TANNA’S POV Nang makababa kami ng kotse ay para akong maiihi sa sobrang kaba. Hindi naman dapat ako ang kabahan sa mga nangyayari pero para akong baliw na halos hindi mapakali. Nang makapasok sa loob ng building ay nasa meeting pa rin ang lahat. Nakasunod naman sa akin si Kuya na para bang body guard. Natatawa nga ako sa itsura niya kasi galing pa siya sa office. “Hihintayin na lang ba natin sila dito sa labas?” tanong ko sa kaniya. “Bakit sa tingin mo ba makakapasok tayo sa loob?” pilosopong sabi naman niya. Inambahan ko siyang susuntukin at agad naman siyang napaiwas. Napapailing na lang ako sa kaniya at sa totoo lang tinataboy ko siya bilang kapatid ko kasi wala naman siyang k’wenta. Hinintay na lang namin sila sa may lobby at habang umiinom ng juice ay nasa meeting ang utak ko.

