CHAPTER 4

2187 Words
HANNAH’S POV “Sino siya Ate Eve?” tanong ko. “Hindi ko kilala kanina pa ako kinukulit,” inis na sabi nito. “Who are you?” lakas loob na tanong ko doon sa lalaki. “I’m Abdul, I liked her,” sagot naman nito. “She doesn’t like you.” “So?” “So? Bobo ka ba?” “What’s bobo?” “STUPID! You idiot man!” galit na sabi ko. Nagulat si Ate Eve sa ginawa ko at agad niya akong inalis doon. Gusto ko siyang suntukin sa mukha at kahit na g’wapo siya ay wala akong pakialam doon. Nang makalayo ay tinignan pa ni Ate kung nakasunod sa amin ang lalaki at buti na lang ay hindi. Tumingin siya sa akin at saka malakas na tumawa at ako naman ay napakunot ang noo sa ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa dahil ang pagkakaalala ko ay wala namang nakakatawa sa ginawa ko kanina. “Ate dati ka bang takas sa mental?” tanong ko at mas lalo pa siyang natawa. Hindi ko talaga ma-gets ang mga tao ngayon. Huminto siya sa pagtawa at saka pinunasan ang luha niya. “Sorry for laughing but you’re funny! I was lucky to have you,” sabi nito at saka ako napangiti. “But byt the way, thank you for saving me earlier.” Tumango lang ako sa kaniya at saka ko siya hinila papunta sa dagat. Lumangoy kaming dalawa at kumuha na rin ng iilang litrato pagkatapos ay saka kami pumunta sa hotel kung saan kami nil Tanna nakatuloy. Nagkuwentuhan kaming dalawa at hindi siya makapaniwala na anak ako ng isang bilyonaryo. “You seem like a normal person but damn, you’re a fvcking billionaire!” THIRD PERSON’S POV Habang nasa opisina si Xiro ay nangunot ang noo niya nang makita ang tawag ng kaniyang kapatid na babae. Napabuntong hininga ito at saka sinagot ang tawag ngunit nang sagutin ay iba ang boses ng nasa kabilang linya. Nangunot ang kaniyang noo at napatitig sa kaniyang telepono. “Who are you?” seryosong tanong nito. “Uy! Si bebelabs pala ‘to, Ate Eve,” sabi ng nasa kabilang linya. “You call the wrong number, Hannah,” sagot naman ni Eve at saka tumatawa. Bakas sa boses ng dalawa na lasing na sila. Agad na napatayo si Xiro at saka napahawak sa kaniyang noo. “Are you both drunk?” tanong niya. Nilayo ni Hannah ang telepono sa kaniyang tainga at saka nangunot ang noo. “Drunk daw, Ate,” sabi nito saka tinuro ang telepono. “Tanga! Anong drunk…” Muli ay tinapat niya ang phone sa tainga. “Ano lang…Bali…My gosh—” Hindi na natuloy ni Hannah ang kaniyang sasabihin dahil bigla na lang itong nawalan ng malay. Dahil sa sobrang pagkalasing ay bigla siyang nakatulog at bumagsak. Mula sa kabilang linya ay naririnig naman ni Xiro ang kapatid na tumatawa. “Grabe uminom ang batang ‘to. Daig pa mga lasingero sa kanto,” sabi nito at akmang kukunin ang phone kay Hannah pero isa rin siyang nakatulog na. “Hello?” sabi ni Xiro pero wala na siyang naririnig na ingay mula sa kabilang telepono. Napapailing na lang ito at saka pinatay ang tawag at bumalik sa kaniyang ginagawa. Kinabukasan nang magising si Hannah at Eve ay ramdam nil ang sakit ng kanilang ulo. Hindi na rin nila naalala ang ginawa nila noong gabi at napagpasyahan na maligo na lang sa dagat para mawala ang kanilang hang-over. Lumabas si Hannah na naka-two-piece at ang kaniyang morenang katawan ay tumambad sa mga kalalakihan. Maganda at sexy si Hannah kaya naman maraming nagkakandarapa sa kaniya. Kahit sinong lalaki ay gusto siya ngunit tanging si Xiro lamang ang walang interes sa kaniya. “Hi, sexy,” bati ng isang foregner kay Hannah. Tinignan lang ito ni Hannah mula ulo hanggang paa. G’wapo ito at kulay asul ang mga mata. Maskulado at mukhang artista. Pero wala siyang interes sa lalaki at ang tanging nasa isip niya ay si Xiro. Natatawang tinanaw naman siya ni Eve at saka naiiling. “She’s so adorable,” nakangiting ani nito. Nahulog ang kaniyang loob kay Hannah at pakiramdam niya ay muli siyang nagkaroon ng bagong kapatid sa katauhan nito. Lumapit naman si Hiro sa lalaki at saka ito sinamaan ng tingin. “Back off,” sabi nito at napataas naman ng kamay ang foreigner. “Back off, ichuserong palaka ka, Kuya. Hindi ka boyfriend ha? Tandaan mo ‘yan,” sabi naman sa kaniya ni Tanna. “Sorry about my brother and to my best friend,” paghihingi naman nito ng paumanhin. “It’s okay, by the way, what’s her name?” tanong nito. “She’s Hannah, but she’s taken so back off,” sagot naman nito at saka tinalikuran ang lalaki. Naiiling naman itong tinignan ang babae at saka lumayo na. Si Hiro naman ay natawa sa ginawa ng kapatid niya at sumunod na. Habang nakatingin si Eve sa nagkakatuwaang magkakaibigan ay hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti at kunan sila ng litrato. Pinasa niya ito sa kaniyang kapatid na si Xiro at tumatawa habang ini-imagine ang mukha nito. Napabalikwas ito ng bangon nang mag-reply ang kaniyang kapatid. Xiro: What’s that for? “Why does he spend so much time worrying about work? He has time to enjoy himself and has no obligation to do that. My brother is really resentful,” sabi nito at naiiling. Tumungo siya sa magkakaibigan at naki-join sa kanila. Nag-dive sila at sinamantala ang ganda ng dagat at halos buong araw ay magkakasama sila. Hindi naman maiwasan ni Hiro ang hindi mabighani sa ganda ni Eve at napapansin naman ito ni Hannah. Alam niyang hindi na siya ang gusto ni Hiro at natutuwa siya dahil naibabaling na nito ang atensyon niya sa iba. Hindi na niya kailangan pang ipagtabuyan ang lalaki. Habang nakaupo sa dalampasigan ay umahon naman mula sa dagat si Eve. Habang nakatitig si Hiro kay Eve ay hindi maiwasan ng dalawa ang hindi matawa sa nakikita nila. “Oh, ikalma mo,” sabi ni Hannah at napalingon sa kaniya si Hiro. “Mali ang iniisip mo.” “Mali? Tama ang iniisip ko,” sagot nito at saka siya tumingin kay Eve. “Hindi naman ako magtataka kasi ang sexy ni Ate Eve. It doesn’t matter sa age gap n’yong dalawa. It’s just 2 years apart,” sabi nito. “2 years?” sabi naman ni Hiro. “Oh, interesado ang tanga,” panunukso naman sa kaniya ng kaniyang kapatid. “What? Kayong dalawa mali kayo ng iniisip!” “TAMA KAMI NG INISIIP!” asar ng dalawa. Napikon naman si Hiro at tumayo saka umalis. Nang makalapit si Eve ay nangunot ang kaniyang noo dahil umalis si Hiro. “What happened to him?” takang tanong nito. Nagkatinginan ang dalawa at saka sila malakas na tumawa at hindi naman maiwasan ni Eve ang magtaka. Naiiling na lang siya sa inasal ng magkaibigan at saka bumalik na sa kaniyang silid. Bumalik na rin sina Tanna at Hannah sa silid nila upang mahnda. Nag-book na sila ng ticket pabalik sa manila. Nagpaalam na rin sila kay Eve at sinabing magkita na lang sila pagdating sa manila. “Dapat iniwan na natin si Kuya sa palawan,” sabi ni Tanna. “Oo nga ano? Walang kasama si Ate Eve sayang naman,” parinig naman ni Hannah. “Kayong dalawa hindi niyo ba ako tatantanan?” napipikong sabi ni Hiro. Muling tumawa ang dalawa at saka naunang lumabas ng hotel. Nang makarating sila sa airport ay napatitig si Hannah sa kaniyang telepono at nakalagay roon ang numero ni Xiro. Hindi niya alam kung dapat na ba niya itong tawagan o h’wag na lang. Pero gusto niyang marinig ang tinig ng lalaki. “Ano’t nakatitig ka diyan sa phone mo?” tanong ni Tanna sa kaniya. “Gusto ko siyang tawagan, Tanna,” sabi nito sa malambing na boses. “Tawagan? Sino?” “Ang future husband ko,” sagot niya. “Future husband? Assuming ka talaga ‘no? Ang lala ng pagkadelulu mo,” sabi nito at saka napapangiwi. “Can you at least be supportive for me? This is the first time that I felt this kind of feelings you know?” “Tanga kabag lang ‘yan,” sagot naman ni Tanna. Napanguso na lang si Hannah sa kaibigan niya at sumakay na sila ng eroplano. Nang makarating sa Manila ay bumili ng bulaklak at chocolate si Hannah. Nagulat pa ang magkapatid sa ginawa nito at hindi nila alam kung ano ang balak ng kanilang kaibigan. “Mauna na kayong umuwi. Text niyo ako kapag nakauwi na kayo,” sabi nito at saka sumakay ng taxi. Nang makaalis ay hinanap ni Hannaha ang address ng bahay ni Xiro at nang matagpuan niya ito ay napangiti siyang napatongi sa mansion. Tila ba nawala ang pagod sa kaniyang katawan at napalitan ng kilig. Hindi niya alam kung paanong haharapin ang mga magulang ni Xiro pero handa siyang gawin ang lahat para sa lalaking kaniyang gusto. Nag-door bell na ito at tumambad sa kaniya ang isang guard. “Sino ho kayo?” tanong nito sa kaniya. “Ako po si Hannah, kaibigan po ako ni Ate Eve. Itatanong ko lang po kung nandiyan si Xiro?” tanong nito. “Ah, si Sir Xiro? Wala pa siya, e,” sagot naman sa kaniya ng guard. Tila ba nalungkot ang mukha ni Hannah nang malaman niyang wala si Xiro. “Eh sina Mr. and Mrs. Gi nandiyan?” Tumango ang guard at napangiti si Hannah. “Nandito po sila.” Tumalon-talon ito sa tuwa at saka inayos ang kaniyang sarili. “Sige po sila na lang bibisitahin ko,” sabi niya at pinatuloy naman siya ng guard. Nang makapasok ay nakasalubong nila ang isa pang babae na kamukha ni Eve. Mas bata lang ang ito at mayroon siyang hawak na tablet. Tumingin ito sa kaniya at saka napakunot ang noo sa kung ano ang ginagawa niya sa mansion nila. “Who are you?” takang tanong nito. Lumapit si Hannah sa babae at saka inilahad ang kamay niya. “Hi! Ako si Hannah Zasnea Fujita, nice to meet you!” “Fujita? FUJITA?!” gulantang na ani nito. “Oh my gosh!” hindi makapaniwalang ani niya. “Tuloy ka! Welcome ka!” Natuwa naman si Hannah sa inasal nito at saka sila pumasok sa mansion. Tinawag nito ang kaniyang mga magulang at nang makita ni Hannah ang mga ito ay tila ba bigla siyang kinabahan. “Mommy! Fujita! She’s from Fujita family!” “Fujita? Oh! What are you doing here, darling?” tanong ni Mrs. Gi. “Good evening po. Sorry for disturbing your family but…” Inabot ni Hannaha ang bulaklak at chocolate kay Mrs. Gi na siya namang ikinatuwa nito. “I am here to court your son po,” magiliw na sabi nito. “Ha?” sabay-sabay na sabi ng pamilya Gi. “Am I hearing that wrong?” takang tanong ni Mrs. Gi. “Our Son?” sabi naman ni Mr. Gi. “W-Why? I mean…” Nagkatinginan ang dalawang mag-asawa at saka napalunok. “Okay lang po ba? May girlfriend na po ba siya?” tanong nito na may pangamba. Hindi maunawaan ng pamilyang Gi ang kung ano ang naisip ni Hannah at bakit siya ang manliligaw sa kanilang anak na lalaki Tuloy ay naiisip nilang may mali sa nangyayari. Hindi pa man sila nagsasalita ay dumating si Xiro na no’n ay galing sa kaniyang trabaho. Napatitig ang mga ito sa kaniya at napahinto siya nang makita ang kaniyang ama, ina at kapatid pati na rin si Hannah. Nangunot ang noo ni Hannah sa expresyon ng mga Gi at tinignan ang kung ano ang tinitignan ng mga ito. “Oh! Hi, Baby,” malanding bati nito. “What the hell are you doing here?” tanong nito. “Ahhh, alam mo kasi nagpapaalam ako kila Tita kung p’wede ba kitang ligawan,” nakangiting sabi nito at nangunot ang noo ni Xiro. “What the hell? Are you out of your mind?” “Oo, ikaw kasi lagi nandito, e,” sagot nito. Natawa naman ang kapatid ni Xiro at agad na napahinto nang tignan siya ng kaniyang kapatid ng masama. “Masyado nang gabi, go need to go home,” sabi nito at saka tumalikod. “Ganiyan ka ba sa magiging future wife mo?” “P’wede ba—” “Oo! Yes! I do!” Hindi alam ni Xiro ang kung ano pa ang sasabihin at napabuntong hininga na lang dahil sa inis na kaniyang nararamdaman. Umakyat na lang siya at iniwan ang pamilyang natutulala. Ngumiti naman si Hannah sa mga Gi at saka rin sila ngumiti. Hinandaan nila ng makakain si Hannah at namangha naman si Hannah sa mga pagkain na kaniyang nakikita. “Waw, ang sarap!” sabi nito. “How did you meet my Kuya?” tanong sa kaniya ng kapatid ni Xiro. “Oh! By the way I am Evilyn, you can call me Evi or Lyn,” pagpapakilala nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD