Only my phone's notification may be heard inside my condo. My eyes are fixed on the ceiling. I shared a sliver of a photo of my face with the description "cake."
I'm twenty three right now. Twenty and still haven't learned a thing about life. Wala pang naaabot.
Bumuntong-hininga ako bago tumayo at inasikaso ang sarili. It's my birthday. I will treat myself with things that I wanted to buy. And that will start by buying new clothes. I suddenly felt to have a change of style. Nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko at ang itsura ko ay tila bata pa rin.
I will go for something new now. I wanted to look like a real woman. Wear something sexy and learned how to apply a better makeup than just lip tint and blush on. Sa ngayon, nagsuot lang ako ng pink na bestida na hanggang ibabaw ng tuhod ng haba. Tinambalan ko ng doll shoes, earrings na maliit at headband. I look cute! But definitely not what I wanted to look like.
I heave a sigh before I pulled the gear stick and drove my car to Horizon's mall. Ngumiti agad sa akin ang mga guard at bumati. Regular customer ako sa mall na 'to kaya nasanay na sila at hindi binubuksan ang maliit na pouch na dala ko.
Dumiretso kaagad ako sa paborito kong boutique. I asked for assistance.
"Lahat ng smexy outfit, narito sa brochure, Ma'am," nakangiting sambit ng sales lady.
Binuksan ko kaagad iyon at tinignan. Halos mamula ako sa magagandang klase at istilo ng damit na naroon pero nasisiguro kong masyado iyong maiikli o 'di kaya ay nagpapakita ng kurba ng katawan o dibdib.
"Puro ganito ba lahat ng sexy?" tanong ko sa nasa tabi kong sales lady.
I fished my phone out of my pocket and showed her the picture of the tourism girl that Tyron makeout with.
"Do you think if this girl shops here she'd like all of these clothes?" ipinakita ko ang phone ko at ang brochure na hawak.
Since she's probably into fashion style, mauunawaan niya kaagad iyon. We both browsed her pictures and the sales lady nodded at me.
"Sigurado, Ma'am! Kapag ganiyan ang katawan, malabong hindi ipakita," anito.
Napatango ako at ngumiti.
"Kukunin ko bawat isang pares nito," nakangiting sambit ko.
Lumapad ang ngiti ng babae sa kaniyang mukha at agad na sumenyas sa kasamahan nitong nag-aabang lamang din sa 'di kalayuan.
"Pati sana mga heels at sapatos, meron din ba ritong babagay sa mga iyan?" Of course I need those to complete my style! I'll shop my makeup later. Kakain ako pagkatapos nito.
They already know my size so they brought all of the sizes of the dresses in the brochure. Higit sampu ang naisukat ko roon at talaga namang lahat sila ay pumapalakpak.
"Perfect, Miss! You have a body of a model. Siguradong lahat po iyan ay magiging maganda sa iyo," ani isa sa kanila.
Tatlo silang nakatingin sa akin kapag lumalabas ako ng fitting room. Ramdam ko ang bahagyang pagkaasiwa sa ikli ng mga damit at paglitaw ng ilan sa parte ng katawan ko pero kapag pinupuri na nila ako, um-okay naman. Nagiging confident ako kahit papaano.
Kinuha ko ang mga iyon at ibinigay ang card para magbayad. Mom and Dad doesn't care if I lost tons of money for myself. Ang mahalaga, hindi ko sila kukulitin. Panay ang tingin ko sa cellphone ko at naghihintay kahit isang text man lamang sa kanilang dalawa pero walang dumarating.
That made my mood a bit sour. When I went to eat my brunch, I'm a little bit disappointed. Sa dami ng bumabati sa akin na hindi kakilala sa f*******: at i********: profile, wala ni isa man lang sa mga kaibigan ko ang gumagawa noon.
I started checking their stories and saw that they've been in Costa Rica since last night. Ang stories na naroon ay kinuha ng alas dos nang madaling araw sa isang high-end bar sa tuktok ng building. Malyca is probably is still asleep right now. Nakita ko sa story niya kagabi na nasa bar siya, eh. Hindi man lang din ako nabati noong sumapit ang twelve. I know it's not their responsibility, though. But I love greeting them during their birthday. Can't they do that to me too?
I sighed again. I checked Mommy's i********: and she's with her family right now. Having a good time in their salon branch. I smiled bitterly. Mas lalong wala akong dapat asahan kay Daddy. Evangeline might text me if only I didn't block her number. I hate her, actually.
Evangeline is an only child and I really hate how she have everything. Una, si Daddy tapos ang Mommy niya na halata namang mahal na mahal siya. She has a lot of friends too and now she have my best friend. Lahat kaniya na! Masayang buhay habang ako, mag-isa. Hindi pa magawang tapunan ng atensyon kahit ipinagmamakaawa ko na.
I avoided her ever since I realized that presence is making me feel insecure. Marami na ako noon at hindi na kailangan dagdagan pa sa tuwinang makikita ko siyang masaya.
I sipped the last straw of my milkshake before I went to try new makeups and perfumes. I asked someone to teach me how to apply those to make myself better. Mabilis naman akong matuto. Isa siguro sa kakaunting swerte ko ay hindi mahina ang ulo ko. I'm not academically dumb. Sa lalaki lang ako tanga.
Just like now. I'm so freaking tired for all my activities since morning and yet I'm still here and waiting for him to arrive. Ang sabi niya kagabi ay pupunta siya kaya naghihintay talaga ako.
Binalikan ko ang eksena matapos ang mga tagpo nila ng mga babae niya. He walked out of that room and left his women there. Hindi na siya nagulat na nakita akong nakasalampak sa sahig.
I immediately went up and greeted him with a wide smile. Na parang hindi ako umiyak at nasaktan sa mga nasaksihan.
"Didn't I told you to never visit this place again?" parang kulog ang boses niya sa lamig.
Napalunok agad ako at unti-unting napawi ang galak na naramdaman nang makita siya. Nagsusuot pa lang siya ng manipis na sando. Siguradong dito na siya magpapalipas ng gabi.
Tyron's hair is a mess. His jaw and neck remain crimson. Due to lip locking with his girls,his lips are a little puffy.
Since I last saw him, his body has matured. Nakita ko kanina bago niya pa tuluyang maisuot ang sando. Even with attire on, his well-sculpted abs reveal his impressive physical condition, indicating a strong overall physique.
He's tall. Hanggang baba lang niya ako. At least, kahit papaano umabot hanggang baba. Kapag nag-heels ako, sigurado na maabot ko na ang ilong niya.
He throws out a broken cigarette on the trash bin. My face crumpled with that. Suminghot ako at ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. Perfect jaw and pointed nose. His eyebrows that made him look like a snob but his lips that always twitch is making him look playful too. Mahahaba ang pilikmata na ikinaiinggit ng ilang kababaihan. His sensual stare that always melt his women's dignity.
He casually secures his pants while exuding an unmistakable air of rugged handsomeness, embodying the archetype of a captivating bad boy with effortless ease.
"Umalis ka na, Avaya," anito at naglakad. "My friends will be here any minute. Hindi magandang nandito ka."
Lumabi ako at naisip na baka grupo nila Zath iyon. Iyong kanina lang ay kasama niya.
"Bakit naman hindi maganda?" inosenteng tanong ko sa kaniya habang sumusunod.
Tumigil siya at lumingon sa aking gawi. He's now looking at me with eyes full of intense. I smiled awkwardly.
"There will be a lot of women here. They'll make out and have s*x here. Don't tell me you want to witness that?" umarko ang kilay niya.
Nagpatuloy siya paglalakad patungo sa kitchen. Sumunod pa rin ako. Kumuha siya ng inumin sa fridge at nagsalin sa isang baso. His biceps flex in that small movement. His movements are with hard masculinity which made him more attractive to me. Hindi katulad ng ibang lalaki na kung umasta, para pa ring mga totoy.
"I've watch porns. Hindi na bago sa akin iyon," sambit ko.
Of course, hindi na bago sa akin iyon dahil kani-kanina lang ay napanood ko siya. At hindi ito ang unang pagkakataon. Binalingan niya ako nang malamig na tingin.
"So you want to watch?" sarkastiko na ang boses na ginamit.
Ngumuso ako at umiling. Humugot ako nang malalim na hininga at diretsong sinabi ang nais ko.
"My birthday is tomorr-"
"So?" he cuts me off.
Aminado akong sa ginawa niyang iyon, hindi lang ang salita ko ang pinutol niya. Miski ang confidence kong ayain siya. I started stuttering, hindi makahanap ng tamang salita.
"Uhmmm... ano kasi... ano..." He shook his head in disappointment when I couldn't voice out what I wanted to say.
I bit my lower lip in disappointment, too.
He finished his glass of water and started walking away again. I followed him like usual. Lumunok ako at hinugot lahat ng lakas ng loob na natitira pa sa akin.
"I want to spend it with you through d-dinner date?" I smiled tightly.
Hindi ako nakarinig ng tugon sa kaniya miski nang makaupo na siya sa sofa kung saan naroon ang ngayon ay lima ng mga kaibigan niya.
The two newcomer looked shock of my presence. Ngumiti ako ng tipid at tumango bago binalingan na uli si Tyron.
"P-pwede ka ba?" mas nahihiya ako ngayon dahil nakatuon na sa akin ang atensyon ng mga kaibigan niya.
Tyron on the other hand is busy pouring liquor on an empty glass. Kinuha niya agad iyon at sumimsim bago isinandal ang likod sa backrest nang mamahaling sofa.
"Dam, tinatanong ka," nakangising sambit ng bagong mukha roon. Nakangisi nang nakakaloko.
Lyric Romanov, a famous band vocalist na kasali rin sa samahan ng mga racer na sinalihan ni Tyron last year. They've been friends because of that. He's handsome, too and looking like a bad boy but I prefer this one who doesn't give a damn about me.
Tamad na sumulyap sa akin si Tyron kaya ngumuso ako para pigilan ang ngiti. The combination of his haughty expression and undeniable good looks is a sight to behold. It screams of danger and pain, and yet, the mere sight of him fills me with an unexplained happiness.
"Ty..." tawag ko uli sa kaniya.
He heaved a sigh. "Anong oras ba?" supladong tanong niya bago ginulo ang buhok na parang naririndi na rin siya sa akin.
Lumapad ang ngiti sa labi ko. He asked! That means he's okay with that. Para na akong nakakakita ng fireworks.
"Seven, bukas. Sa Sky Tower. Magre-reserve na ako ngayon," tuwang-tuwang sambit ko.
Bago pa siya makasagot, dinumog na kami ng ingay nang pagbukas ng pinto. Isa-isang nagpasukan ang mga kaibigan niya roon. Wala si Zath o si Giovanni. Mga bagong mukha ang mga narito. May kaniya-kaniyang babae sa kanilang tabi at ang iba ay hindi itinago ang paglingkis at paghalik sa mga iyon. They all look like attractive rebels.
I felt a calloused warm hand on my wrist. Hindi ko namalayang nakatayo na pala si Tyron at hinila ako patungo sa pintong kanina lang ay puno ng taong pumapasok. Inilabas niya kaagad ako habang siya ay naiwan sa may pinto.
"Umuwi ka na, Avaya," he commanded like an angry beast in a city of monsters.
"Pupunta ka, ha?" naniniguradong tanong ko at humakbang patalikod, nais ipakitang kapag um-oo siya, aalis na ako.
Kinamot niya ang kilay niya at isang beses na tumango. I almost bump into a group of women. Pinanlisikan ako ng mata noong isa.
"Stupid!" dinig kong asik nito.
"Ty, babe..."
"Hon, you ready?"
magkapanabay na tanong noong dalawang hindi ako pinansin. Tyron's attention is now drifted towards them. Humalik agad ang isang babaeng malaporselana ang kutis kay Tyron na hindi nito tinanggihan. Matagal at may tunog ang halik na iyon na dahilan ng pagtalikod ko at pagmamadaling umalis.
I acknowledge that thoughts plagued my nights, leaving me restless. I find myself puzzled by his eagerness to distance himself from me, yet he finds amusement in the company of other girls.
Ano bang mali sa akin? Ano ang ayaw niya sa akin. Bigyan niya lang ako ng pagkakataon na malaman kung ano ang mga ayaw niya, babaguhin ko kaagad. But Tyron won't tell me that.
That's why I planned on asking him about some of his preferences while were having our dinner date. Kaya lang... mukhang malabo na mangyari iyon.
Nakakaramdam na ako ng panlalamig nang makitang isa-isa nang inaayos ang lamesa at upuan sa paligid ko. Ako na lang ang tao. Sky Tower operates until midnight. Matapos iyon, magsasara na. It's past twelve. Kanina pa nag-aasikaso ang mga crew.
They exchange glances after looking at my way. Sa tingin ko ay nahihiya lang sila na paalisin ako. Binuksan ko uli ang screen ng cellphone ko at nakitang wala talagang kahit anong pasabi man lang si Tyron miski sa f*******: account, eh, alam niya namang friends kami roon.
Kaninang sumapit ang alas diyes ay nakakaramdam na ako nang pag-aalala para sa kaniya. Pwede kasing nadisgrasya siya o may nangyari sa kaniya kaya hindi naka-attend. I really hope that I have his digits so I could call him and ask if he's okay.
I tried messaging Zath earlier if he could tell me where he is. Si Noriel kasi hindi naman ako in-accept sa f*******:. Gio's story is in Italy. Malabong kasama siya. Zath is my only hope.
Nanginig ako sa hiya nang nakita ang manager ng Sky Tower na palapit sa gawi ko. May ngiti itong alam kong hindi totoo. Maganda ang pangangatawan at matangkad.
"Miss, Sky Tower is about to close. Pwede na po ba naming iligpit ang mga 'to?" binalingan niya ang mesa ko.
Lumunok ako at nahihiyang tumango.
"Pasensya na..." sambit ko. "May emergency kasi iyong kasama kong kakain, eh."
Nahihiya akong sabihin na hindi ako sinipot. Nakakahiya at nakakababa ng confidence na sabihin iyon sa magandang babaeng 'to. Pakiramdam ko, malalaman niya na isang Tyron Del Rico ang hindi pumansin sa akin.
I took my clutch and smiled at her.
"Uh... babayaran ko na lang iyong wine," nakangiti pa ring sabi ko kahit halos manlambot na ako sa kahihiyan.
Matipid itong ngumiti. Sumenyas siya sa isang tauhan at tinuro ang mesa.
"This way, Ma'am? Guide kita?"
I thanked her for talking politely at me even though I can see that she's pissed. Sa huli, binayaran ko lang ang reservation, ang alak na nainom ko at nag-iwan ng tip para sa kanila.
As I stand inside the elevator, my heart throbs with an agonizing intensity. I find myself questioning why he didn't arrive. What could have possibly occurred? What explanation does he have? Regardless of the truth, I am prepared to accept and validate it, even if it means facing deceit. Basta makatanggap lang ako ng mensahe o paliwanag kung bakit pinaghintay niya ako sa wala.
When the elevator stopped, I went out as fast as I can. Nagtungo agad sa parking lot na kakarampot lang ang ilaw. Hindi ako makaramdam ng takot o pangamba. It could be that my weariness is causing me to be incapable of accommodating such feelings.
Sumakay agad ako sa may kotse ko at bubuhayin na sana ang makina pero umilaw ang cellphone ko. I saw through the notification drawer that Zath Delicante replied on my message.
I opened it without second thought. Bumungad sa akin ang una niyang reply.
Zath Delicante:
He's here.
Why?
Zath Delicante sent a video.
Nag-uunahan ang luha ko sa pagragahasa mula sa mata ko nang makita kung ano ang video na iyon. Tyron is kissing with a woman on the dancefloor. Maingay na maingay ang nililikha na tunog sa club. Sa quality ng video na medyo magulo at medyo malaki ang pole sa gitna kung saan malapit si Tyron at iyong babae, halatang naka-zoom in lang iyon at ang kumuha ay nasa second floor.
The woman is grinding her hips on Tyron na siyang sinasabayan naman nito. Nag-iinit ang pakiramdam ko dahil sa galit. Nagtipa ako, bahagya pang nagkaroon ng typo iyon dahil sa luha.
For how long he's in that bar?
I sent Zath. The screen showed that he's typing.
Zath Delicante replied:
Since eight. Why?
Hindi na ako sumagot at ni-like na lamang ang reply niya. Nasaan siya during seven o'clock? Kahit isang oras lang sana. Pinuntahan niya sana ako roon at pwede na siyang umalis ng eight, magpunta sa bar at magpakasaya roon. Yet, he never did.
Dumausdos ang cellphone ko mula sa aking kamay, bumagsak sa kandungan ko. Isinubsob ko ang mukha sa steering wheel at humagulgol doon. I'm worried about him. Bago ko pa maisip na nambababae lang siya, naisip kong baka naaksidente siya. Mas naisip ko pa ang kalagayan niya at safety niya kaysa akin.
Now... he's just there, giving his attention to some random woman. Ako na nagpapakahirap... nagmamakaawa... nanunuyo kahit ngayon ang na birthday ko, hindi niya pa napagbigyan.
Did he forgot about it? Hindi ba nagno-notify sa kaniya ang birthday ko sa f*******:? O sinadya niya talaga iyon? Sinadya niyang huwag akong siputin.
Umahon ako para sana punasan ang luha ko nang hindi sinasadayang nasulyapan ko ang itsura ko sa rearview mirror.
My makeup is ruined. I looked like a crying ghost. Sumisigid ang kirot sa dibdib ko dahil sa awa para sa aking sarili. I pity myself. I dressed up for this night and I even changed my style. Nilalamig ako sa rooftop kanina, ang suot ko ay manipis na satin dress na halos kita ang kalahati ng hita ko at backless iyon.
I dressed up as his preferred type of woman! Nag-vibrate ang cellphone ko nang sunod-sunod. It's a call from an unregistered number. I declined it and cried again.
"S-siguro... tama na muna..." garalgal na sambit ko.
Maybe I should give myself time to heal. Baka kasi masyado na akong pagod sa nagdaang buwan na paghahabol ko sa kaniya. Baka nauubos na ako. I need to redeem myself for now and then get back at running after him once I feel like my determination is full again.
"Maybe he's tired of me now..." lalong nanghihina ang loob ko sa naiisip.
Tyron could have message me. Kahit sabihin lang na hindi siya makakarating. I laughed while crying when a thought crossed my mind. A thought to hurt myself more.
Bakit? Kapag ba sinabi niya sa akin na huwag akong maghintay, uuwi na ako Baka alam niya na kahit anong sabi niya sa akin ay 'di ako makikinig. Kaya hindi na nagsabi.
Tawa-iyak ako roon sa loob ng kotse ko habang nagtatalo ang isip. Isang side ng isip ko ay pinagtatanggol pa rin siya habang ang isa naman ay pinipilit akong pasukuin na.
I sniffed and turned off my phone. I started my engine and decided. Siguro, magpapahinga muna ako.
"Pahinga lang..." bulong ko. Tapos kapag malakas na uli ako, hahabulin uli kita.
It's my decision and somehow, I'm proud of myself. Kailangan ko pa talagang mapahiya, maiwan sa ere at magmukhang tanga bago ako makapagdesisyon.