Axton's point of view
"Seven million!" sigaw ni Wilson.
Napangisi ako. Tinignan ko ang matandang intsik kung papalag pa rin ito.
"Ten million!" sigaw ng matanda.
Well, I was impressed. Nakatingin sa akin si Nolie kaya sinenyasan ko s'ya na wag muna dahil mukhang mainit ang laban ng dalawa.
Tinignan ko si Wilfredo na kalmadong nakaupo sa upuan n'ya, pero kumukulo na ang kaniyang dugo.
"Fifteen million!" sigaw ulit ni Wilson.
Tinignan ko ang matanda. Napailing ako na mukhang hindi na ito papalag. Akala ko pa naman ay matapang ang isang ito.
"Twenty million!" sigaw ng matanda kaya bumalik ang tingin ko sa kan'ya.
Napatayo na si Wilson dahil sa inis nito sa matanda.
"Thirty million!" sigaw ni Wilson.
Tinignan ko si Wilfredo na lihim na napangisi dahil mukhang proud pa sa katangahan ng anak n'ya. Tinignan ko ang matanda na hindi na nagsalita.
"Thirty million? Anyone?" tanong ng emcee.
Kaya tumingin ulit ako kay Nolie at sinenyasan ito na ipagpatuloy ang laro.
"Thirty five million!" sigaw ni Nolie.
Napapalakpak ang ibang tao dahil sa presyo na binibitawan nila. Si Kim naman ay mukhang nang-iinis pa sa mga Tolentino dahil ng napatingin sila kay Nolie.
Halata na sa mukha ni Wilson ang pagkapikon. Tumingin muna s'ya sa tatay n'ya bago ito magbitaw ulit ng halaga.
"Forty five million!" sigaw ni Wilson.
Tinignan ni Wilson si Nolie para yabangan ito. Umayos ako ng upo para sa last words ni Nolie. Tumango ako kay Nolie na itodo n'ya na.
"Fifty million!" sigaw ni Nolie.
Lahat ng mga tao ay nagulat sa presyong iyon. Tinignan ko si Wilson kung papalag pa sila o hindi. Umupo si Wilson kaya napangiti.
Malaking halaga ang presyo kay Mama ko na lang ibibigay ang necklace na iyon.
"Fifty million? Anyone?" sabi ng emcee.
"Sixty million!"
Napaangat ako ng tingin ng isang matanda ang sumigaw. Biglang napatingin sa akin si Nolie at Kim. Napayukom ang kamao ko ng si Wilfredo ang lalaking iyon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. "Sixty million and one cent!" sigaw ko.
Tumingin ako sa mga Tolentino. Specially kay Weeny na masama na ang tingin sa akin. Pinasok ko ang isa kong kamay sa bulsa ko at nginisihan ko sila.
Lumipat ang tingin ko kay Wilfredo na napatayo kasama si Wilson na masama na rin ang tingin sa akin.
"Seventy million!" sigaw ni Wilfredo sabay sama ng tingin sa akin.
Tinaas ko ang kaliwa kong kamay. "Seventy million and two cents!" seryoso kong sabi.
Ang ibang tao dito ay nagtatawanan na, pero wala ng masnakakatawa kung hindi makita si Wilfredo na naiinis muli sa akin.
Alam kong hindi basta-basta magpapatalo si Wilfredo kaya enjoy-in ko na. Tumayo na rin si Weeny dahil sa akin. Kahit anong tingin ang gawin nila sa akin ay walang epekto ang mga iyan.
"Eighty million!" sigaw ni Wilfredo.
Lahat ng tao ay nakatingin sa akin kaya umupo na ako. Masyado ko na silang napapahanga. Bigla akong nginisihan ni Wilfredo kaya muli kong tinaas ang kaliwa kong kamay.
"One hundred million!" sigaw ko.
Seryoso kong sigaw at seryosong tinignan si Wilfredo. Tignan natin kung papalag ito.
"One hundred ten million!" sigaw ni Wilfredo.
Ngumisi ako sa kanila.
"You won!" sabi ko ng walang tunog na lumalabas sa labi ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Habang naglalakad ako palabas ay sinabi na ng emcee ang halaga ng necklace na binili nila.
Hindi ko maiwasan napangiti dahil doon. Pinalaki ko talaga ang presyo, pero wala na akong balak bilin iyon. Hindi mahilig si Mama sa mga alahas kaya sayang din iyon sa akin.
Ang importante ay nakita ni Wilfredo kung sino ang magiging kalaban n'ya. It just a warning not the real game.
Pagkalabas ko sa venue ay kasunod ko na sila Nolie.
"Kinabahan ako doon, akala ko ikaw ang bibili," sabi ni Kim sa akin.
"Hindi ako tanga," sagot ko dito.
"Umalis na kayo baka mayroon pang makakita sa atin dito," sabi ko sa dalawa bago ako tumalikod.
Naglakad ako papunta sa parking lot. Tapos na ang gusto kong mangyari kaya wala na akong panahon para pa pumunta dito.
"Axton!" sigaw ng isang lalaki sa akin.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko kung sino ang lalaking tumawag sa pangalan ko. Nandito kami ngayon sa parking lot. Walang tao at kaming dalawa lang ni Wilson.
Huminga ako ng malalim at binigyan ko s'ya ng walang ganang tingin. Hindi ko inasahan na susundan n'ya ako dito..
"Bakit mo ginawa iyon?!" sigaw n'ya sa akin.
Naglakad palapit si Wilson sa akin. Ako naman ay nanatili sa matigas na batong kinatatayuan ko.
"Why I need to explain it to you?" seryoso kong tanong sa lalaking kaharap ko.
"Hindi ba nililigawan mo ang Ate ko?" tanong n'ya sa akin.
"So?" diretso kong tanong.
"So? Wag mong kakalabanin ang pamilya ko!" sigaw n'ya sa akin.
"Ano bang meron sa pamilya mo?" pang-iinis kong tanong kay Wilson.
"Wag mo ng alamin kung ayaw mong magsisi," sagot n'ya agad sa akin.
"Mahal ko ang Ate mo, pero ang pamilya mo, hindi!" seryoso kong sabi kay Wilson.
Biglang namula ang mukha nito sa galit sa akin. Balak n'ya akong suntukin, pero agad akong gumalaw papunta sa kanan para iwasan ang kamao ni Wilson na papunta sa akin.
Hindi pa s'ya nakakabalik sa pagtangka sa pagsunton sa akin ay binigyan ko agad s'ya ng isang malakas na suntok sa kaniyang pisnge dahil para mapaatras ito mula sa akin.
"Ayoko na kitang patulan dahil kapatid ka ni Weeny," seryoso kong sabi dito.
Nakahawak n'ya sa pisnge n'ya dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko dito.
"Gago!" sigaw n'ya sa akin.
Muli itong humakbang palapit sa akin kaya muli ko itong sinuntok para hindi na makalapit sa akin. Dahil sa pwersa na binitawan ko sa kaniya ay napaupo ito sa sahig na mayroong dugo na tumulo sa ilong n'ya.
Balak pa nitong tumayo kaya binunot ko na ang baril na nakasabit sa likuran ko at tinutok iyon sa ulo ni Wilson. Pwede ko itong gawin dahil wala naman nakakakita, pero ayoko munang tapusin ang laro ng maaga.
Halata sa mukha n'ya ang takot kaya nginisihan ko ito.
"Soon to be Kuya mo ako, kaya be nice to me," seryoso kong sabi kay Wilson.
Tinanggal ko ang pagkakatutok ko sa kan'ya ng baril. Binalik ko sa pagkakasabit sa likuran ko ang baril at tinignan ko ng seryoso si Wilson.
Naglakad ako palapit sa kan'ya at umupo ako para magkapantay kami.
"Wag kang iiyak na para kang bata!" seryoso kong sabi kay Wilson.
"Malalaman ito ng Ate ko!" sigaw sa harapan ko ni Wilson.
Bigla akong napangisi sa sinabi n'ya. Hinawakan ko ang pisnge ni Wilson para itapat ko sa mukha n'ya, pero marahan n'yang tinaggal ang pagkakahawak ko sa kan'ya.
"Magsumbong ka!" seryoso kong sabi sa kan'ya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumalikod kay Wilson, pero bago ako umalis ay huminto ako sa paglalakad ng hindi tumitingin kay Wilson.
"Alam ko ang sikreto mo," seryoso kong sabi kay Wilson.
Kimuha ko ang phone ko at pinakita ang babae n'yang kahalikan sa bar.
"Wag mong ipapakita kay Fay iyan!" sigaw n'ya sa akin.
Muli akong humarap kay Wilson.
"Mananahimik ako kung mananahimik ka," seryoso kong sagot kay Wilson bago ako maglakad papunta sa kotse ko.
Pumasok ako sa loob ng kotse at mabilis akong umalis sa parking lot na iyon. Hindi ko mapigilan ang ngisi ko dahil isang gabi lang nilang inubos ang one hundred ten million pesos.
Napatingin ako sa suot kong bracelet dahil muli na naman itong nasuot sa kamay ko. Kahit anong beses kong ilayo sa akin ang bracelet na ito ay laging na lang sumusunod.
Pagdating ko sa bahay ko. Itong bahay na ito ay binili ko last year. Dito ako pumupunta pag gusto kong mapag-isa. Bumaba ako sa kotse ko at pumasok na sa loob ng malaking bahay.
Pumupunta din dito sila Mama, pero hindi madalas. Pagpasok ko sa loob ay masyadong tahimik kaya nakakapag-isip ako ng mabuti. Kumuha ako ng vodka at ice. Naglagay ako sa baso at dinala ko iyon sa terrace ko katabi ng swimming pool area.
Sumandal ako sa upuan at pinagmasdan ang bilog na buwan. Pinikit ko ang mata ko para magpahinga.
"Ahh!" daing ko ng maramdaman ko ang pasa ko sa braso.
Nakaupo ako sa malaking bato sa payapang ilog habang tumutulo ang luha ko. Tinignan ko ang bilog na buwan na nagbibigay luwanag sa paligid.
Tumakas lang ako sa bahay namin dahil hindi ako makatulog. Muli na naman akong pinalo ni Uncle Wilfredo dahil sa pagkakabasag ko ng baso.
Pinunasan ko ang luha ko. Noong nabubuhay pa sila Papa ay hindi ko nararanasan ang ganito, pero ngayon na iniwan na nila ako ay wala ng nagtatanggol sa akin.
"M-multo!"
Napalingon ako sa isang sigaw ng isang babae. Sinangga ko ang liwanag na nanggagaling sa flashlight na dala ng isang babae. Napatayo ako sa pagkakaupo ko ng makita ko ang babae na tatakbo na palayo sa akin.
"Hindi ako multo!" sigaw ko sa babae.
Bigla s'yang huminto at muli akong tinanlawan ng flashlight n'ya. Tinignan ko ang babae na naka pantulog na ito.
"Tinakot mo ako," sabi ng babae sa akin.
Lumapit ito sa akin. Pagtingin ko sa babae ay isang maganda at maamong mukha ang nakita ko.
"Wala nga akong ginagawa," sagot ko sa kan'ya.
Tumawa ito sa akin. Sinundan ko s'ya ng tingin ng maglakad ito papunta sa bato at umupo ito doon.
"Gusto kong makita ang buwan," sabi n'ya sa akin.
Tinignan ko ang babae na hindi ako nilalayuan. Sa tuwing mayroon lalapit sa akin ay tinatawag akong basura dahil sa sinasabi nila Weeny sa akin.
Taka kong tinignan ang babae dahil baka hindi n'ya lang ako nakikita kaya s'ya hindi lumalayo sa akin. Napaatras ako ng bigla s'yang tumingin sa akin na nakangiti pa ito.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong n'ya sa akin.
Tumingin ako sa kamay n'ya na tinapik ang bato sa tabi n'ya. Nag-aalangan pa akong pumunta doon dahil pag nakita n'ya ako ay lumayo s'ya sa akin.
"Nagpapahangin lang ak—"
"Umiyak ka ba?" tanong ng babae sa akin.
Lalo akong napaatras dahil bigla itong naglakad palapit sa akin. Nakita n'ya ako sa malapitan at bigla itong napatigil kaya umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Wala akong sakit, pero lahat sila ay nandidiri sa akin sa hindi ko alam na dahilan.
"Aalis na ako," sabi ko na lang bago pa s'ya magalit sa akin.
Napatingin ako sa braso ko ng maramdaman ko ang malambot na palad na humawak doon. Tinignan ko ang babae na nakatingin sa akin.
"Mayroon kang sugat sa noo mo," sabi n'ya sa akin.
Hinawakan ko ang noo ko na mayroong sugad na kagagawan ni Weeny noong isang araw.
"Ikaw ba 'yung bata sa kabilang bahay?" tanong nito sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa babae dahil nahihiya ako sa kan'ya. Wala akong kaibigan at s'ya palang ang unang kumausap sa akin na hindi ako nilalait.
Dahan-dahan kong tinaas baba ang ulo ko bilang sagot sa babae.
"'Yung tinatawag na basura?" tanong pa ulit nito.
Hindi na ako sumagot ng marinig ko ang tawa n'ya.
"Uuwi na ako," seryoso kong sabi sa babae.
Alam ko na naaasarin n'ya lang ako.
"Hindi mo ba titignan ang buwan?" tanong nito sa akin.
Tinignan ko s'ya dahil hindi n'ya pa rin binibitawan ang braso ko.
"Maganda ang buwan, pero masmaganda kung mayroon akong kasamahan," nakangiti n'yang sabi sa akin.
Hinila n'ya ako sa malaking bato at pinaupo ako doon.
"Hindi ko malaman kung bakit ka nila tinatawag na basura, mukha ka namang malinis," sabi ng babae sa akin.
"Dahil iyon sa anak ni Wilfredo," sagot ko sa kan'ya.
"Hindi ko pa sila kilala, pero mukhang masama ang ugali nila," sabi ng babae.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa babaeng katabi ko ngayon, pero ang bait n'ya.
"Wala silang karapatan na tawagin ng basura ang isang tao, masbasura pa ang ugali nila," sabi ng babae.
Tumingin ito sa akin at ngumiti. Tinignan ko ang kamy nitong tinapat sa akin.
"Ako si Fay Ignacio," sabi nito sa akin.
Nginitian ko naman si Fay at tinaggap ang kamay n'ya.
"Hans Del Mundo."
Author's Note:
Mayroon pong story si Kim and Nolie, entitled "We Lost Our Fire" By: Hxnnxhssi.