HANNAH’S POV Iniwan ko si Tanna at pumunta ako sa Gi building kung nasaan ang bebelabs ko. Pero bago ako makarating doon ay bumili muna ako ng bulaklak. Matapos kong bumili ay saka ko naman naisipan mag-mall para bilihan siya ng magandang neck tie. Nang makabili ako ay masaya akong umalis at pumunta sa opisina niya. I was anxious and worried that he might avoid me as I walked into the corridor. Even so, our most recent encounter was good. Tumingin ako sa orasan at masayang naglakad. Nang makarating ako sa opisina nito ay nakita ko mula sa may transparend na salamin na mayroong babae ang lumilingkis sa kaniya. “What’s that b*tch doing?” ani ko at napakuyom ng kamay ko. Kumatok ako sa pinto at saka napatingin sa gawi ko si Xiro. Kita ko kung paano siyang nagulat pero agad ding napawi.

