Ito lang po ba? Tanong ng lalaki na kumukuha sa gamit ni kim, oo yan lang ngiting sagot ko.
"I rolled my eyes mentally when i saw him blush, kanina pa yan pulang pula. Tuwing nginingitian ko ba siya pupula siya? Ngayon lang ba talaga nagkaroon ng kagaya ko dito sa davao? At halos lahat ng mga lalaki ay epic ang reaction pag nakikita ako?"
Aalis na ako kaswal na sabi niya habang bitbit niya ang mga gamit ni Kim. Muntik nang tumaas ang kilay ko dahil sa konting pagkainis na nararamdaman, kailangan niya pa bang mag paalam saakin? Ano ako magulang niya? Kasintahan niya? What the? No way!
Nang makaalis na yung lalaki dun lamang ako nakairap sa kawalan. I badly want to roll my eyes erlier pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Tumunong ang intercom kaya agad ko iyon sinagot
"Sir? Sagot ko."
What time is my meeting with the board of directors? Tanong ni Mr Alarcon, tinignan ko agad ang schedule niya at nakita kong 11 ay meeting na nila, ibig sabihin 1 hour na lamang ay mag sisimula na ang meeting
"11 po sir, magalang na sagot ko at hindi na ako nag taka ng ibinaba niya na agad ang tawag."
Saktong 11 lumabas si Mr Alarcon sa office niya at hindi ko naman maiwasan na mapatingin at mapatitig sakaniya. Natural na mabango, ang amoy pa lamang niya ay nakakaakit na paano pa kaya kapag nakita mo na ang mukha niya? Tiyak na mag lalaway ka
"Gossshh what am i thinking? Nagkakasala ako dahil sa boss kong ito."
"Come with me, natauhan lamang ako dahil sa sinabi niya kaya marahas akong napatayo.
P-po? Nauutal na tanong ko
Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa katangahang nangyayari saakin ngayon. This is the first time in my whole life that i acted like this.
"Do i really have to repeat what im saying when im talking to you?" Masungit na tanong nito habang nakataas ang kaliwa niyang kilay. Pasimple akong napairap dahil sa kasungitan niya
Gwapo nga pero masungit naman, kairita bwesit, sabi ko nga po susunod na. I tried to hide my sarcasm in my voice but i cant kaya ang resulta ay kumunot pa ang noo ng boss ko.
Ang sarap hawakan ng noo niya at ibalik sa dati. Nginitian ko lamang siya at tumabi sakaniya dala dala ang notepads na gagamitin ko para sa pag tatake note mamaya sa meeting
Let's go sir, sabi ko pagkalahad ko ng kamay ko papuntang elevator. Napailing lamang siya at nakapamulsang nag lakad papasok ng elevator
Habang nasa likod niya ako, hindi kona mabilang kung ilang beses na ako napairap at tahimik na nag mumura. Kung hindi lang talaga ako nangangailangan ng pera hindi ako mag titiis na mag trabaho dito.
Wala kaming nakasabayan ngayon dito sa elevator hindi gaya ng kanina. Hanggang sa makarating kami sa tamang floor walang nagsasalita saamin, nakabuntot lang ako sa likod niya na parang aso habang niyuyukuan siya at binabati ng mga empleyadong nadadaanan namin.
Hindi man lang siya marunong bumati pabalik, tango lang lagi ang sagot niya sakanila pero sa simpleng tango lamang na iyon ay nangingisay na ang mga babae sa kilig
Ano ba ang meron sa lalaking nasa harapan ko at ganito ang epekto niya sa mga babae pati na rin saakin. Pagkapasok namin ng conference room nagsitayuan lahat ng nandoon at yumuko kay Mr Alarcon. Napayuko na lang din ako dahil sa kaba.
"s**t baka may makakilala saakin dito, mga board of directors pa naman mga to at sigurado naman na may iba sakanila na alam ang pag dditch ko sa sarili kong kasal."
Buong meeting nakayuko lamang ako at kulang na lamang ay maging white lady na ako dahil sa mga nakaharang na buhok sa mukha ko. Damn nakakahiya!!
"Are you taking notes? Bulong na tanong saakin ni Mr alarcon. Nakaupo siya swivel chair niya sa kabisera ng mahabang lamesa habang nakapatong ang siko niya sa lamesa"
Nakahilig rin siya sakin palapit para bumulong. Yes sir! Pabulong din na sagot ko. Nahihirapan pa ako mag take note dahil nakatayo ako dito sa tabi niya. Bakit ba kasi hindi man lang nila ako bigyan ng upuan? Para naman makaupo ako.
"For the rooms of the hotels i plan to use of color white for the walls to make it classy, sabi ng babaeng architect sa harap. Malagkit ang tingin niya kay Mr Alarcon at alam ko yun, halata sa mga singkit niyang mga mata."
Kaya ba maraming nag ssubmit ng mga proposals sakaniya dahil merong iba na iba ang motibo kagaya na lang ng babaeng architect na nagsasalita sa harap ngayon? Darn that is what i hate the most yung lumalapit lang sayo dahil may motibo
Naging busy ako sa pag tatake note at minsan humihilig saakin si Mr Alarcon para lamang bumulong. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing hihilig siya papalapit saakin bumibilis ang t***k ng puso ko. I just find that gestures weird.
"That's a wonderful plan Tricia sabi ng matandang lalaking board of director habang pumapalakpak pa, ngumiti lamang sakanila ang babae na Tricia pala ang pangalan
"What do you think of my plan Mr Alarcon? Malanding tanong ni Tricia kay Mr Alarcon. Kung pwede lang talagang umirap sa harap nila ngayon, kanina ko pa sana ginawa kung wala lang talagang pasulyap sulyap saakin ngayon baka nakailang irap na ako dito.."
"What do you think Artemis? Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa biglang tanungin ako ni Mr Alarcon, napanlakihan ko siya ng mata dahil sa gulat pero blanko lang ang expression niya at mukhang seryoso siya sa tinanong
Kumurap kurap pa ako at pinanlakihan siya ng mata pero tumaas lamang ang kilay niya.
"Is he asking for my opinion? Seriously? Nanginginig ang mga labi kong ngumiti sa harap nilang lahat at halos mapudpod na ito dahil sa diin ng pagkakakagat ko dito"
"Uhm maayos naman yung plano walang problema. Sa nanginginig na boses ay binigkas ko iyon lahat nang nandito sa loob ay nakatingin saakin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mga masasamang tingin ng mga babae saakin"
Damn this ceo nakakabwiset siya ano bang nakain niya at tinanong niya yung opinion ko ngayon. I am just his secretary for godness sake.
"Okay then, the meeting is ajourned your proposal is accepted, sabi ng bwiset na boss ko at nag lakad na papalabas
Agad naman akong sumunod sakaniya. Nang makasakay na kami sa elevator ay hindi kona napigilan ang bibig ko magsalita
Bwiset na bwiset talaga ako ngayon at konting kalabit na lamang ay sasabog na ako.
"Why did you do that? Naiiritang tanong ko. Sumulyap siya saakin sa repleksyon namin sa salamin at nakita ko pang ngumuso siya. Hindi ko alam kung para mag pigil ng ngiti o ano.."
"Do what? Tanong niya parang wala siyang ginawa. Damn.. that sabay turo ko sa pinto ng elevator na parang nandoon ang conference room.
"Bakit mo tinanong yung opinyon ko kanina? I know that its not right to shout at him like this because he is my boss pero nakakairita na kasi"
"Did you just shout at me? Kunot noong tanong niya at nakaigting ang panga, napaatras ako ng pumihit siya paharap saakin at kitang kita ko kung gaano ka perpekto ang nakaigting niyang panga sa harap ko."
"Yes! I shouted at you kasi kasalanan mo naman, bakit kailangan mo pa tanungin yung opinyon ko? That is not my job at mas lalong hindi ko trabaho ang mag bigay ng opinyon sa mga meetings niyo, i shouted at him frustratedly"
Kanina pa napigtas ang manipis na pisi ng pasensiyang kanina ko pa pinanghahawakan. I dont know how my boss is acting like this but its just frustrating.
Napahiya ako kanina dahil sa kagagawan niya at ang malala pa ay baka may nakakakilala saakin doon
"And its not also your job to shout at me" He said sturnly, napaatras pa ako nang mas lumapit pa siya saakin at napasinghap na lamang ako nang dumikit na ang likod ko sa malamig na wall ng elevator."
"It is also against to your job as my secretary to shout at me" bulong niya pa nakapamulsa siya ngayon habang nakayuko at dire-diretso nakatingin sa mga mata ko."
He is a beast, a bad beast but not a ugly beast. But a hot and gorgeous beast
Bakit kahit naiirita ako sakaniya ay hindi ko mapigilang purihin ang kaniyang mukha? Sobrang lapit ng mga katawan namin na kulang na lamang ay mag dikit na ang mga ito
But i wont let that happen dahil alam ko sa oras na mag dikit ang mga katawan namin ngayon baka mangatog lamang ang mga tuhod ko dahil sa hindi ko mapangalanang emosyon na nararamdaman
"I'm sorry sir yun lamang ang nasabi ko dahil hindi gumagana nang maayos ang utak ko ngayon. Kahit gusto ko pa siyang sigawan ay hindi ko magawa para bang nablangko na lamamg ang utak ko sa sobrang lapit ng mga katawan namin ngayon"
Saktong pag bukas ng elevator ay lumayo na siya saakin at doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Diretso lamamg ang mga lakad niya hanggang sa makapasok siya at ako naman ay nagtungo na lamang sa may cubicle ko na parang walang nangyare
Naiirita ako sa mga kilos ko dahil im a spoiled brat kaya palaban akong babae pero bahit sa tuwing nagkakalapit ang mga katawan namin ay nanghihina ako na parang ako ang pinakamahinang babae sa buong mundo.
Natapos ang araw ko na hindi ko na ulit nakita si Mr Alarcon, hindi siya lumalabas ng office niya at hindi rin ako tinatawagan sa intercom. Mas maaga rin akong umuwi kaya't hindi na kami nag kita..
"What? Dont tell me sinigawan mo ang boss mo? Si Liyah. Nag skype kami ngayon kaya kitang kita ko siyang nakadapa sa queen size bed niya.
"Nakakainggit. Oo, namimiss ko talaga yung buhay ko noon yung buhay ko na waka akong iniisip kundi ang sarili ko lamang, yung hindi ko iniisip ang pera na gagastusin ko at hindi lang sa maliit na condo ako nakatira"
"Yun na nga yung bad news eh, nasigawan ko siya."
"Good morning Miss Artemis, nagulat ako nang kinaumagahan ay may bumati saaking lalaki pagkapasok ko pa lamang sa lobby ng mgc."
Sobrang laki ng ngiti niya at base sa suot niya, mukhang empleyado siya dito at hindi ko maipagkakaila na may itsura. Siya pero hindi kagaya ni Mr Alarcon hindi nakakaintimidate ang presensya ng lalaking nasa harap ko ngayon
"Good morning, awkward na bati ko pabalik. Mas lumawak pa ang ngiti niya at kitang kita ko ngayon ang perpekto niyang mga ngipin na nakalantad sa harap ko"
May kasabay po ba kayong kumain mamayang lunch? Tanong niya saakin, sumabay siya saakin sa paglakad patungo sa elevator at mukhang sasakay rin ata siya dahil pumasok rin siya kagaya ko.
"Uhmm wala naman, sagot ko sakaniya bakit pa siya gumagamit ng po? Eh mag kasing edad lang naman kami at mas lalong parehas lang kaming empleyado rito."
"Kung ganun sabay ka nalang samin mag lunch, aya niya saakin. Sa sobrang laki ng ngiti niya ay hindi na ako nakapagpigil na tumango.
Humalakhak siya at nakakahawa iyon, napanguso tuloy ako dahil sa pag pipigil ng ngisi
"Wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan ako sayo hindi ba?" Pareho kaming napatalon sa gulat nang biglang bumukas ang elevator sa 4th floor at pumasok si Mr Alarcon.
Kitang kita ko kung paano dumilim ang expression niya ng makita kung gaano kalapit ang lalaki saakin na katabi ko, parang may kung ano naman na tumulak saakin palayo sa katabi ko at yun nga ang ginawa ko
Shit anong nangyayare saakin, nakapamulsa ulit na tumayo si Mr Alarcon sa harap namin at hindi nakatakas sa paningin ko ang biglaang pag tahimik ng katabi ko.
"Ako nga pala si kyle, nagulat ako ng bigla akong kinalabit ng katabi ko at naglahad ng kamay saakin syempre hindi naman ako bastos na tao kaya tinanggap ko ang kamay niya."
Lumaki ulit ang ngisi niya dahil sa ginawa ko at naramdaman ko pa ang pagpisil niya sa kamay ko bago iyon binitawan
Bumaba siya sa 8th floor kaya naiwan nalang ulit kami ni Mr Alarcon dito sa elevator.
"Is it fun?" Kumunot ako noo ko sa tanong niya.
What? Tanong ko.
"Flirting? Is it fun? Tanong niya ulit habang nakatingin saakin sa repleksyon namin sa pintuan ng elevator, nag tiim bagang ako dahil sa sinabi niya."
Flirting? What the hell? Flirting na ba agad yung ginawa ko kanina?
"Ano naman po sainyo kung nakikipag flirt po ako, eh gusto ko yung tao. May masama po ba doon? Sarkastikong tanong ko."
Syempre kasinungalingan lang lahat ng sinabi ko, kung yun ang iniisip niya? Edi paninindigan ko, nakakairita na eh!!
Hindi na siya ulit nagsalita kaya tumahimik nalang ulit ako. Kitang kita ko dito sa likod kung paano umigting ang panga niya at kung paano niya paglandasin ang dila niya sa pang ibabang labi niya dahil sa hindi ko malamang dahilan
Hanggang sa makarating kami sa tamang floor ay hindi siya nag salita, napalabi na lang ako nang walang lingon lingong pumasok ulit siya sa office niya.
Dumiretso na lamang ako sa cubicle ko at nagsimulang mag trabaho. Hindi kona namalayan ang oras dahil sa daming tumatawag saakin at nag papaschedule ng appointment kay Mr Alarcon
Karamihan sakanila ay sa susunod na buwan ko pa naipapasok dahil full schedule na talaga si Mr Alarcon ngayong buwan, hilot hilot ko ang batok ko ng bumukas ang elevator at niluwa niyon si kyle
"Lunch na, sabi niya sabay ngiti saakin. Napatingin ako sa wrist watch ko at napagtantong lunch na nga"
"Busy ka ba masyado at hindi mo namalayan ang oras? Sabi niya habang nakahilig sa cubicle ko, ganun na nga sagot ko at napangisi na rin. Tara lunch tayo, aya niya ulit saakin."
Wala naman sa sarili akong napalingon sa pintuan ng boss ko, wala naman sigurong masama kong aalis muna ako ngayon para mag lunch
"Tara, nakangiti kong sabi kay kyle at tumayo na. Sabay kaming naglakad at kitang kita ko kung gaano kalaki ang ngisi niya, i know that smirk yan yung ngising tagumpay. Hindi ako bobo para isiping wala siyang gusto saakin, alam ko yung mga galawan niya no."
Ganyan yung mga galawan ni samuel at nang mga iba pang nanligaw saakin.
"Ok lang ba kung sa fast food chain lang tayo bibili ng pagkain natin? Tanong niya habang naglalakad kami palabas ng lobby"
"Okay lang naman! Sabi ko. Sa isang fast food chain naman kami bumili, malinis naman silang kumilos doon kaya ayos lang saakin, hindi naman ako yung tipo na tao na mapili pag dating sa pagkain."
"Sa floor namin tayo kakain ah, sabi niya habang bitbit niya ang mga pinamili naming pagkain. Marami siyang binili dahil inutusan daw siya ng mga kaibigan niya. Sige, sagot ko lang"
"Ang ikli mo naman sumagot, sabi niya sabay halakhak, napanguso naman ako, am i being unfriendly again? Gumagana na naman ba ang pagiging spoiled brat ko? Sorry, lumabas na yan sa bibig ko bago ko pa iyon mapigilan"
Ayos lang! Sabi niya at saktong bumukas nag elevator sa floor na pinagttrabahuan nila, maraming cubicle dito sa 8th floor at marami ring empleyado kaya pala dito kadalasan lumalabas ang mga nakakasabayan ko sa elevator
"Andito si Miss Artemis anunsyo niya, namula naman ang mga pisngi ko ng tumingin silang lahat saakin dahil sa lakas ng sigaw ni Jeff meron pang sobrang lagkit ng tingin saakin, nakakailang na..."
"Dito tayo, sabi ni Kyle at nilahad saakin ang isang malinis na upuan. Naglagay siya doon ng isang monoblock na upuan at pinaupo ako doon. Siya na rin ang nag ayos nang pagkain namin kaya wala na rin akong ginawa kung hindi umupo lamang dito at panoorin siya."
"Hay nako! Kumikilos na naman si Kyle na playboy narinig kong sabi ng empleyado sa kabilang cubicle, mataba siya at maliit na babae pero hindi mo maipagkakaila na may itsura siya, humalakhak lang si Kyle sa sinabi niya at nakita kong umirap iyong babae dahil doon"
"Nako Miss Artemis wag kayong papauto dyan kay Kyle, marami nang babae ang pinaiyak niyan, pang aasar pa ng babae na bigla na lamang sumulpot sa harap namin"
Hindi kagaya ng babae kanina, petite at morena ang babaeng nasa harap ko. Mukha nga, yun lang ang isinagot ko dahil hindi naman ako yung feeling close na tao
"Wag nga kayo, sigaw lamang ni kyle sa lahat at nakita ko kung paano pamulahan ng pisngi si Kyle, napangisi ako nang dahil doon"
"Kain na, wika ni Kyle pagkaupo niya sa tabi ko, tumango ako at handa nang sumubo sana nang napahinto ako at napatingin sa may elevator nang biglang bumukas iyon"
Lahat kami ay napalingon doon dahil parang may mabigat na awra'ng dala ang taong kakapasok lang dito, at hindi nga ako nagkamali...
"Good afternoon sir! Bati lahat ng empleyado at natataranta pa silang tumayo ako, lamang yata ang hindi tumayo eh, bakit naman ako tatayo? Pumasok lang naman siya ah"
Akmang susubo na sana ako ulit nang may biglang humawak sa palapulsuhan ko at hinila ako patayo, natapon pa nga sa damit ko yung mga kanin
Ano ba? Iritadong singhal ko kay Mr Alarcon, hindi siya sumagot at hinila niya lamang ako papuntang elevator, kitang kita ko ang mga nakaigting niyang panga dito sa likod at ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko.
"Kumunot ang noo ko, is he mad?"