Chapter 5

5951 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jewel Aguinaldo THE BODYGUARD written by: Blackrose Chapter 5 Linggong-linggo ay start na ako bilang bodyguard ng malanding si Cale. As early as 6:30 kanina ay nasa may gate na ako waiting for my new boss to come out of his condo. Maggo-golf daw siya today sa LE Country Club na halata naman sa pangalan pa lang na pag-aari rin niya ang naturang lugar. Since naka-duty ako ay naka-all black na naman ako with matching shades this morning dahil mataas narin ang sikat ng araw kahit maaga pa lamang. Kasalukuyan ng palabas ang new boss ko na naka-white cotton shorts, white na polo shirt at katulad ko rin ay naka-shades rin siya. Huminto pa siya sa tapat ko at sa tapat ng driver niya, he stare at me from head to foot na tila mo may mali sa suot ko. 'Do you usually wear those kind of outfit even on a Sunday? Ang init-init yet naka-leather jacket ka pa! Remove that jacket of yours before you enter my car!' at umalis na siya sa harapan ko. Anong problema ng isang yun? Ke aga-aga busangot ang pagmumukha at ang init na agad ng ulo! Siguro hindi naka-score kagabi ang isang yun or most probably ay nabitin kaya high blood na as early as 7:30 in the morning. 'Ganyan talaga si Sir Cale kapag hindi nahusto ang pagtulog, masungit. Paki alis na lang ang jacket mo J bago ka pumasok ng sasakyan, madadamay kasi ako kapag nakipag-matigasan ka pa sa kanya. Paki na lang ha? Salamat.' pakiusap sa'kin ni Mang Fabian, ang driver ni Cale. Dahil sa ayoko naman na may madamay na iba nang dahil sa akin ay hinubad ko na ang jacket ko at pumasok na sa sasakyan sa unahan. Katabi ko si Mang Fabian. 'Who told you to seat there?! Dito ka sa likod! Bodyguard ka kaya dapat dito ka malapit sa'kin dahil baka may umatake sa'kin dito, lalabas ka pa jan bago mo pa ako matulungan!' Tumaas ang isang kilay ko dahil sa pagalit na turan niya sa akin. Anong ginawa ko sa kanya para maging harsh siya sa'kin? No choice ako kaya lumabas ako sa passenger seat at pumasok sa backseat bitbit ang jacket ko, umupo ako ilan dangkal ang layo sa kanya. Umandar na ang sasakyan niyang pang-mayaman. Maggo-golf naka-BMW? Kung hindi rin naman napaka-hambog ng isang ito, ang yabang at ang angas pa na akala mo may-ari ng buong mundo! Naghari ang katahimikan sa loob ng sasakyan, ayoko sa lahat ng tahimik kung hindi rin lang naman ako gumagawa ng mga paperworks kaya in-on ko ang bluetooth speaker ko na nakalagay na sa tenga ko at kinuha ang ipone ko sa inside pocket ng suot kong body holster vest. Namili ako ng kanta from my playlist saka ito pin-lay. Unang araw ko palang bilang bodyguard ng CEO and President ng LED Inc. pero ganyan na agad ang treatment niya sa'kin. Alam ko naman ang mga style niya, hindi na bago sa'kin ang mga ganyang estilo. Aasarin at gagalitin niya ako, sasagarin niya ang pasensiya ko para ako mismo ang mag-quit bilang bodyguard niya. Well, sorry na lang siya dahil tinatapos ko parati ang mga assignments ko and I don't know the word quit. Wala sa vocabulary ko ang salitang pag-ayaw or quitting. He just have to deal with me at pagtyagaan ang pagmumukha ko even my presence hanggang sa mapatay ko ang kung sino man na gustong pumatay sa kanya. Nalibang ako sa pakikinig ng music that I wasn't aware nandito na pala kami sa destination namin. Bago pa man ako makalabas ng car, nagsalita si Cale kaya napahinto ako sa kinakaupuan ko. 'I don't want you near me kapag nasa field ako. Stay away from me as much as possible, ayokong kay naka-aligid sa'kin but still you've got to keep an eye on me. Do you job and don't mingle with anyone, is that clear?!' 'Crystal.' ngumisi pa ako at sabay pa kaming lumabas ng ng sasakyan. Pagpasok namin sa loob ng LE Country Club sa may Green Pavilion ay binati agad siya ng mga staffs na nakakita sa kanya. Pagdating namin sa golf course ng nasabing lugar ay sinalubong naman siya ng apat na may edad na lalaki, I alerted my senses at nagmasid sa mga kalalakihan na kausap ngayon ni Cale. Katulad ng sinabi sa'kin ni Cale sa loob ng sasakyan niya, dumistansya ako sa kanya at nakatayo lang ako sa shed wherein ako lang ang nandun. Nakita ko kanina si Mang Fabian kasama ang ilang drivers ng mga bigtime na nandito na nagkakape sa may coffeeshop ng Country Club. Nabuhay ako sa loob ng 10 years sa BRICA with a certain quote always in mind. Tinuro sa'kin noon ni Big Boss when I was just starting with BRICA that you should always "Keep your friends close but keep your enemies closer". At alam kong ina-apply rin yan ng mga masasamang tao nowsadays, ginagamit nilang tactics yan para hindi sila mahalata ng mga targaets nila at hindi sila paghinalaan or pagdudahan. Kaya there's a tendency na pwedeng isa sa apat na kasama ngayon ni Cale ang mastermind ng mga death threats sa kanya. 'Kape J.' inabutan ako ni Mang Fabian ng styro cup na may lamang kape. 'Salamat po.' 'Ilan taon ka na, J?' tumabi sa'kin si Mang Fabian at tumingin rin sa binabantayan ko. '25 na po. Kayo po?' '51 na ako. Kaedad mo ang bunsong anak ko na nasa Taiwan. Dun na siya naninirahan kasama ang asawa niyang Taiwanese at ang apo ko.' 'Kaedad niyo narin po sana ang father ko ngayon kung nabubuhay pa siya.' ngumiti ako ng pilit ng napatingin siya sa'kin. 'Bata ka pa para mawalan ng ama, J. Eh ang ina mo nasaan? May mga kapatid ka ba?' 'Wala narin po si Mama. May isa akong kapatid, si Ate Diamond pero kagaya ng mga magulang ko ay wala narin po siya. Ulila na po ako.' 'Naaksidente sila? Malungkot ang maging ulila, ako ay ulila narin bago pa ako makapag-asawa. Naaksidente ang pamilya ko sa probinsya namin noon.' 'Pinatay po silang tatlo.' seryoso kong sagot. Until now, everytime I tell someone about my past ay nasasaktan parin ako. Hindi ko parin lubusan na natatanggap ang sinapit nila. It seems that the incident only happened yesterday dahil sariwa parin sa puso ko ang sakit at lungkot. 'Sorry, nag-usisa pa ako. Pasensiya na.' 'Ayos lang po, Mang Fabian. Hindi naman po maiiwasan na natanong po ang bagay na yun sa nakaraan ko.' 'Kaya ka siguro pumasok sa trabaho mong ito, ano? Hindi biro ang trabaho mo, J. Delikado na nga ay pwede mo pang ikamatay. Ilan taon ka na ang ganyang trabaho?' humigop muna ako ng kape. '10 years na po ako noong July last year. Nakasanayan ko narin po ang panganib, naging parte na po siya ng buhay ko mula nang 15 po ako.' 'Kahit na nakasanayan mo na, hindi mo parin hawak ang mga pangyayari. Dati akong security guard sa isang pawnshop, matagal akong naging security guard dun kaso isang araw ay niloob ang pawnshop at nabaril ako sa may dibdib. Dun ako pinahinto ng asawa ko kaya naging driver na lang ako nila Mam Mildred noon.' 'Ilan taon na po kayong driver ng pamilya Echanove?' 'Magsa-sampung taon narin sa susunod na buwan. Ako na ang kinuha noon ni Mam Mildred noong mga panahon na nag-retiro na ang driver nila na si Ka Isko. Si Nadia ang yaya si Cale mula ng 3 years old siya. Mabait na bata si Cale, masayahin at masunurin pero mula ng mamatay ang ama niya at nakakaintindi na siya sa edad na anim ay dun na nagsimulang maging tahimik at seryoso si Cale. Naging sutil rin siya at palaging mainitin ang ulo, wala siyang sinisino kahit pa nakakatanda sa kanya maliban ang ina niya. Sabagay ay hindi ko siya masisisi dahil sa edad na anim ay tinuruan na siya ng ina at ng Ninong niya sa kumpanya nilang naiwan ng ama, ang LED. Imbes na naglalaro siya sa kanyang murang edad, pag-aaral sa pagpapatakbo ng negosyo at sa pasikot-sikot dito ang inatupag niya. Kaya sa murang edad niya ay siya na ang CEO at Presidente ng kumpanya nila. Nababad siya sa trabaho habang nag-aaral siya, kaya ganyan siya kastrikto kung minsan kasi jan siya minulat noong bata pa lamang siya. Kaya minsan, kahit na nasisigawan niya ako at ang anak kong boy nila sa mansion ay iniintindi na lamang namin siya. Malungkot ang kabataan niyang si Cale kaya nga kami na lang ng mga naninilbihan sa kanya ang umuunawa sa kanya.' 'Ano po ang ikinamatay ng father ni Cale?' 'Bukod kasi sa kumpanya ni Sir Charlie na LED, isa siyang agent at bodyguard na tulad mo. Napatay si Sir Charlie sa pagtatanggol ng kliente niya. Dead on the spot siya. Yan ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ni Cale ang mga kagaya mo dahil hindi niya matanggap na namatay ang ama siya sa pagtatanggol sa hindi niya kakilala at hindi nila kaano-ano. Sobrang bait ni Sir Charlie, silang mag-asawa. Napaka-makatao at hindi malupit, mula ng stay ng asawa ko sa kanila at maging ako ay hindi pa namin sila naringgan ng sigaw o pagpapagalit sa mga trabahador nila.' 'Kaya po pala hate na hate niya ang mga kagaya ko ng trabaho.' 'Ganon na nga. Mabuti nga't napapayag siya ni Mam Mildred na magkaroon ngayon ng bodyguard, ikaw ang kauna-unahang bodyguard ni Cale. Mahilig kasi siya sa mga karate at boxing, babad yan sa gym kada Sabado. Kaya panuntunan niya na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya, ewan ko nga kung bakit biglang pumayag siya sa pangungulit ng ina na mag-bodyguard ngayon.' 'May alam po ba kayo sa kung sino ang mga nagpapadala ng mga banta sa kanya? Or ang asawa niyo po?' 'Wala. Pero sa tingin ko ay isang mataas na tao ang nasa likod ng mga yan.' 'Bakit niyo naman po nasabi, Mang Fabian?' gumana na naman ang curiosity ko. Kung kasama ni Cale si Mang Fabian for almost 10 years then may mga incidents siyang alam wherein involve ang amo niya. 'Eh kasi noong nasa Paris kami at sa Canada niyan para sa mga conference niya ay may mga natanggap parin siyang mga banta kahit na nasa ibang bansa na kami. Kung hindi ba naman mataas na tao ang nasa likod nito eh makakaya ba nitong pasundan o sundan si Cale kahit na sa ibang bansa? Eh ang gastos kaya nun.' oo nga naman, may tama si Mang Fabian. Suspect's Lists: 1.) Powerful and rich √ 'Sinu-sino po ang mga kasama ngayon ni Cale? Yan apat na kasama niya ngayon?' 'Yang apat na yan ay miembro ng Board of Directors sa kumpanya ni Cale. Yung naka-blue na polo ay ang Ninong niyang si Alexander Soliman na nasabi ko sa'yo na nagturo kay Cale sa kumpanya nila. Siya rin ang company Lawyer sa LED.' I look at the guy in blue polo shirt na nakatayo ilan inches away from Cale. 'Ang naka-puti rin na polo shirt na kagaya ng kay Cale ay si Tomas Hipolito na miembro rin ng board at matagal ng kasa-kasama ni Charlie sa LED na marketing manager naman dun. Iyong naka-dilaw na naka-cap ay ang tiyuhin ni Cale, si Julius Legarda na kapatid ni Mam Mildred na tumatayong finance manager ng kumpanya. At ang huli na naka-pink ay ang bestfriend ni Sir Charlie na si Agusto Panganiban at nasa HR department naman. Noong nabubuhay pa daw si Sir Charlie, ang sabi sa'kin ni Cale ay ang apat rin na yan ang kasa-kasama ng ama niya.' 'At si Cale rin po ang nagpakilala sa inyo ng apat?' 'Oo, nabanggit lang niya sa'kin noong minsan na nandito silang lima. Pero hindi ko sila nakilala ng personal, magkakilala lang kami sa mukha.' 'Lahat po sila ay members ng Board of Directors ng LED Inc., so meaning silang apat ay maaaring may hawak na share percentage rin sa LED. Nabanggit po ba sa inyo ni Cale kung ilang pursyento ang hawak ng apat sa kumpanya?' 'Ay hindi. Hindi narin kasi ako nag-uusisa kay Cale, kung ano lang ang ikwento o sabihin niya sa akin ay iyon lang ang nalalaman ko.' 'Sa apat po ba na yan ay may nakabangga na ba si Cale noon? Kasi sabi niyo nga po ay strikto si Cale lalo na sa trabaho at sa LED, may naka-away na po ba siya sa apat? O baka may nasasabi siya sa inyo na naka-away na niya? Kahit hindi po sa apat.' 'Eh noon may nabanggit sa'kin si Cale nang kami'y nag-inom, pero matagal na yun.' 'Ano pong sinabi niya sa inyo, Mang Fabian?' tumingin siya sa'kin ng alanganin, sabagay ay pwede siyang magduda sa'kin dahil wala pa kaming isang araw na magkakilala. 'Huwag po kayong mag-alala, Mang Fabian. Ano man po ang pinag-usapan natin ay atin lang po at walang sinuman ang makakaalam. Gusto ko lang pong malaman ang storya ng apat na yan sa buhay ni Cale.' I'm praying hard inside my mind. Alam kong sa sasabihin sa'kin ni Mang Fabian ay mahihiwalay ko ang matino sa bulok. 'Noon, nabanggit sa'kin ni Cale na nagtalo nga daw sila ng tiyuhin niyang si Julius nang dahil sa pera. Bigla kasing nawalan ng dalawang daang libong piso sa pondo ng kumpanya. Dahil sa ang tiyuhin ang manager ng finance ay siya ang inusisa ni Cale. Nagkainitan silang dalawa na muntikan pa daw mauwi sa sakitan hanggang sa pumagitna na si Mam Mildred. Mula noon ay ang alam ko'y binagong lahat ni Cale ang mga password, security pin at mga lock ng kaha, volt at bangko niya pati ng lahat ng nakapangalan sa LED.' 'Ano pong nangyari sa kanila ng tiyuhin niya matapos ang nangyari?' 'Wala lang. Sa pagkakaintindi ko'y kinausap ni Mam Mildred ang dalawa at pinagbati tapos ay nawala na lang ng parang bula ang issue. Hanggang sa ngayon ay parang wala na lang kay Cale ang nangyari. Hindi ko lang alam kung ano ang mga sinabi ni Mam Mildred pero ganon ang nangyari.' Suspect's Lists: 1.) Famous and rich √ 2.) Julius Legarda √ 'Bukod po kay Julius Legarda, may iba pa po bang nakabanggaan si Cale?' 'Mga konting alitan, hindi naman mawawala yun sa mga kasama ngayon ni Cale o sa iba pa lalo pa nga't mahigpit siya pagdating sa trabaho taliwas sa amang si Charlie.' So pwedeng silang apat ang suspects at iba pa sa LED na Board Members. Sinulat ko sa isip ko ang mga nalaman ko ngayon. Suspect's Lists: 1.) Famous and rich √ 2.) Julius Legarda √ 3.) Agusto Panganiban √ 4.) Alexander Soliman √ 5.) Tomas Hipolito √ 6.) LED Board of Directors √ Is it possible na isa nga sa kanila ang may pakana ng mga banta kay Cale? Possible. Pero kailangan ko ng matibay at siguradong evidences kung sakaling isa nga sa kanila ang may gusto na patayin si Cale. Kung magka-oras ako mamaya ay ise-search ko na ang mga pangalan nila sa computer. And I also reminded myself to ask Cale for the evidences na pinadalan sa kanyang mga letters or items. Kailangan ko ng magsimulang kumilos kung gusto kong matapos ang assignment kong ito in 6 months time. Matapos namin mag-usap ay kita na namin ang limang naglalakad papalapit sa shed. Dumaan silang lima sa amin ni Mang Fabian, si Cale ay walang anumang sinabi nang madaanan kami kaya tinanaw ko lang silang lima na naupo sa isang long table. Lumapit ang isang waitress sa tabi ni Cale na halata naman sa karakas na nagpapa-cute ito sa binata, natural lang na kay Cale dahil ang apat pang lalaki ay masasabi mo na matanda na. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung paano sipatin ng tingin ni Cale ang waitress, naka-above the knee kasi itong skirt na itim at itim rin na sleeveless blouse na may puting apron. Nagtagal ang tingin niya sa hinaharap ng waitress na aakalain mong mawawasak na ang blouse sa kalakihan ng boobs. Ngumiti pa ang babae kay Cale saka pasimpleng kinagat ang pang-ibabang labi at malanding pinatong ang kamay nito sa balikat ng huli bago pa ito umalis matapos kunin ang orders ng lima. Paanong hindi ka maiinis eh pinagtatawanan yung waitress ng limang kalalakihan pag-alis nito. Kaya may mga palikero at manyakis sa mundo dahil may mga babae rin na bulgar kung magpakita ng pagnanasa at mga malalandi. Gagong Cale! Nilingon niya pa ako saka nag-smirk pa sa'kin na parang tuwang-tuwa pa siya dahil alam niyang nakita ko ang ginawa ng babae sa kanya. Pagbalik ng babae ay nilapag na nito ang mga inorder ng limang lalaki, sa tabi ulit siya ni Cale tumayo. Tanginang babae 'to, kulang na lang ay ingudngod si Cale sa mga boobs niya. Patamain ba naman ang gilid ng boobs niya sa balikat ng binata? Saan ka pa?! Kaya dumarami ang kaso ng rape sa Pilipinas dahil sa mga babaeng kung maglandi ay sagad, nakakabwisit lang ang mga ganyan na babae. Hindi na nahiya at may mga kasama ang nilalandi niya. Nakaka-degrade sa mga kababaihan. Nang nagtanong ang waitress kung ano pa ang kailangan ng grupo ay kay Cale siya nakatingin na ngitian lang ng huli sabay inom ng orange juice. Kahit saan talaga ay may pokpok, hindi lang kapag gabi at sa club. 'Huwag mo na lang pansinin si Sir Cale.' mahinang sabi sa'kin ni Mang Fabian. Kung si Mang Fabian ay deadma na, well ako hindi. Nandidiri ako sa mga pinag-gagagawa ng babae at ni Cale. Nang lumayo ang waitress ay agad na nag-excuse si Cale sa mga kasamahan at naglakad rin sa dinaanan ng babae. Mabilis akong sumunod sa kanya dahil makitid na eskinita ang dinaanan ng waitress pero mabilis siyang nagtaas ng kamay, halting me for stepping another step kaya I just watch him walk to where the waitress went. Tumayo ako sa may exit ng pavilion pero ang mga mata ko ay nakatutok sa kung saan pumasok si Cale, waiting for him to come out. Makalipas ang halos 20 minutes ay nagbalik na siya na inaayos ang buhok. Nagtama ang aming mga paningin, his eyes are blazing na parang he just have... Tangina! Don't tell me nagtirahan sila ng waitress na yun sa kung saan?! Napatingin ako sa likuran niya, walking a few meters away from him was the waitress na sinusuot pa ang apron sa bewang. Tangina ka Cale! Kahit saan na lang abutin ang kamanyakan mo at sa kung sino na lang! Na-confirm kong nag-tsuk tsakan nga sila ng waitress dahil kanina ay nakapuyod ang buhok ng babae samantalang ngayon ay nakalugay na and quite messy. I shot a fierce look at Cale who's watching me with extreme amusement. Ang baboy niya! Na kahit sino na lang ang titirahin, kahit na hindi niya kakilala! Yuck! Nakakadiri! Nagtaas siya ng kilay sa'kin when I fake a gesture na nasusuka ako. I know his looking at me kaya ginawa ko yun, itsura niya! Kadiri talaga siya! 'I'll go ahead! I'm sweating like a pig. Next week ulit, see you all on Sunday sa White Pavilion naman tayo.' pagpapaalam niya sa mga kasama. 'Let's try it there. Hindi ko pa yun napupuntahan dito, sige.' sagot naman ng naka-puti rin na polo shirt. 'Okay, on Sunday. Goodbye.' naglakad na siya papunta sa way ko at ganon rin si Mang Fabian. Nakangisi parin siya nang makaharap ako. 'Let's go back sa condo, I need to take a bath.' sumunod na si Mang Fabian sa lumabas ng si Cale. 'Paano ka hindi papawisan eh malandi ka.' bulong ko sa sarili ko habng naglalakad ako papunta sa sasakyan. Umupo ako sa unahan, sa unang inupuan ko kanina sa labas ng condo niya. 'As I've remembered, sinabi ko na sa'yo kanina na hindi ka dapat umupo! Have I not told you about it awhile ago?!' 'Ayos na ako dito... jerk.' binulong ko ang huling word. 'What's with you?!' sigaw niya sa'kin. 'Huwag mong paandarin ang sasakyan, Mang Fabian! At anong tinawag mo sa'kin?! What did you say?!' 'Ayos na ako sa pwesto ko. Paandarin niyo na po, Mang Fabian.' 'Don't! Dito ka umupo sa tabi ko, J!!' pinakita ko pang nag-cross arms ako at sumandal pa sa upuan. 'I SAID! YOU f*****g SIT BESIDE ME J!!!' napatingin sa'kin si Mang Fabian, nakikiusap sa'kin ang mga mata niya. 'Ayokong tumabi sa'yo!' akala niya siya lang ang marunong sumigaw? Huh! f**k s**t siya! 'WHY?!!' 'Hate ko ang amoy ng clorox!' 'W-what...?' sandali itong nahinto sa sasabihin tapos ay humagalpak ng tawa. HAHAHAHAHA! AHAHAHAHAHA! Paandarin mo na, Mang Fabian! Hahahaha! You never fail to amuse me, J!! Pinatatawa mo palagi ako!' tinaas ko ang dirty finger ko sa kanya pero lalo lang siyang tumawa. Baliw! Pagdating namin sa condo niya ay agad siyang lumabas ng sasakyan at dali-daling pumasok sa loob, rinig ko lang ang pagsara niya ng pinto ng kwarto nang makapasok ako. Dumeretso ako sa kitchen niya at kumuha ng bottled water sa ref. Hindi pa ako nangangalahati sa iniinom ko ay kita ko siyang naglakad papuntang sala na may mga bitbit. Tapos ay sumilip pa sa akin nang pabalik na siya. 'There's a new laptop, a paper and a pen at the centertable sa living room, use it for your researches and stuffs. I've also ask the maid to put there all the possible evidences that may help you to know the culprit. Yung mga pinadala sa'kin ng whoever it may be. Wala na akong pupuntahan today so you can do whatever it is that you needed to do.' tumango lang ako without removing the water at my mouth. 'If you want to ask me about anything, that's regarding about your research I mean, just knock at my room.' tumango ulit ako and he left, narinig ko ulit ang tunog ng saradong pinto. That's the only time that I put the bottled water down and breathed. Takteng yun! Wala bang kahihiyan ang isang yun?! Haharap ba naman sa'kin na naka-boxers lang?! Anong akala niya?! Maganda ang katawan niyang amoy clorox?! Eiw talaga! May topak talaga ang isang yun! Masyadong malaki ang bilib sa sarili, hambog, ungas at hydrocephalus pa! Pasalamat siya at hindi ako marunong umayaw sa nasimulan ko na, kundi walang makakatagal sa kabaliwan niya! Kailangan ko pang habaan ang pasensiya ko, hindi ako susuko. Kumuha pa ako ng isa pang bottled water at isang butterfinger tapos ay tumungo na ako sa sala. Lahat ng kakailanganin ko ay nasa harap ko na, even yung mga items and stuffs ng death threats sa kanya ay nandito na. Nilapag ko ang lahat sa carpeted floor at inusog ng bahagya palayo sa akin ang ang table, hinubad ko ang boots ko maging ang leather body holster vest ko na may baril ko at kasamang moss green na Zero Tolerance Combat Fold Knife. Sinimulan kong isulat ang kaninang nalaman ko pati ang pangalan ng apat na kasama ni Cale kanina sa LE Country Club. Ginawa kong a name on each page. Binuksan ko rin ang laptop sa harap ko, may nakadikit na post-it sa keyboard nito. Password ito ng laptop at may naka-note na palitan ko daw ang password ng laptop. So I did what was written sa post-it, I've changed the password. Since connected na ang device sa internet ay sinimulan ko na ang trabaho ko. Inisa-isa ko ang mga details na nakita ko sa basic infos ng apat na lalaki. After 2 and 1/2 hours na nakatutok lang ako sa mga pinadalang threats kay Cale and jotting down the details ay nag-unat na muna ako. Nangangawit na ang likod ko at masakit na ang batok ko. 'Tired? Bakit kasi diyan ka sa sahig nagtatrabaho?' lumapit siya sa'kin and sat sa isang single seater na nasa tapat ko, sinandal niya ang mga siko sa mga tugod niya at tinignan ako. Tinuloy ko lang ang kasalukuyang ginagawa ko. 'Do you always work quietly?' 'Yes, I do.' I answered him without glancing at him. 'I'll ask Mang Fabian to call for a food delivery, what do you want to have?' 'Fastfoods?' napatingin ako sa kanya. 'Yap.' 'Wala bang nagluluto for you dito? Tuwing nandito ka?' 'Wala. Ayos naman ang fastfood meals.' 'How about your maid? Doesn't she cook?' 'No. She just go here everyday to clean my place, do my laundry, iron my clothes and stuffs.' 'Puro kayo fastfood meals nila Mang Fabian and your maid.' 'Yap! So what do you prefer? Fish, veggies, pork, chicken or beef?' hindi ko pinansin ang tanong niya at mabilis na sinara ang laptop and put the pen I'm holding down. Tumayo ako at nagpunta ako sa kitchen. 'Pakialaman ko na ang ref mo.' tinignan ko ang laman ng ref niya pati ng freezer. Nilabas ko ang garlic, patato and pork. Nilagay ko sa steamer ang pork para maghiwa-hiwalay sila while the potato ay nilagay ko sa kitchen counter. Tinignan ko ang mga cabinets, there's an unused oil pack at mga condiments kaya nilabas ko na ang mga kailangan ko. 'Do you have rice here?' 'I-i have.' nagpunta siya sa rice dispenser at binuksan ang punong-puno na bigasan. 'You can watch me if you want or you can wait inside your room, ipapatawag na lang kita kapag I'm done.' hinugasan ko ang bigas at sinalang sa double burner gas range. 'You'll... Cook? You know how?' I quickly glance at him, he look kinda startled. 'Haven't seen a woman cook in your entire life?' pinitpit ko ang bawang saka binalatan and slice it tapos ay sinunod ko ang patatas na balatan. 'Our chef at the mansion cooks and sometimes si Mama rin, but she often bake cookies and sweets.' 'Ahh, pero marunong kang magluto at tinatamad ka lang?' sumulyap ulit ako sa kanya. Umupo na siya sa mini kitchen island at nakatingin sa akin. 'Hindi. I don't cook.' 'Ah... Okay. How about your girlfriend? She knew how to cook?' 'Hindi rin. She's not a home buddy, masyado siyang busy sa career niya.' 'Model siya?' kinuha ko ang pork sa steamer at nilagay ito sa container to let it cool bago ko paghiwalayin. 'Yes, Victoria's Secret.' 'Pwede naman, she got the body naman and matangkad rin siya kaya lang kawawa ka naman pala.' 'Why did you say that?' 'Dahil, hindi marunong ang sinuman na malapit sa'yo na magluto except your mother. Nakakasawa kaya ang amoy ng mga delievered foods, masarap ang home cooked meals. Kailangan mag-aral kang magluto para isa man lang sa inyo ng girlfriend mo knew how to cook when you've both settled down.' tumahimik siya kaya napatingin ako sa kanya. 'I haven't thought of that yet. Wala pa sa plano ko ang mag-settle down with someone.' 'Ah... Hindi mo pa nakikita ang girlfriend mo ngayon na siya na ang pang-forever mo, tama ba?' hinugasan ko ang potato at binuksan ang takip ng kaldero dahil kumukulo na ang kanin. 'Will I look bad to you if I'll say yes?' napatingin ulit ako sa kanya. 'Hindi naman. Kasi masama na talaga ang tingin ko sa'yo eh, so hindi na ako magugulat dun.' pinatong ko na ang kawali sa gas range at naglagay ng mantika. 'I'm just turning 30 this month, I love being single.' hindi ako sumagot at nilagay ang mga pork. Ganito ako magluto ng Adobo, pinipirito ko muna ng slight ang meat. 'Kaya naglalaro ka lang muna kasi you love being single?' inimis ko ang kalat sa kitchen counter at tinapon ito sa trash bin. Tapos ay umupo ako sa tabi niya. 'Gusto rin naman nila, don't single me out na ako lang ang may gusto nun.' 'Just like the waitress kanina sa Country Club niyo?' tumayo ako at binaliktad ang pork tapos ay umupo ulit ako sa tabi niya. At least ngayon hindi na siya amoy clorox. 'You saw how she flirt with me.' 'Oo pero kung matino kang lalaki at faithful ka sa girlfriend mo, kahit maghubad pa siya sa harapan mo ay hindi mo siya papatulan.' 'Ikaw ba? Kayo ng boyfriend mo, perfect couple ba kayo?' 'Hindi. Pero we are faithful to each na kahit hindi kami nagkikita ay alam namin na nagtitino ang bawat isa.' pumasok sa isip ko si B. 'Ganon ka katiwala sa kanya? Lalaki rin siya!' 'Yes, true love is trusting your partner whole-heartedly.' tumayo ako ulit at inahon ko na ang mga karne, nilagay koang bawang. 'Hmm... Bango ng garlic!' nilagay ko narin ang suka, toyo at seasonings then tinakpan ito. After a few minutes ay sinama ko na ang karne tapos ay tinakpan ko ulit. 'What do you like sa boyfriend mo kaya naging kayo?' 'Well, bonus na lang sa'kin ang outside appearance kasi. I like ang lalaking responsible, thoughtful, one-man-woman, loyal saka honest. Yung kahit isang buwan or more kaming hindi magkita at magkasama ay walang gagawin na milagro sa ibang babae. Ayoko ng mayabang pati ng pasikat.' 'How about mayaman?' 'Kahit hindi masyado, okay na. Saka pala may sense kausap, hindi bobo at tanga.' tumayo ako ulit at inalis ang takip ng kawali. 'Wow! That smells heavenly! Nagugutom na ako tuloy, what do you call that dish?' 'Pork Adobo sinve I've used pork. Masarap yan lalo na kapag medyo spicy.' 'Then put chili on it. I love spicy foods. Aprodasiac rin kasi yun. I can make you...' 'I knew what that means, Cale. You don't have to explain it to me. Tss!' 'Anyways, mabango ha! It's mouth-watering!' 'Masarap talaga yan!' after few more minutes ay naghaing na ako sa table. 4 plates, 4 glasses and 4 sets of spoon and fork. Niyaya ko rin sila Mang Fabian at ang maid ni Cale na Eva pala ang pangalan. Cale 'Wow! This is superb! Another impressive move, J! Nakakarami ka na, nai-impress na ako!' 'Kumain ka ng kumain, ang daldal mo!' kanina lang masaya pa while she's cooking tapos ngayon back to being serious na naman siya. What's with her? Bipolar, tss. Tinuloy ko ang pagkain ko. She really knew how to cook, masarap siyang magluto. This is my second plate already, maybe if she'll be my wife ay tataba ako. Teka! Nahinto ako sa pagkain at naibaba ko ang hawak kong spoon and fork. 'Bakit Cale?' tanong sa'kin ni Mang Fabian kaya napatingin rin ang dalawang kasama namin sa table. 'Ahm... Wala. Continue eating.' tumingin muna sa'kin si J bago niya tinuloy ang pagkain niya. Sumubo ako ulit. Bakit ko naisip na kung magiging asawa ko si J? Eh hindi ba nga ay wala pa sa isip ko ang bagay na ganon? f**k you ka, Cale! Umayos ka! Ayaw mo nga sa mga bodyguards diba?! Pero why do I feel na special siya sa'kin. Bakit instead of nagagalit ako kasi nga may nakasunod sa'kin ay parang ayos lang ang lahat saka I feel at ease pa with her? What is qrong with me? 'Kasabay mo na palang kumain ang mga trabahador mo, Baby? Since when? I wasn't informed about this.' si Megan who kiss me sa cheek, she have a key sa condo ko. Hindi sa binigay ko, nagpa-duplicate siya mismo. 'Have you eaten? Umupo ka na dito, sumabay ka na sa'min. Masarap ang luto ni J ng Pork Adobo. Try it.' 'I'm done and besides, you knew that I don't eat pork. I started a diet again yesterday dahil my fashion show next month in Italy.' 'Okay, if you say so. Sayang hindi mo matitikman.' sumubo ulit ako. 'I'll just wait at the room, I'll have a shower first galing ako sa fitness center.' Tinuloy ko lang ang pagkain ko. This is one of the few days na nakakakain ako ng home cooked meals kaya sobrang na-enjoy ko. J should cook here more often tutal I think her passion is also cooking. Matapos kumain, she return to what she is doing sa living room. Ang sipag niya, so dedicated at her work. Yung iba kapag Sunday ay nagre-relax and having fun, pero siya still working. J's Skills: 1.) Good memory √ 2.) Good cook √ 3.) Dedicated at work √ Gusto ko man siyang kausapin pa kaso naghihintay si Megan sa room, kaya I've decided na pumasok na sa loob. Nakalabas na lang ako ng room ko for the third time after lunch and it's almost 7 in the evening yet she's still doing her work. Writing stuffs habang nasa harap ang laptop at studying ang mga evidences. Tulog naman si Megan kaya umupo ulit ulit sa sofa infront of her. 'Hindi ka pa ba pagod?' 'I'm almost done.' she respond without glancing at me. 'You should call it a night, J. Kanina ka pa nakababad jan, hindi ba sumasakit ang ulo mo?' 'I'm good.' she still didn't glance at me. 'You can have your off tomorrow if you want, sa office lang naman ako bukas. Hindi naman ako lalabas ng office.' 'I need to be with you as much as possible, Cale.' s**t! Nilambingan ba niya ang boses niya or am I just dreaming of it? Tinitigan ko siya while she continue writing something sa yellow paper. Maganda talaga siya. Simple yet breathtakingly beautiful. Ganyan lang ang ayos niya, naka-ponytail ang buhok at walang make up pero bagay parin sa kanya. Mukha siyang angel from heaven na pinadala ni God to be my protector. The mere sight of her is captivating already. Maybe having her isn't bad afterall. Her first day of work palang as my bodyguard pero I'm at ease being with her na parang I'm in a calm place just knowing that she's around. 'I'm done.' nagliligpit na siya, organize rin siya on her things. Napansin kong neat ang workplace niya, good thing hindi siya burara. 'Gusto mo hatid na kita?' san naggaling yun Cale? She stared at me then smile. Her smile is heavenly rin just like her face. Hindi ako magsasawang tignan siya kahit na everyday pa. 'Dala ko ang big bike ko, if you haven't notice.' nagtaray na naman siya. 'Okay.' bakit ba hindi ako naiinis sa kanya everytime na nagtataray siya sa'kin? Bakit sa iba naman I get easily irritated kapag nagtataray sila. Anong meron sa'yo, J? 'They'll arrive here shortly, nag-text na sa'kin ang head ng security mo.' 'What time will you be here tomorrow?' 'Anong oras ba dapat ako nandito?' 'Can you come earlier? To prepare for our breakfast?' nakakahiya man pero I am addicted to her cooking at gusto ko ng home cooked breakfast tomorrow. 'Sige, mga 5?' 'Okay.' napangiti narin ako sa kanya. Not the smile na pakitang-tao, smile na real and heartfelt. 'If something happens or you suspect that something is wrong, call me. Anytime this evening, okay?' 'Yes, Boss!' may nag-doorbell sa labas at si J ang nag-check of who it may be. Pagbalik niya ay kasama na niya ang 6 men who are all in black na may mga bitbit na kung ano. Nagpakilala sila sa akin as J introduce me to them. Ang head nila na nagtext daw kay J kanina is Jefferson Magalso. Nagsimula na silang magkabit ng mga unnoticable na CCTVs sa paligid. 'Aalis na ako.' I suddenly felt all empty inside na bigla na lang akong nalungkot. 'Ayos ka lang?' 'Yah! See you tomorrow.' I look at her as she wear her holster vest and place her iphone inside its inner pocket. Sinundan ko rin siya sa labas kahit pa sinabihan na niya akong huwag na. Sumakay na siya sa black with red na BMW motorcycle niya. 'Bye, J. Ingat sa pauwi.' napatingin kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses, it was Jefferson who spoke at nakangiti pa siyang nakatingin kay J. 'Salamat, Jeff. Kayo rin dito, bantayan niyong maigi si Eagle.' Eagle? Is that my codename to them? Nag-thumbs up pa si Jefferson kay J at ngumiti ulit bago muling bumalik sa ginagawang laser alarm sa paligid. 'J?' I called her bago pa niya masuot ang helmet niya. 'Hm.' Lumapit ako sa kanya at mula sa hindi ko malaman na demonyo who possessed me, I kiss her before I said goodnight. Kitang ko ang taka at pagkagulat sa mukha niya, napangiti ako and I carry that smile even when I enter my place. --------'-,-'--,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD