THIRD PERSON’S POV Hindi mapigilan ni Hannah ang mapaisip sa kung ano ang kaniyang bibil’hin. Gano’n pa man ay iniisip niya kung tatanggapin ba ni Xiro ang ibibigay niya o hindi. Baka kasi masayang lang ito at katulad ng iba niyang binibigay ay itapon lang din ni Xiro. Nalaman kasi nito na lahat ng kaniyang mga binili’t ineregalo kay Xiro ay tinatapong lang nito o hindi kaya ay pinapamigay. Naalala niya rin kung paanong maglasing si Xiro at ikuwento ang tungkol sa ex nito. Naroon kasi siya noong panahon na ‘yon at sinamahan ang lalaki para i-comfort. Ngunit bandang huli ay hindi inaasahan ni Hannah na masasaktan pala siya. “Hannah.” Napalingon si Hannah sa tumawag sa pangalan niya. “Yes po, Ate Eve?” ani nito at saka ngumiti ng pilit. “Are you okay?” tanong nito na may bahid ng pa

