HANNAH’S POV “Bakit kaya ang hirap mong sukuan?” wala sa sariling usal ko habang nakatingin kay Xiro. Napatingin siya sa akin at saka nangunot ang noo. “What did you say?” ani niya at saka tumingin sa akin. Tila napabalik ako sa ulirat at saka umiling-iling. “A-Ano… W-Wala. Sabi ko ang g’wapo mo. Mas lalo akong nahuhulog sa ‘yo,” sabi ko saka ngumiti. Sa pagkakangiti niya ay mas lalo akong napanganga. Ang ganda kasi ng ngiti niya at bihira ko lang itong makita. Even though he’s not smiling, I know he’s handsome. But it’s more captivating when he’s smiling. Habang nakangiti akong nakatingin sa kaniya ay nawala ang ngiti ko nang makita si Gavin na nakatingin sa gawi kung nasaan kami ni Xiro. Lumapit siya sa amin at saka ngumiti sa akin ng kakaiba. “Oh~ hi honey babe,” bati nito sa a

