Muntik pang mahulog sa mga kamay ni Vela ang susi sa gulat niya.
"A-are you sure? Wala akong pambayad kapag naibangga ko ang sasakyan mo," paniniguro niya. Inilagay niya ang key ring sa kaniyang hintuturo at pinaikot-ikot iyon.
"Ayaw mo? Edi 'wag, madali akong kausap." Lumapit si Sky at inilahad niya ang kaniyang kamay upang kunin ang susi.
Iniwas naman ni Vela ang kaniyang kamay. Ngumuso pa siya habang iniikutan muli ang sasakyan.
Humalukipkip si Sky habang nakasandal sa hood ng sports car. "Bakit hindi ka mamili para sa sarili mo? Sa tingin ko naman ay kaya mong bumili nang ganito."
Pinasayad ni Vela ang kaniyang kamay sa katawan ng sasakyan. "You know why people get addicted to gambling?"
Hindi sumagot si Sky pero nilingon niya si Vela na sumandal na rin sa kotse katabi niya.
"Because after they get their money after winning, the excitement will disappear. It is like buying expensive cars or whatever you like. After seeing the item you bought, syempre masaya pa sa una. Pero, unti-unti mawawala na 'yung excitement, yung thrill. Maghahanap ka na ulit ng bago, mas mahal, mas limited, mas maganda. The cycle goes on. Minsan ko nang tinanong ang sarili ko kung worth it ba na mamili ako nang ganitong sasakyan. Siyempre naengganyo rin naman ako dahil nga kung tutuusin makakaya naman talagang bumili, pero inisip ko na lang kung dito ba ako sasaya. Siyempre hindi. So, yun!" Pinatunog na niya ang sasakyan. "Pero siyempre iba pa rin kung may magreregalo sa akin, baka sakaling tanggapin ko." Kumindat pa siya kay Sky na tatawa-tawa nang sumakay sa kotse.
Kitang-kita ni Sky ang pagkamangha ni Vela habang hinahaplos nito ang manibela ng sasakyan. Ininspeksyon pa nito lahat ng mayroon sa loob ng sasakyan, kahit maging mga compartments ay binuksan nito. Napapasipol pa ito. She must be really a fan of the car. Pinaandar na nito ang sasakyan at pinaarangkada.
"Stop!" sigaw ni Sky.
Napasubsob si Vela. "Bakit?"
Tinanggal ni Sky ang kaniyang seatbelt at inabot ang seatbelt ni Vela. Isinuot niya iyon dito. "Always drive safe, hmm?" Hinaplos pa niya ang pisngi nito.
Hindi agad nakahuma si Vela. Sa paglalapit nila na iyon ni Sky ay parang tumigil saglit ang kaniyang paghinga. May kakaibang dating sa kaniyang kamalayan ang pagkakalapit nila. Inilihis na lang niya ang tingin dito. "So, saan tayo?"
Sinulyapan ni Sky ang kaniyang relo. May isang oras pa bago matapos ang duty ni Storm. "Anywhere near you would like to go."
Tumikwas ang labi ni Vela at pinaandar na ang sasakyan. Nang mailabas niya sa building ang kotse ay pinindot ni Vela ang button para maging topdown ang sasakyan.
Pinagmasdan lang ni Sky si Vela habang inaaninag niya ang saya sa mukha nito. She is a mystery to him. Sa nakikita niya ngayon ay para itong batang nakakawala sa kural. Nililipad ang buhok nito at malayang sumasayaw sa hangin. Ang mga mata nito ay pawang nagniningning ngunit nakakatakang hindi iyon umaabot sa mga mata nito. But she is still beautiful, so damn beautiful. She is taking his breath away.
“Hindi mo ba kukumustahin ang kapatid mo?”
Kumurap-kurap si Sky nang matanong siya. Masyado siyang napatulala sa babae. Dumiretso na rin siya nang upo. “Mabait ang kapatid ko. Hindi ko na kaylangan pang itanong. May tiwala ako sa kaniya.”
Tumaas ang kanang kilay ni Vela at kinibit pa nito ang mga balikat. Halatang hindi ito naniniwala sa binanggit ni Sky. “Sabi mo, e.”
Inilihis na lang ni Sky ang usapan. Ayaw niyang masira ang kanilang gabi. “You really knew this place, huh,” komento niya. Napapansin niyang andami na nilang sinuotang mga eskinita. Hindi naman sila gumagamit ng kahit anong navigation app. Kung siya iyon, malamang kanina pa siya naligaw.
“Dito ako lumaki. Kaylangan ko malaman kung anong kalakaran dito sa lugar para mapalago ko pa ang Lil Trix Lounge.”
Sinulyapan saglit ni Sky si Vela. “Family business niyo?”
Tumingin si Vela sa magkabilang gilid niya dahil liliko sila. “Yeah.”
“Ikaw ba ang panganay sa pamilya niyo?”
Sumeryoso ang mukha ni Vela. “Hindi.”
Nangunot ang noo ni Sky. “Puro babae kayo?”
“Bakit ba ang dami mong tanong?” inis na wika ni Vela.
Napaurong si Sky. “Bakit masyado kang sensitive? Hindi na ba puwedeng magtanong? Pinagdrive nga kita ng kotse ko nang hindi nagdalawang-isip, hindi mo rin ba ako pagkakatiwalaan sa iilang impormasyon tungkol sa'yo?”
Bumuntong-hininga si Vela. May point naman si Sky. “I’m sorry… Hindi lang talaga ako sanay na nagkukuwento.”
“Halata naman.”
Umirap si Vela na tinawanan naman ni Sky.
“We can talk about anything. ‘Wag lang muna tungkol sa family ko.”
“Fair enough. Ayaw ko rin naman na pag-usapan ang family ko." Tumikhim si Sky. "So,uhm, ‘yung guy na kasama mo kanina, boyfriend mo?”
“Wow! Ang sabi mo hindi mo ako sinusundan. Bakit alam mo ‘yung tungkol kay Tristan?”
“Hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na nakita kong may kasama ka. So, boyfriend mo nga ‘yun?”
“Yes.”
Natigilan si Sky. May naramdaman siyang panghihinayang sa sagot na iyon ni Vela.
“How ‘bout you? May girlfriend ka na?”
“None.”
May kumawalang pigil na tawa sa bibig ni Vela. “But why?”
“Wala lang. Hindi ko pa nahahanap ‘yung babaeng karapat-dapat mahalin.”
Napatigil si Vela sa pagmamaneho dahil sa namumuong trapiko.“Deep yarn?”
Nagkatinginan ang dalawa at nagkatawanan.
“Labas mo wallet mo!”utos ng isang lalaki na nakatutok ang kutsilyo sa leeg ni Vela.
“H-heyy.. wag mo siyang sasaktan.” Napataas ang dalawang mga kamay ni Sky.
“Akina wallet mo!!”muling utos nito kay Vela. "Sa'yo din!" sabay nguso kay Sky.
Nagmamadaling kinapa ni Sky ang bulsa niya. Hindi pa niya nailalabas nang buo sa bulsa niya ang kaniyang wallet nang hinatak ni Vela ang kamay ng lalaki. Nagpanambuno ang dalawa. Hindi na napansin ni Sky kung paano naalis ni Vela ang seatbelt nito na ngayon ay nakapulupot na sa mga kamay ng lalaki. Nakapaikot na rin ang kanang bisig nito sa leeg ng magnanakaw.
"Gago kang salot ka! Nananahimik kaming nakasakay dito, nanakawan mo pa kami! San nanggagaling ang lakas ng loob mo huh?! Porket ba babae ako?! Animal ka!" Siniko pa ni Vela ang tagiliran ng lalaking nanghihina na. Pumipiglas ito ngunit mas malakas si Vela na mas lalong hinihigpitan ang pagkakaipit ng ulo nito.
Napaigik ang lalaki. Bibirahan pa sana ni Vela ang mukha ng lalaki nang hinawakan ni Sky ang kamay niya.
"Tama na 'yan, please."
"Wag mong sabihin sa aking pakawalan ko ito dahil muntik na akong gilitan nito! Hindi ko gagawin 'yun! Manigas ka diyan!"
"Puwede bang huminahon ka? Masyado kang mainit! Sasabayan mo pa ang kahayupan ng kupal na 'yan!Wait lang." Sinuri ni Sky ang kapaligiran upang manghingi ng tulong.
Iniiwasan na ang kotse nila ng iba pang sasakyan dahil nagsimula nang lumuwag ang trapiko. Tinitingnan niya kung meron tutulong sa kanila ngunit mukang takot din ang iba. Napabuntong-hininga siya hanggang nakarinig sila ng pagpito.
"Hoyyy! Anong kaguluhan 'yan?!" sigaw ng isang pulis.
"Thank you, Sir. Buti dumating ka. Muntik na po kaming nakawan niyan." Itinuro pa ni Sky ang lalaki.
Sinipat ng pulis ang magnanakaw. "Ikaw na naman?" Pinosasan nito ang lalaki. "Pambihira! Hindi ka pa rin tumitigil sa pagnanakaw!" Tumingin ito sa kanila. "Ako ata ang dapat magpasalamat sa inyo dahil nahuli niyo ang magnang ito."
Pinakawalan na rin ni Vela ang lalaki. "Ikulong niyo 'yan ah!" Ipinagkiskis pa nito ang mga kamay.
"Sir, kung kaylangan ipakulong ang lalaking 'yan, gawin natin," dagdag pa ni Sky.
Tumango ang pulis. "Oo naman. Sumunod na lamang kayo sa station para maghain ng formal complaint. Pagkaliko niyo sa intersection, pangatlong kanto sa kanan." Binitbit na nito ang magnanakaw at isinakay sa patrol car na kadarating lang.
"Sunod po kami!" sigaw ni Vela sa pulis na paalis na. Nag-seatbelt na siya.
Hinatak naman ni Sky ang isang braso ni Vela. "You're bleeding!"
Pumiksi lamang si Vela pagkatapos sulyapan ang halos one inch na hiwa niya sa gitna ng braso niya. "Yan ba? Malayo sa bituka. I'm fine."
"Anong your fine?! Itabi mo ang kotse," mariing utos ni Sky.
Tumaas ang isang kilay ni Vela habang nangingisi siya. "Bakit parang galit ka?" Sinunod naman niya ang utos ni Sky at itinabi nga ang kotse.
Kinuha ni Sky ang panyo sa kaniyang bulsa at masuyong binalot ang braso ni Vela. "Ganiyan ka ba talaga? Hindi mo dapat ginawa 'yung kanina. Pano pala kung may mga kasama 'yun tapos bigla ka na lang binaril o pinagtulungan tayo?"
"Wala naman nangyari sa atin ah. Ano bang ikinagagalit mo?"
Huminga nang malalim si Sky. Ang hirap magpaliwanag sa babaeng palaban. "Okay, basta sa susunod 'wag kang lalaban nang ganoon. Ibigay mo na lang ang gusto nila kesa buhay mo maging kapalit."
Napatingin si Vela kay Sky. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito habang inaayos nito ang pagkakalagay ng bandage sa kamay niya. Aside kay Tristan, ito pa lang ang lalaking tumrato sa kaniya bilang babae na kailangang ingatan.
"Dumiretso na kaya tayo sa hospital?"
Marahang pinalis ni Vela ang kamay nito. "OA mo. Maliit lang 'yan. Ano namang gagawin sa akin sa hospital? Tatahiin ito? Hindi naman masyadong malalim."
"Sure ka?"
"Makulit ka rin pala. Yeah, sure ako." Tumunog ang cellphone ni Vela at sinagot niya iyon.
Hindi maiwasan ni Sky na lalong pagmasdan si Vela habang patuloy na nakikipag-usap sa telepono. Hindi rin niya sinasadya na mapatagal ang pagtitig niya lalo na sa labi nito. Pinandilatan lamang siya nito kaya iniba na niya ang pokus ng kaniyang paningin.
Pagkatapos ng tawag ay humarap ito sa kaniya. "May sasabihin ka ba?"
Kinamot niya gamit ang kaniyang hintuturo ang kanan niyang kilay. "Wala naman."
"Alam mo, 'wag mo na masyadong isipin 'yung halik ko dun sa Divisoria."
"I'm not thinking about that!" parang nandidiring turan ni Sky.
Kumibit lamang si Vela. "Sinabi mo, e."
"Hindi naman talaga!"
"Bakit masyado kang defensive?" Lihim na tumatawa si Vela sa iniaakto ng lalaki. Lalo kasi itong gumuguwapo 'pag nakakunot ang noo nito. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang lalaki habang bumababa ito ng sasakyan pagkapark nila sa may police station. Ang liit ng mukha nito and his skin were absolutely flawless. Ang guwapo talaga ng mokong! Ito ba 'yung sinasabi nilang makalaglag-panty na kaguwapuhan?
Pinagtitinginan ito ng kababaihang mga dumadaan lamang. Ang iba nga ay nagkakalabitan pa habang pasimple itong tinuturo. Mukha itong artista na naligaw sa daan.
"Hindi ka pa ba bababa diyan?" yamot na wika nito na ikinatuwa pa lalo ni Vela.
She must admit it. She loves looking at him.