na binuksan ni Daniel ang mga nakataklob na pag-kain, at natuwa agad ito nang may makitang ice cream galing sa shop ni Daniel. “Eto yung sinasabi kong gustong-gusto ko,” pahayag ni Joshua “Mawawala ba yan, syempre hindi. Paborito niyo na yan eh,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan, “Thank you talaga Daniel ah,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan, “Ano ba, wala yun, minsan lang naman tayo nag-gaganito eh,” tugon naman ni Daniel sa kaibigang si Stephanie. “Pero kahit na, ang dami-dami mo ng naitulong sa amin at ang dami-dami mo na ring pag-kain na na-pakain mo sa amin,” saad naman ni Chloe sa kaibigan, “hindi naman palagi eh, and as long as masaya kayo gagawin ko yun palagi,” pahayag ni Daniel sa mga ito. Nag-simula ng kumain ng miryenda ang mag-kakaibigan at nag-kwentuhan ito ng masasaya. Napunta sila sa usapang biruan hanggang sa bumalik ang usapan nila sa emosyon ni Stephanie, “Sorry ah?” pahayag ni Daniel sa kaibigan, “Ano k aba, wala yun. ano ba namang magagawa ko? Kung hindi naman talaga gumagana sa akin diba?” saad naman agad ni Stephanie, “Alam mo Daniel, gustong-gusto kong malaman kung bakit special ang tawag sayo ng nanay mo, curious talaga ako eh,” biglang pahayag ni Chloe sa kaibigan, “Alam mo, kahit ako eh. Gusto kong malaman bakit ako nag-ka-amnesia, gusto ko malaman bakit wala akong maalala at bakit niya ako tinawag na special, kaso nahihiya ako na itanong sa kaniya eh,” saad naman ni Daniel “Bakit naman?” tanong naman ni Joshua “Kahit hindi nila sabihin, pakiramdam ko pinahirapan ko si before,” tugon ni Daniel dito “What if? Puntahan natin mama mo sa ibang araw tapos itanong natin lahat. Pakiramdam ko talaga pareho kayo si Stephanie eh, hindi ko lang sure ah,” saad naman muli ni Chloe “Oo nga bro, malay natin chance pa ulit yun na maging okay si Stephanie,” pahayag naman ni Joshua, “Alam niyo, kung hindi talaga eepekto sa akin, wala na tayong magagawa doon. Tsaka nakakahiya na kay Daniel oh, ang dami na niyang nagawa, pati ba naman ang tungkol sa emosyon ko idadamay pa natin siya,” pahayag ni Stephanie sa kaniyang mga kaibigan, “Pero Stephanie--,” putol na pag-kakasabi ni Chloe “Ano ba kayo, wag niyo ako pakaisipin. Kung para sa akin na talaga, e di para sa akin, hindi natin mapipilit ang oras, hindi natin hawak ang tadhana, ang Diyos na ang bahala sa akin,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan, Humingang malalim si Daniel at iniisip kung anong pwedeng gawin para matulungan si Stephanie sa kaniyang emosyon. Nang biglang pumasok sa isip niya na gumawa siya ng booth sa park nila na katabi ng kanilang kompanya, para mag-donate pa ang ibang tao na nadayo doon. “Daniel, okay lang bang umuwi na? baka kasi mamura kami ng matrona eh,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan, “Oo naman, hahatid ko na kayo,” tugon naman ni Daniel. Tumayo na ang mag-kakaibigan at lumabas na sa kwarto ni Daniel. Nag-tungo na ang mga ito sa parking lot, at isa-isa ng sumakay sa sasakyan ni Daniel. Nag-maneho na ang binata para ihatid na ang kaniyang mga kaibigan, nasa kanto na agad ang mga ito at bumaba narin dahil baka mahuli sila ng matrona. “Salamat Daniel ah!” pahayag ni Stephanie sa kaibigan “You’re welcome, una na ako guys, madami pa akong gagawin eh, salamat din sa oras niyo,” pahayag ni Daniel sa mga ito, “Bye Daniel!” sigaw ni Chloe ng makaalis si Daniel at bumusina naman si Daniel sa mga ito. Hindi alam ng mag-kakaibigan na ang gagawin ni Daniel ay mag-gagawa ito ng kanilang booth para bukas sa park na pag-mamay-ari ng pamilyang Carter. Kaya’t dali-dali itong bumalik sa kanilang kompanya at habang nasa byahe pa lang ay tumawag ito sa kaniyang assistant sa kompanya at nag-pabili ng materyales.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD