AYON kay Luca, taon-taon ay nagkakaroon ng paligsahan na ginaganap sa mga ari-arian nila Vito. Magiging tsansa na nila iyon upang matiktikan ang lalaki at makagawa nang taktika sa pagsalakay na pinaplano nila. Ang paligsahan ay exclusive lamang para sa mga babae. Isa sa mga criteria ay marunong sa pakikipaglaban. Kapag natuwa si Vito, malaki ang ibinibigay nitong premyo. Minsan naman ay ginagawa nitong isa sa mga tauhan nito. Binibigyan agad nito ng mataas na posisyon sa organization. Sa umpisa ay hindi ipinapahayag kung ano ang premyo, pero sigurado namang ikatutuwa ng mananalo. Nalalaman na lamang ang gantimpala kapag nagkaroon na ng panalo. Gaganapin ang pinakaunang bahagi ng patimpalak sa isang opera house. Tahimik lamang na nagmamasid si Vela sa mga babaeng nakasuot na rin ng

