Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa palapulsuhan at hinila sa isang pinto doon
Kunot noo lamang akong nagpahila sakaniya. Ramdam ko rin ang matalim na tingin na nag mumula sa likod ko
Nang binuksan ni Jacob ang pinto, doon ko lamang napagtanto na cr pala iyon. Hinila niya aoo papasok doon kaya't kumalabog ng malakas ang puso ko.
Shit anong gagawin namin? Sir, ah ano pong gagawin? Napahinto ako sa pagsasalita nang humarap siya saakin
Biglaan iyon kaya ako napaatras kaya't muntikan pa akong tumama sa matigas niyang dibdib. Napalunok ako at umatras
Hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko kaya pasimple kong tinaggal iyon mula sa pagkakahawak niya pero parang mas lalong humigpit pa ang pagkakahawak niya doon.
Umangat ang tingin ko sakaniya at nakita kong titig na titig siya saakin. Mag sasalita na sana ako ng bigla niya nalang binitawan ang palapulsuhan ko at humarap sa salaming nandoon
Unti-unti niyang tinaggal ang pagkakabutones ng suot niyang long sleeve polo kaya't napasinghap ako at halos tumambol ang puso ko.
"Palaundry",utos niya.
Pinigilan ko ang sarili kong magpapadyak sa inis at padabog na kinuha ang damit niya mula sa kamay niya.
Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan ang bibig ko.
"Sana pinaghintay niyo nalang po ako sa labas hindi yung sinama niyo pa po ako dito sa loob, ismid ko."
Tapos tinaas niya ang kilay niya at pinaglandas niya ang dila niya sa pang ibabang labi niya.
Taas noo akong tumingin sakaniya dahil baka kapag bumaba ang tingin ko sa perpekto ang pagkakahulmang katawan niya ay baka bigla na lamang akong mahimatay dito.
Akala ko ba may sasabihin siya dahil umawang ang labi niya pero halos gilitan ko siya sa leeg nang nag kibit balikat lamang siya at tumalikod na, pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko ngayon dahil sa inis.
"Nakakainis naman ang lalaki na iyon, padabog kong ibinukas ang pinto at padabog ding lumabas doon"
Gusto kong sabunutan ang blonde niyang buhok dahil sa pagkainis, gusto ko siyang gilitan sa leeg, gusto kong tuhudin yung pinakaiingatan niyang pag-aari gaya ng puso ko sa loob ng rib cage ko
"s**t, tumalikod ako at nakagat ang pang ibabang labi at bumalandra iyon ang nag titigasan niyang dibdib at abs damn it ngayon lamang tumibok ng mabilis ang puso ko at saka ano ba ang ginagawa ko dito? Ano yun? Papanoorin ko siya habang nag huhubad?"
"Ah sir lalabas po muna ako" nauutal na sabi ko at humakbang na pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang meron na agad pumigil saakin."
Napatalon pa ako nun at halos manginig ang tuhod ko pagka dampi pa lamang ng palad niya sa braso ko
"Kailangan kita kaya sinama kita dito", kumalabog na nang husto ang puso ko dahil sa sinabi niya."
"f**k, anong kailangan niya ako? s**t, s**t anong ibig niyang sabihin, mariin kong pinaglapat ang mga labi ko habang pumipihip paharap sakaniya kaya ganun na lang ang pagkainis ko nang maramdaman ko na ilahad niya sa harap ko yung damit niya."
"Oh anong mukha yan?" Si Kyle, hindi ko siya sinagit at nagpatuloy lamang sa pagkain, alam kong punong-puno na ang bibig ko ngayon pero wala akong pakealam.
I hate Jacob to hell, paasa akala ko may something. Napatalon ako sa pagkakaupo nang hinawakan ni Kyle ang baba ko at iniangat iyon
Nanlalaki ang mga mata kong tinitignan siya at natikom ko ang bibig ko ng may pinunasan lamang siya sa gilid ng labi ko.
"You are a messy eater", halakhak niya. Itinikom ko ang labi ko, bakit hindi ko nararamdaman ang lahat ng nararamdaman ko kay Xavier sakaniya?"
Sobrang lapit niya rin kanina pero hindi kumalabog ang puso ko, bakit hindi ako nakaramdam ng pangangatog ng tuhod ko? Bakit wala akong naramdamang nagkakagulo sa tiyan ko?
"Ah may sasabihin nga pala ako sayo, birthday ng katrabaho natin mamaya, si Kayla. Gusto mo sumama? Sa bar gaganapin yung birthday niya." sabi niya pero saglit pa akong napaisip pero kalaunan ay tumango na rin
Sa pagkakaalala ko, si Kayla yung mataba at maliit na babaeng nakita kong katrabaho niya, since wala naman akong gagawin sa condo mamaya mas maganda nalang na sumama ako sakanila
I would rather go with them than die because of boredom. At para na rin makalimutan ko ang pagka-inis sa baliw kong boss.
Kinagabihan nagpaalam muna ako sakanila para magpalit ng damit sa condo ko, sinabi kong dideretso na lamang ako sa bar na sinasabi nila pagkatapos kong mag ayos sa condo ko.
Nagpalit lamang ako ng fitted pink top dress, hapit na hapit iyon sa katawan ko at hanggang kalahati lang ang binti ko ang haba nun.
This is my usual outfit when im going to bars kaya sanay na ako mag suot ng ganito, nag apply lang ako ng simpleng nake up sa mukha at umalis na.
Pagkapasok ko pa lamang sa sinabi nilang bar ay nasilaw na kaagad ang mata ko nang nakakasilaw na ilaw dito.
Nakakaenganyo rin ang ang kanta na pinapatugtog ng dj at parang inaakay kana na sumaya. It was normal music pero pinabilis ng dj ang tempo kaya mas naging kabuhay-buhay iyon
Ramdam ko ang mga malalagkit na tingin saakin ng mga lalaki dito sa bar kaya hinanap kona kaagad sila Kyle para makaupo na. Agad naman silang nakita ng mga mata ko kaya't nag tungo na ako doon.
"Hi, bati ko sakanila. Happy birthday, ngiting bati ko naman kay Kayla, ngumiti lamang sila saakin pabalik."
"Artemis, bati saakin ni kyle, ngumiti ako sakaniya."
Inilahad niya ang space ng sofa na nasa tabi niya at doon nga ako umupo, mas mabuti nang doon umupo kesa sa tabi ng mga lalaking hindi ko naman kilala na nandito rin sa table namin.
"Akala ko hindi kana pupunta, ngisi ni kyle."
"Hindi ako yung tipo ng tao na hindi tumutupad sa pangako Kyle, ngising sabi ko rin."
Naglagay siya ng wine sa baso ko kaya't unti unti ko iyon ininom, hindi mataas ang tolerance ko sa alcohol kaya't mas mabuti na iyong inuunti-unti ko ito kesa malasing pa ako dito.
Nagpatuloy ang mga kasama ko sa pag inom habang ako naman ay nakakatatlong baso pa lamang
Unti-unti na rin nauubos ang mga kasama ko dahil ang iba sakanila ay nasa dance floor na.
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng gumapang ang kamay ng lalaking nasa harap ko sa hita ko. s**t, sabay tulak ko sakaniya pero dahil mas malakas siya kesa saakin ay hindi siya natinag.
"Ano ba? Sigaw ko ulit, alam kong walang nakakarinig saakin dahil sa lakas ng tugtog dito sa bar, mabilis na ang t***k ng puso ko dahil sa kaba."
"I'm scared alright! Sino ba naman ang babaeng hindi matayakot kung may ganitong lalaki sa harap mo.
"Come with me, he whispered sensually."
"Napangwi ako dahil sa tono ng boses niya, i cannot stand being near to him like this, hindi ko siya kilala at nandidiri ako sa lapit niya saakin at naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong lakas para itulak siya."
Marahas niya akong pinatayo at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan ko, nag pumiglas ako ng magsimula na siyang maglakad papalabas ng bar pero parang wala lamang iyon sakaniya.
"Let go of me, tuloy-tuloy ang sigaw ko at pinaghahampas ko siya sa braso."
"s**t ano na ang gagawin ko? I dont want to get r**e"
Nagulat ako ng bigla na lamang humandusay ang lalaking nakahawak saakin parang may malakas na pwersa ang tumulak sakaniya na naging dahilan para mapatapon siya sa lamesa na katabi namin.
Nakaawang ang labi kong nakatingin sa lalaking iyon na halos hindi na makatayo dahil sa sakit na nararamdaman
"Kumalabog ang puso ko nang may maramdaman akong braso na pumulupot sa bewang ko at mas hinapit ako papalapit sa katawan niya, imbes na makaramdam ng takot, iba ang naramdaman ko."
Nagkagulo na naman ang mga insekto sa katawan ko hanggang tuhod ko, amoy pa lamang niya ay alam kona kung sino siya.
"Don't you even touch my fiancee, dumagundong ang boses ni Jacob sa buong bar parang natahimik nga yata ang lahat at natuon lang ang pansin nila saamin, pero ang pansin ko ay natuon lamang sa nag-aalab na mata ng katabi ko."
I dont know why but i felt secured inside this arms, hindi ko maintindihan kung bakit fiancee eh boss ko lang naman siya at secretery niya ako, mahirap mag assume.
"Napabalikwas ako ng bangon at pakiramdam ko'y nahahati sa dalawa ang ulo ko, nasapo ko iyon at kunot noong nilibot ang paningin sa paligid."
Naningkit ang mga mata ko ng mapagtantong hindi familiar saakin ang lugar na ito.
"Damn it, nasaan ako? Wala sa sariling inangat ko ang puting comforter na nakatakip sa katawan ko at halos malaglag ang panga ko nang makitang nakasuot lamang ako ng isang panlalaking long sleeve polo na aabot lang hanggang kalahati ng hita ko."
Shit anong nangyare saakin?? Ang huling naaalala ko ay ang pag suntok ni Jacob sa lalaking muntik ng magtangka saakin tapos, tapos anong nangyare na? What happened after that? Medyo nabawasan ang tensyon na nararamdaman ko sa katawan ng makitang nakasuot pa ako ng pangloob, yun din ang suot ko kahapon.
"Ano ba kasi ang nangyare kagabi? Napatalon ako mula sa pagkakaupo ng bumukas ang pinto at niluwa nun si Jacob. Kumunot ang noo ko, bakit siya nandito?
"Ohh you are awake, sabi niya lang at walang pag aalinlangang tinanggal ang suot niyang white na tshirt."
Napahiyaw ako nang dahil sa gulat at napatakip ng comforter sa mukha, narinig ko ang malalim niyang halakhak kaya't hindi ko maiwasang sumilip sakaniya.
Damn it he is so hot lalo na ngayong kitang kita ko ang tumutulong pawis sa matipuno niyang likod, mukhang kakagaling lamang niya sa matinding pagpapapawis, his sweat is dripping non stop on his god like body and darn, he look so gorgeous, hot and speechless
"Artemis, uhm i know you're watching me, sabi niya habang nakikitang nakabukas pala ang tatlong butones ng suot kong polo na naging dahilan ng medyo paglabas ng clevage ko."
"Manyak, sigaw ko sakaniya at agad kong tinabunan ang sarili ng comforter."
Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lamang siya, yung ngisi niya na nakakapagpataas ng balahibo hanggang batok.
Nang lumabas siya ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag para bang kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko at ngayon lamang ulit nakahinga ng maluwag.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at inayos ang suot na long sleeve polo base sa amoy nito alam kong kay Jacob ito parang gusto kona lamang tuloy isuot ito araw-araw at wag labhan para hindi mawala ang amoy niya na nakakapit sa damit na ito.
Ah what are you thinking Artemis? Ang landi mo, inayos ko ang butones nun at lumabas na nang kwarto, naka paa lamang ako kaya ramdam ko ang lamig ng tiles na inaapakan ko.
Pagkalabas ko ay doon ko nalang napagtanto na nasa isang condo nga pala ako, not a normal condo but a big and unique condo siguro ay pag aari ni jacob ang unit na ito.
Nasa third floor ako pero amoy na amoy ko ang bawang at sibuyas na parang may nagluluto sa baba.
Dahan dahan ang ginawa ko pagbaba sa hagdan at dumiretso sa kusina, hindi naman mahirap hanapin iyon dahil rinig ko naman hanggang dito ang tunog na parang naggigisa at hindi nga ako nag kakamali pagkapasok ko pa lamang ng kusina
Nagluluto si jacob ng sinangag kaya't nakatalikod siya saakin siguro ay naramdaman niya akong presensya ko kaya't napalingon siya saakin pagkalingon niya ay nanatili lamang ang titig niya saakin.
Sumandal siya sa sink at hininaan ang kaniyang niluluto habang nakahalukipkip at mariin ang titig saakin
Napalunok ako dahil sa pagkailang na naramdaman pakiramdam ko rin ay pinagmulahan ako ng pisnge dahil sa hiya
"A-ano? Naiilang na tanong ko at umupo sa stall na upuan doon dahil sa ginawa kong pag upo umangat ang long sleeve na suot ko na naging dahilan para lumabas ang halos kabuuan ng hita ko."
Sinubukan ko yun ibaba pero mukhang hanggang dun lamang ang limit niya kaya hinayaan ko nalang
Kitang kita ko kung paano umigting ang panga ni jacob habang nakatingin sa hita ko, sinamaan ko siya ng tingin pero tumaas lang ang kilay niya.
"I can see your panty from here sabi niya lang at tumalikod na."
Agad akong napatingin sa hita ko at agad iyong pinagdikit ng makita iyong nakaawang pala ang mga iyon. s**t nakakahiya
"Ano nga pala ang nangyare kagabi? Tanong ko."
Sumulyap lamang siya saakin at ibinalik agad ang tingin niya sa niluluto.
"You can't remember what happen last night?" May halong panunuya ang tono ng boses niya.
Kumalabog ang puso ko, ano ba ang nangyare kagabi? I can't remember anything.
"Hanggang dun lamang sa pagsuntok mo sa lalaking humila saakin ang naaalala ko, sa kinakabahang boses ay binigkas ko iyon."
Base sa suot ko ngayon, hindi kona alam ang iisipin ko. May nangyare ba? Saamin? Nahihiya ako. Oo, dahil baka sa kalasingan ko kagabi baka meron akong kahihiyang ginawa boss ko pa naman siya.
"Remember it by yourself, sabi niya pagkalapag niya ng plato na may lamang sinangag sa lamesang nasa harap ko."
"Bakit ba hindi mo nalang kasi sabihin? Naiiritang sigaw ko sabay hampas sa lamesa, napangiwi pa ako dahil sa sakit na dulot nun sa kamay ko."
"Why would i tell you? Pang aasar niya, inirapan ko na lamang siya at napabulong sa sarili."
"Bwesit na boss, bulong ko sa sarili na hindi niya narinig, nag pprito na siya ngayon ng bacon at hindi ko maiwasang panuorin siya."
Hindi ko inakalang makakapunta ako sa condo niya, hindi ko rin inakala na mapapanood ko siya ngayon habang nagluluto.
"It is just so imposible na kahit sa panaginip ko, parang napakaimposible. Bakit kasi hindi mo nalang sabihin ang nagyare kagabi pagkalapag niya ng bacon sa lamesa."
Meron na rin pritong hotdog at bacon doon, umupo siya sa tapat ko at ngumuso.
"Because i know that you won't believe what im going to tell you, ngising sabi niya."
Mariin kong kinagat ang pang ibabang labi ko, ano bang kahihiyan ang ginawa ko kagabi? s**t nahihiya ako at alam kong parang kamatis na ngayon ang mukha ko dahil sa pula
"Eat up! Sabi niya pa at siya na mismo ang nag lagay ng kanin at ulam sa plato ko."
"Why is he acting like this? Nakakabwiset siya diba? Oh bakit ganito siya ngayon? Why is he acting like he cares for me? Wala ako sa sariling sumubo ng pagkain"
Hindi ko alam pero parang may nagsasabi saakin na walang nangyare saamin kagabi kaya hindi ako masyadong kinakabahan
At alam kong hindi siya yung lalaking pinagsasamantalahan ang kalasingan ng isang babae, napaangat ang tingin ko sakaniya nang mag lagay siya ng hang over soup sa harap ko
"Hang over soup for your hangover" ika niya.
Ang again i ask myself, why is he acting like this? Why is he acting like he cares? Ipinilig ko ang ulo ko.
I said that i should stop, i promise myself that i would stop pero paano ko pahihintuin ang unti unting pagbabago ng pagtibok ng puso ko kung ganito ang ikinikilos niya sa harap ko?
Pwede bang bumalik nalang siya sa dati? Sa dati na nakakabwiset siya, sa dati na halos patayin ko na siya dahil sa inis
"Stop acting like that" bulong ko na wala sa sarili.
"What? Naguguluhang tanong niya."
Umiling lamang ako at nagpatuloy sa pagkain
I am going to stop now, i promise.
Nakaupo lang ako sa sala at nanood ng isang teleserye sa flat screen tv niya, gusto kona sanang umuwi kanina kaso nasa laundry daw yung damit ko at hindi naman ako pwedeng lumabas dito na ganito lamang ang suot ko, mas mabuti na lamang na hintayin ko ang damit ko.
Isa pa sa pinagtataka ko, bakit nga ba nasa laundry yung damit ko? Tutok na tutok ang paningin ko sa pinapanood.
Si Jacob nasa kwarto niya yata, hindi ko alam and why do i care?
Nasa scene na yung pinapanood ko kung saan malalasing na yung babae dahil sa pagkaka heart broken nito.
Nagloko daw kasi ang nobyo niya kaya daw para makalimutan yun ay idadaan niya na lamang sa alak kaso hindi niya inaasahan ang pag dating ng nobyo niya doon para iuwi na siya.
Sinabihan niya ito ng masasamang salita sa harap ng maraming tao at hinampas hampas pero parang bato ang nobyo niya at parang walang sakit na nararamdaman.
Tinuro-turo niya ang nobyo ng bigla na lamang pumintig ang ulo ko dahil sa biglaang pagpasok ng alaala...
[Flashback]
"Bwisit ka talagang boss no? Pagkatapos mo akong paasahin sa cr kanina bigla bigla ka nalang susulpot dito", turo ko kay Jacob habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko at papalabas na kami ng bar.
Umaalon ang paningin ko at halos hindi ko na mabalanse ang katawan dahil sa pagkahilo.
Kung wala lang si jacob na umaalalay sa akin baka kanina pa ako nakapadapa dito.
"What do you mean?" Kunot noong tanong niya.
"What do you mean? Anong what do you mean ka diyan? Hindi mo ba alam? Talaga? Eh pinaasa mo nga ako kanina eh akala ko pa naman, akala ko pa naman may mangyayare."