"BECKHAM, anong sa tingin mo?" Napapiksi ako nang hawakan ako ni Francesca sa braso. Pinag-uusapan namin ang magiging tema ng kasal naman at kung saan gaganapin. Pero ang isip ko ay na kay Jordan. "Did you say something?" Tumaas ang kilay niya. "Kanina pa ako salita nang salita rito pero ang isip mo wala rito," inis niyang sabi. "Meron lang akong iniisip." "Trabaho na naman? I'm here, Beckett. You should focus on me!" Mariin kong pinikit ang mga mata ko. "Meron lang talaga akong importanteng iniisip." "Importante? Meron pa bang higit na importante sa kasal natin? My josh, Beckham, malapit na ang kasal natin pero kung anu-anong mga walang kwentang bagay pa ang inuuna mo—umh!" Galit kong hinawakan ang mukha niya. "Alam mong wala akong pakialam sa kasal. Lalong alam mong hindi kita gu

