Ako ay pinayagan ng aming chief nurse na magkaroon ng leave request. Mga isang rotation din akong magpapahinga sa trabaho. Nalalapit na ang aking kaarawan kaya ako ay kinakabahan. Ngayon ko lamang ito naransan.
Isa pa sa mga rason ko na hindi muna ako magtrabaho ay nang dahil sa nangaring incident sa hospital. Hindi naman iyon malaking negligence ngunit gusto ko lang na makasiguro. Baka balikan ako nung lalaki matapos kong ituro ang maling kwarto. Wala naman sa kaniyang katauhan na siya ay nakakatakot. Nakokonsensya lamang ako dahil sa tila ba siya ay kasintahan ng namatay.
Sa mga huling sandali na maari silang makapag-usap ay naging dahilan ako upang maudlot.
“Welcome to Samal Island, Ma’am!” Pagbati sa akin ng isang babae nang makadaong ang barge sa isla.
Ayon sa payo ng aking ama ay dapat akong magsaya. Malapit na akong maging trenta anyos. Baka biglang may ireto sila sa akin sa oras na malaman nilang ako ay walang kasintahan. Isa pa ay nararamdaman kong makikilala ko na siya.
Nag-check in ako sa isang resort nang mag-isa. Wala akong kasama dahil sa kailangan kong hanapin ang aking sarili. Sa pag-iisip na baka may makasalubong ako sa dalampasigan at magkakabanggan kami. Matutumba kami at magkakatitigan. Ngunit ako ay biglang nadulas habang papalabas ako ng kwarto. Nasasabik na akong namnamin ang simoy ng hangin sa dalampasigan. Minalas naman ako!
Wala namang nakakita sa akin ngunit may nakita akong masakit sa mata. Kaya siguro ako napadpad rito upang mainggit at upang ipamukha ng tadhana na kailangan ko nang magkaroon ng kasintahan. Dapat na ba akong maghanap at tumigil sa paghihintay?
Nasa lagpas sampu na couple ang aking nakikita. Gustuhin ko mang pumikit ngunit magiging tanga pa ako lalo. Maghihiwalay rin silang lahat.
Nagpatuloy akong maglakad hanggang sa tanggalin ko ang aking tsinelas. Gusto kong maramdaman ang puting buhangin habang pinagmamasdan ang kulay asul na dagat. Kay sarap din sa balat ang sinag ng araw.
“Miss, I think you are alone.” Hindi ko inaasahan na aking maririnig mula sa isang lalaki.
Kaagad kong naisuot ang dala kong eyeglass. Napatakip ako sa aking bibig na naglalaway, habang pinagmamasdan ang mga malalaking braso at walong packs na abs. Hindi ko mawari ang susunod sa V shape niyang hugis.
“Miss, are you okay?” Katanungan niya. “Can we have a coffee time?”
“Oh, sure!”
Hindi ako fluent mag-English, parang pilit din ang kaniyang mga salita. Hanggang sa hawakan niya ang aking braso. Ilang sandali pa ay narating na naming ang coffee shop. Hindi ko alam mag-order. Gusto ko lang talagang mag-explore pero hindi ako handa.
“By the way, my name is Hugo.” Pagpapakilala niya sabay abot ng caramel coffee. “And you are?”
Humingop muna ako ng kape. “I am Lou. . . Lou Mondalo.”
“What a beautiful name.”
Nakangiti siya sa akin na para ibang kakaiba ang mga tingin. Inaasahan kong magsisimula na ang aming talking stage. Nanlaki ang mga mata ko nang siya ay biglang mawalan ng malay at bumagsak sa kaniyang kinauupuan.
“Nurse!” Sigaw ko. “Tumawag kayo ng medic!” Utos ko sa mga staff at bigla akong napangiti nang sila ay mag-panic.
Naalala kong nurse pala ako.
Sinuri ko ang pulso ng afam bago namin isugod sa clinic ng resort. Hindi ko na hinintay ang malditang naka-duty. Ako na ang nag-assess sa walang malay na foreigner. Maayos naman ang kaniyang mga vital signs. Nalaman kong bawal pala sa kaniya ang kape. Madalas siyang magpa-check up sa clinic na ito.
“Kilala mo ba ang lalaking ito?”
“Hindi.”
“Alam mo. Matagal na siyang nandito sa resort. Nabanggit niyang may taning na ang kaniyang buhay at nais niyang gawin ang lahat bago siya lumisan.” Kwento ng nurse at ipinakita ang isang papel.
Bucket List!
Isang bucket list ang nakalagay sa isang papel na siyang pagmamay-ari ni Mr. Hugo Wensley. Habang tulog pa siya ay binasa ko ang mga ito. Isa nga sa kaniyang bucket list ay ang magkape kasama ang isang Filipina. Ang simple lamang ng kaniyang mga nais, hindi ako naniniwala na siya ay mamatay na.
“Isa rin siya sa mga dating most wanted sa kanilang bansa.”
“Paano mo nalaman?”
“Matagal na siya rito.”
Binitawan ko ang bucket list. Tumayo ako upang pagmasdan ang natutulog na si Mr. Hugo. Siya ay may taning na at dating kriminal. Hindi siya ang aking hinihintay.
Nilapitan ko ang nurse. Nagpaalam ako. Nagmadali akong umalis sa clinic at kaagad na bumalik sa tabing-dagat.
Napansin ko ang mga magkakaibigan na masayang nag-aasaran sa tubig. Sana ay isinama ko na lamang si Edissa. Ngunit ako na lang ang single sa amin kaya hindi na ako nababagay sa kanila. Wala rin namang boyfriend si Edissa pero mahilig siyang makipaglaro para mapunan ang kaniyang physiologic needs. Mas mainam nang nakakapag-enjoy ako, kaya ko naman. Kaysa kasama ko sila pero ako lang ang walang partner.
Naglalakad na nga ako sa dalampasigan. Hanggang sa ako ay lumusaw na sa dagat. Kay sarap sa pakiramdam na naiintindihan mo ang kahulugan ng buhay. Tipong sarili mo lang ang iniisip mo. Walang trabaho.
Ako ay lumusob na sa tubig at sa aking pag-ahon ay panibagong abs ang aking natatanaw. Tinitigan ko ang pangalawang tanawin. Mukhang alam talaga ng tadhana ang mga gusto ko sa isang lalaki. Hindi pala, sinadya ko palang pumunta sa beach para mabusog ang aking dalawang mata.
“Miss, mukhang nag-iisa ka.” Katanungan ng lalaki na isang kayumanggi. Tila ba nangyari na ang eksena. Siya ay akin nang uunahan.
“Nandito ka ba para yayain akong magkape?” At tumawa siya habang nakalutang kaming dalawa sa karagatan.
“Mukhang kailangan mo nga na magkape.”
Hanggang sa napagtanto kong nasa kalagitnaan pala ako ng katubigan. Aking pinagmasdan ang buong kapaligiran ko. Kulay asul na tubig lamang ang tanging nakikita ko. Nang dahil doon ay bigla akong nag-panic hanggang sa tila ba lulubog na ako. Bago pa man ako malunod ay nilapitan na ako ng panibagong estranghero.
Hinawakan niya ang aking kamay. Sumakay ako sa kaniyang likod. Naiilang akong humawak sa kaniya. Sa kadahilanan na didikit ang aking dibdib. Nakalimutang kong sabihin na naka-two piece lang pala ako.
Ilang sandali pa ay nakabalik na ako sa dalampasigan.
Hinawakan niya bigla ang aking kamay. Naglalakad na kami patungo sa coffee shop nang siya ay biglang sumigaw.
“Aray!!!”
Napahawak siya sa kaniyang paa. Hindi maiguhit ang sakit na kaniyang nadarama. Tumawa na lamang ako. Napansin ko ang isang starfish sa buhangin. Natapakan niya.
“Anong nakakatawa?”
“Wala.”
“Kung ganoon ay ihian mo na ang paa ko.”
“Huy, teka lang!”
Ako, iihi sa harap niya?
“Bilisan mo na!”
“Para-paraan ka rin! Baka sinadya mo ito. Bahala ka sa buhay mo!”
Humakbang na ako palayo sa lalaking manyak. Napansin kong wala nang tao. Siya ay aking nilingon. Nasasaktan ako sa nararamdaman niya. Tila ba naiiyak na siya sa sakit. Huminto ako sa paglalakad, naglakad ako upang balikan siya.
“Pumikit ka!” Utos ko, tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko.
Ilang sandali pa ay ibinaba ko na ang aking panty. Umupo na ako sa apektado niya paa. Hanggang sa sumirit na ang mainit kong ihi.
“Salamat!” Sabi niya at kaagad kong sinapak.
“Manyak ka!!!”
Wala siyang hiya.
Ang sabi ko ay pumikit siya ngunit nakatitig siya habang nakangiti. Nakita niya ang aking pagiging babae. Baka sabihin niyang virgin pa ako sa edad at sa ganda kong ito.
Nagmadali akong tumakbo palayo sa kaniya ngunit napansin kong hinabol niya ako. Hanggang sa makarating ako sa aking kwarto. Hindi ko namalayan na nasa likod ko pala siya. Nakangiti siya, nakakasar.
“Gusto mo, ipakita ko rin ang alaga ko para it’s a tie?”
Nanlalaki ang aking mga mata, para bang gusto ko siyang saksakin. Nakakabweset siya. Makakatapak talaga siya uli ng starfish.
“Gusto mo pa bang sikatan uli ng araw?”
“Bakit ba kasi humarap ka?”
“Bastos ka!”
Sinampal ko siya.
Pumasok ako sa kwarto. Ibinagsak ko ang pinto. Dumeresto ako sa banyo at kaagad akong nagsalamin.
Ang gwapo sana niya pero hindi pwede. Ayaw ko sa mga bastos na lalaki. Ano na lang ang iisipin ng aking mapapangasawa kong may naunang nakakita ng aking bulaklak?
Naghilamos muna ako.
Lumabas ako sa banyo nang may kumatok sa aking kwarto. Narinig ko ang pagkalam ng aking sikmura. Binuksan ko ang pinto at isang lalaki ang naghihintay sa akin sa labas. Siya ay may alok na kami.
“Peace offering!” Nakangiti siya at tinagganp ko naman ang mainit na basong naglalaman ng kape. “Ako nga pala si Mark.”
Nakangiti siya at naghihintay nang kasagutan. Isinarado ko ang kwarto. Pinagmasdan ko ang kape, baka may lason o gayuma ito. Inilagay ko sa may mesa. Ilang sandali pa ay humigop na rin ako hanggang sa maramdaman kong wala na ang lalaki sa labas.
Hindi sapat ang kape sa akin.
Muli akong naglakad nang mag-isa. Nagugutom na ako. Habang naghahanap ako ng makakainan ay nag-iingat ako. Ayaw ko nang makitang muli si Hugo at maging si Mark.
Ilang hakbang pa ay nakahanap na ako.
Pumasok ako sa restaurant at kaagad akong pumila. Hanggang sa ako na ang o-order nang mapansin kong naiwan ko pala ang aking pitaka. Napahawak na lamang ako sa aking tiyan.
“Miss, mukhang mag-isa ka lang.” Hindi bago sa aking tenga. Napatingin ako sa kaniya na nakatayo sa aking likod. “Anong gusto mong kainin. Sagot ko na!”
“Sigurado ka?”
“Wala rin naman akong kasama ngayon.”
Ngumiti ako dahil sa nagugutom na ako. Mukhang galante naman siya kaya nag-order na ako nang marami. Sabay kaming umupo sa bakanteng hapag. Nasa twenty minutes pa raw ang order namin kaya nagkakape muna kaming dalawa.
Sabay kaming humigop at nagkatinginan.
Siya ay ngumiti.
“Miss, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?”
“Bakit ko sasabihin?” Tanong ko at dumating ang mga pagkain namin. Sabay kaming napatingin. Nakangiti siya dahil sa halatang gutom na gutom ako. “Anna Alarcon.”
“Anthony.” Pagpapakilala niya sabay abot ng kaliwang kamay.
Ngunit ako ay hindi nakipagkamayan. Inuna kong damputin ang mga kubyertos. Hindi ko na siya pinansin pa at ako ay kumain na.
Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang aking kamay.
“Teka, hindi porket nilibre mo ako ng pagkain ay may karapatan ka nang hawakan ang mga kamay ko.”
“Miss, sensitive ka pala. Parang wala ka pang nagiging boyfriend.” At tumawa siya kaya kumulo ang dibdib ko. “Pumuta ka rito sa isla na maraming abs, tapos ganiyan ka. . .”
“Kailangang bang lumandi sa resort na ito?”
Tumawa siya. Tumayo naman ako.
“Sorry naman pero siguro naman ay pagbibigyan mo ako.” Sabi niya habang binubuklat ang mahabang bills namin. “Deserve ko siguro ang tulong mo.”
“Siguraduhin mo lang na maganda iyan.” Banta ko at hinawakan ko ang kutsilyo.
Sasaksakin ko talaga siya kapag s*x ang gusto niyang kapalit. Nakakahiya rin naman kasi na inilibre niya ako. Pagbibigyan ko siya ngunit hindi na ako magpapalibre sa sunod. May kapalit naman pala.
“May mga kasama kasi ako rito.” Panimula niya at nagmasid muna. “May mga kasama ako, nagkasundo kami na mag-unahan na makahanap ng babae. Kaya kung maari ay pumayag ka na maging girlfriend. . .”
Itinutok ko ang kutsilyo.
Balak niya pa akong gamitin sa kanilang pustahan. Ibinagsak ko sa hapag ang patalim. Siya ay aking iniwan. Nagmadali akong bumalik sa aking kwarto. Hinanap ko ang aking pitaka upang siya ay mabayaran.
Wala siyang hiya!
Mukhang hindi na talaga ako magkakaron ng kasintahan. Siguro ay mga lalaki rin talagang walang respeto ang mga nasa resort na ito. Maari rin na kasalanan kong dito ako pumunta. Iniisip kong marami ang lalaki rito na pasok sa standards ko ngunit mapili talaga ako.
Sa aking paglabas ay lalong kumulo ang aking dugo. Tatlong lalaki ang naghihintay sa labas. Nabitawan ko ang aking pitaka at kaagad kong isinarado ang pinto.
Sina Hugo, Mark at si Anthony ay magkakakilala.
Nais kong maghanap ng lalaki para sa aking magulang bago ako maging trenta. Ngunit ayaw kong tumuhog ng magkakaibigan. Tila ba pinaglalaruan ako ng tadhana.
“Miss, kung naririnig mo kami. Hindi kami nandito para lokohin ka. Naghahanap lamang kami ng babae para sa aming kaibigan.” Sabi ng lalaki na parang boses ni Mark.
“We know that this is not so good to think, but for the seek of our brother’s happiness. I think you’re the one. We have no right to decide but you deserve him.”
“Tama sina Mark at Hugo.” Sabi pa ni Anthony at may isang sobre siyang isninuksok sa pinto mula sa sahig. “Nakalagay riyan ang kaniyang buong pangalan, lokasyon at iba pa, maging ang kaniyang workplace at birth certificate. He’s a good person!”
Sumandal ako sa pinto hanggang sa maupo ako. Tinitigan ko lamang ang puting sobre. Mali ang iniisip ko sa tatlong kalalakihan. Makikilala ko na kaya ang lalaking magiging unang boyfriend ko? Ngunit handa na ba akong umibig?
Sino ba sila para magdesisyon para sa kanilang kaibigan?