THIRD PERSON’S POV Habang abala sa trabaho si Xiro at pagtipa sa kaniyang kompyuter. May kumatok sa pinto at nang magbukas ito ay bumungad sa kaniya ang bungkos ng bulaklak. Napatayo ito at saka napakunot ng noo dahil sa nakita. “Where did that come from?” tanong nito sa nagpasok ng bulaklak. “Kay Ms. Fujita po, Sir,” sagot nito. May kasunod na mga pagkain sa likuran at halos mapaatras ito sa dami. Nang mailapag na ito ay saka niya tinignan ang bulaklak at may nakaipit na mensahe doon. Nang mabasa niya ito ay nilukot niya ang papel at saka tinapon sa basura. Iyong mga pagkain naman ay pinamigay niya at ang bulaklak ay pinatapon niya rin. “That’s gross,” sabi nito at saka muling bumalik sa kaniyang ginagawa. Limang araw ang lumipas at nanatili pa rin sa mansion si Hannah. Habang nak

