Nang makalipad si Sydney kasakay si Hilda sa kaniyang likuran ay sobrang masaya si Hilda sa pang-yayaring hindi niya inaasahan, habang ang mga pulisya naman ganoon din si Hernandez at Cristina ay nadismaya sa kanilang ginawa. Habang nalipad si Sydney ay hinahawakan nito ni Hilda, “Maraming salamat Sydney, sabi ko sayo at gagana ang iyong kapangyarihan,” pahayag ni Hilda, nang sinabi naman iyon nito ay umimik rin naman agad is Sydney ngunit tunog ibon ang imik nito. Nagising si Stephanie sa kalagitnaan ng gabi, nagulat ito nang biglang kumidlat ng malakas at ganoon din ang pag-ulan. Nagising ang kaibigan nitong si Chloe nang biglang umibo si Stephanie, “Oh? Stephanie, okay ka lang ba?” tanong nito Napatingin naman si Stephanie sa kaniyang kaibigan nang umimik ito, “Oo, oo okay lang ako,

