"MR. VELASQUEZ?" tawag pansin sa akin ng HR manager. Kasalukuyan kasi kaming nasa meeting pero wala roon ang isip ko kundi na kay Rosa. "Yes? I'm sorry. Where were we?" Magsasalita ulit sana ang HR nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang private investigator na inutusan ko para ipaimbestiga si Rosa. "Ipagpatuloy ninyo lang. Excuse me," sabi ko na lumabas sa conference room para sagutin ang tawag. "Hello," sagot ko. "Please check your email sir. May sinend po ako sa inyo na files." Dali kong tiningnan ang email ko sa laptop at agad kong nakita ang file na isinend niya sa akin and I open it. Pagka-click ko ni'yon ay agad na bumungad sa akin ang picture na kamukhang kamukha ni Jordan at nasa gilid ng litrato ay ang information nito. "Her name is Rosa Giana Camorra. Thirty five ye

