HANNAH’S POV Nagising ako na nasa Pilipinas na kami at mula sa harapan ko ay sobrang lapit ng mukha ni Xiro. His eyes are strange and honestly, it feels like I’m back again when I saw him at the airport back then. Habang nakatitig sa mga mata niya ay nababakas ko ang lungkot nito. “Are you okay?” wala sa sariling usal ko. Nangunot ang noo niya sa tinanong ko. “Shouldn’t I be the one asking if you’re okay?” saad nito. I looked around, Nanay Linda and Kuya Baron were gone. Tumayo ako at inalalayan naman ako ni Xiro at sa punto na ‘yon ay mayroon akong naalala na yumakap sa akin kaso lang ay hindi ko maaninag ang mukha nito. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “Ano ang nakakatawa?” naiiritang tanong ko. “Why are you so beautiful even when you’re angry?” nakangiting tanong nito sa

