TANNA’S POV “Nasaan si bebe Xiro at Hannah?” tanong ni Kuya Baron. “Ha? Alam ko nag-iikot si Hannah. Si Xiro hindi ko alam,” sabi naman ni Kaito. “Oh? Hindi mo sinundan ang bebe mo?” pang-aasar ni Kuya Baron kay Kaito. Napangiwi naman si kaito at saka siya tumingin sa paligid na para bang iniiwsan na mai-topic si Hannah. Sumapit ang gabi at nakita ko si Xiro na no’n ay galing sa isang cabin. Mukhang bagong ligo ito at napangiti ako nang makita ang anim na pandesal nito at napakagat ako ng labi ko. “What are you looking at?” “Butiki!” gulat na ani ko at saka ako napalingon kay Eve. “Baby, you startle me,” ani ko at saka siya tumawa. “I have abs too,” sabi nito at saka tinaas ang damit at pinakita ang tyan niya. “That’s mine, don’t show it to others,” natatawang sabi ko habang

