HANNAH’S POV Hindi ko aakalain na malagnatin ako sa ulan. Pinaghandaan ako ni Nanay Linda ng lugaw para naman daw pagpawisan ako. Habang hinihintay siya ay nakatingin lang ako sa kawalan at malalim ang iniisip. I was thinking about what happened earlier. I feel so hopeless because of what happened. “Hannah?” ani ng tinig na nagmumula sa pinto at nang bumukas ito ay saka ko nakita ang nakangiting mukha ni Nanay Linda. Inilapag nito ang dala niyang lugaw at may tatlong boiled egg sa gilid. Napangiti naman ako dahil doon at saka ko siya niyakap. “Salamat po sa pag-aalaga, Nanay Linda,” saad ko at saka niya tinapik ang balikat ko. “Pasensya na po kung na-cancel ang lakad natin noong nakaraan. Na-busy lang po kasi ako, e.” Umiling siya sa akin at saka umupo. “H’wag mong isipin ‘yon. Ang i

