Dalawang araw ng walang paramdam si Hiro kay Aqua. At dalawang gabi na ding nangungulila ang dalaga. Ni hindi tumatawag si Hiro sa kanya o text man lang bagay na ikinasasakit ng kanyang damdamin. Hindi niya alam kung bakit ang babaw ng kanyang mga luha magmula ng hindi na nagparamdam si Hiro sa kanya. Ang sakit lang parang bigla siyang iniwan sa ere kasi mabilis din siyang bumigay. "Magre- resign ka?" Maang na tanong ni Dok Agor nang iabot ni Aqua ang kanyang resignation letter. "Opo!" Malungkot na sagot ni Aqua. Ayaw pa niya sana kaya lang medyo naaapektuhan ang kanyang daily life sa dalawang araw na walang paramdam si Hiro sa kanya. Paano pa kaya kapag nagtagal na 'di hindi na siya makapagtrabaho kapag nangyari iyon? "Bakit ka magre-resign eh ang ganda na ng posisyon mo dito sayang

