Ang lagkit ng ngiti ni Tamara nang makita nitong paparating si Hiro. At mukhang sa kanya ito patungo nasa isang salon si Tamara sa araw na iyon. "Leave," mariing wika ni Hiro sa staff ng salon na siyang umaasikaso kay Tamara. Agad namang umalis ang staff at naiwan ang dalawa. "Sinadya mo ba talaga ako dito? Saan mo nakuha ang impormasyona na narito ako?" Maarteng tanong ni Tamara. Hindi nagbago ang expression ng mukha ni Hiro. Madilim iyon, malamig at seryoso. Iyong tipong tingin pa lamang nito ay mangingilabot ka na. Mabilis na siknalit ni Hiro si Tamara na inaakit na naman siya nito. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag na huwag mong idadamay si Aqua sa alitan natin ha?" Nagngangalaiting wika ni Hiro. Napangiwi naman agad si Tamara. "Nasasaktan ako ano ba!" Daing ni Tamar

